The Melody Beaters and Me

1.7K 54 94
                                    

Ice' POV

"Tol, ano na? Ano na ang plano natin para sa event?" tanong sakin ni Job.

"Wala din akong maisip! Ang hirap naman kasi ng naassign satin! Mantakin mong kelangan natin magresearch ng buhay ng isang tatay?! Hindi naman natin magagamit sa pagttrabaho yun ee." sagot ko kay Job at sumang-ayon naman ang buong barkada.

Malapit na kasi ang Parent's Day at nakaassign kaming magbabarkada na humanap ng istorya ng isang ama.

Kung tutuusin pinapili kami ni Ms.Fajardo sa gagawin namin. Its either maghahanap kami ng istorya o yung istorya ng tatay namin mismo. Kami na daw bahala kung ano gagawin namin. Ang kailangan lang naman ay ang maikwento namin ito sa stage at maramdaman ng mga magulang na naaappreciate namin sila.

"ee tol bakit di na lang natin gawin yung isang option? Kesa mahirapan tayo di ba?" sabi ni Zeke.

"Pwede naman yan kaso kaninong istorya ang ikkwento natin? Iniisip ko pa lang na ikkwento natin sa harap ng maraming tao, medyo kinakabahan na ko. And to think na nandun din yung magulang ko? Nakoooooo!!" mahabang litanya ni Paul.

"Ang dami mong sinabi Paul at ang matindi niyan, walang nakatulong sa mga sinabi mo! AHAHAHA!" pambabara ni Zeke at nagtawanan ang buong barkada.

"Oh pano? 6pm na! Kelangan ko na umuwi!" biglang sabi ni Job.

"Pasabay na din!" - Zeke

"Ako din!" - Paul

"Lakas niyo makisabay para makatipid kayo! Pagpepektusan ko kayo isa isa dyan ee." sabi ni Job. May kotse kasi yan tsaka halos magkakapitbahay lang sila kaya madalas talaga makisabay sa kanya sina Zeke at Paul.

"Oh pano Ice? Una na kami!" sabi ni Zeke.

"Bata pa kayo, mauuna na kayo? Geh pagdadasal ko na lang kayo! AHAHAHA!!" sagot ko sa kanila.

"Adik!! Ahaha! Geh uwi na kami. Ingat ka. Derecho uwi na haa.. Mamaya pumunta ka pa sa crush mo." sagot ni Paul.

"Geh na lumayas na kayo! Chat na lang mamaya! Ingat!" sabi ko at umalis na din ako.

"Hoy Ice!! Sina Matt, Charles at Kyoji pagsabihan mooooooo~" sigaw ni Zeke. Ibang klase talaga yung taong yun.

Naglalakad ako pauwi ng may makita akong isang pamilya na masayang naglalakad dala dala ang kanilang pinamili.

Napangiti na lang ako sa nakita ko at the same time may halong inggit. I was once like that child. Masayang kasama ang magulang ko.

"Oh Isaiah, pauwi ka na ba?" si manang Beth, isa sa mga kakwentuhan lagi ni Mommy.

"aa opo manang." at nginitian ko na lang siya.

"Nakooo yan na naman yang ngiti mong bata ka! Pagkagwapo mo talaga, manang mana ka sa tatay mo." sabi niya.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni manang.

"Ay oo nga pala. Eto pala ang pagkain mo mamayang gabihan. Dito na iniwan sakin ng tita mo dahil baka di mo daw makita, mapanis lang." - manang Beth.

"Salamat po manang. Sige po, uwi na po ako. Salamat po ulit." at nagpatuloy na ko sa paglalakad pauwi.

----

Sa bahay

"Yaya nandito na po ako." pagkasabi ko nun ay dumerecho na ko sa kwarto ko sa taas at binuksan ang laptop ko. Kelangan kong mag-online para makausap ang barkada. Hindi pa sila online.

A Father's Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon