Ice' POV
After 6 months
Its been six months simula ng malaman kong wala na si Mama. I'm still mad at him. Bakit at paano niya nagawa yun?! Wala siyang puso!
Iniidolo ko pa man din siya kasi mapagmahal at magaling talaga siya pero what's this?! Damn that reason! Hinding hindi ko talaga papatawarin ang taong yun. I'll make his life a miserable one. Tawagin niyo na kong walang modo, walang kwenta at walang utang na loob pero hindi niyo alam kung gaano kasakit ang ginawa niya sakin. Hindi niyo alam!
"Ice, kain na anak..." rinig kong sabi niya habang pumapasok sa kwarto ko.
"Ilang beses kong sasabihin sayong ayokong makita yang pagmumukha mo!! Umalis ka nga dito!! Kakain ako kung kelan ko gusto!! Wag mo na kong pakialam!!" pagkasabi ko nun ay siyang pag-alis niya sa kwarto ko.
Hindi ko siya pinapansin at lalong ayokong makita ang pagmumukha niya. Nakakasuka ang makita siya at mas lalo akong nasusuka sa katotohanang nananalaytay ang dugo ng isang mamamatay tao sa katawan ko.
Makalipas ang kalahating oras ay bumaba ako para kumain. Sa loob ng anim na buwan laging ganito ang routine dito sa bahay. Bababa lang ako pag wala na siya. Ayoko kasing makasabay siya sa pagkain, pagkatapos kong kumain, maliligo naman ako at lalabas, tatambay sa kung saan pwedeng tumambay.
Tiningnan ko ang mesa sa salas at may nakita akong pera na nakaipit sa centerpiece. Nakakatawa talaga ang taong yun. Akala ba niya madadala niya ko sa mga ganitong pakana? Obligasyon naman talaga niya na buhayin ako di ba?!
Wala na kong alam sa magaling kong tatay, ni hindi ko nga alam kung ano na nangyayare dun at wala din naman akong balak alamin yun. Mas ok pa na mamatay na din siya. Tch.
Nandito ako ngayon sa tambayan, hinihintay ang barkada. Mga ilang sandali lang ang lumipas at nakita kp na din silang papunta dito.
"Tol!" bati ni Zeke sakin sabay apir.
"Kamusta mga tol? Anong ganap?" tanong ko naman sa kanila.
"Ikaw ang kamusta Ice?" tanong naman ni Kyoji.
Alam nila ang sitwasyon ko sa bahay. At isa sila sa mga nagsasabi sakin na makipagayos na ko sa taong yun.
"The usual mga tol! Wala bago." maangas kong sagot.
Napailing na lang sila sa sinagot ko. Ano ba problema nila?
"Alam mo tol, hindi na magan---"
"Wag niyo muna ako umpisahan ngayon please lang! Nakakaumay na yan!" putol ko sa pagsasalita ni Paul.
"Pero tol, an---"
"Alin sa sinabi ko ang hindi niyo naintindihan? Bwisit!! Makaalis na nga!! Nakakabadtrip kayo!!" pagkasabi ko nun ay umalis na ko.
"Palibhasa wala kang alam sa mga nangyayare sa paligid mo kasi puro sarili mo lang nakikita mo!!" sigaw ni Job.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ako pa ang walang alam sa mga nangyayare sa paligid ko? Nagpapatawa ba siya?
Nakakasawa na! Sa bahay pinagsasabihan din ako ng taong yun, hanggang sa masakal ako pero nanlaban ako, hanggang sa sumuko na siya sa paghihigpit niya sakin. Ngayon? Ayun nagmamakaawa na siya sakin na kausapin ko siya at bumalik na sa dati. Ano siya sinuswerte?
Napadaan ako sa tindahan at naisipan kong bumili ng yosi. Its not my thing pero wala namang masama kung ittry ko di ba?
Sisindihan ko na sana ang yosi nang biglang may humablot nito sa kamay ko at pinutol.

BINABASA MO ANG
A Father's Story [Completed]
RandomA man who endures all the pains and sacrifices is called a Father. Ang isang ama ay ang haligi ng tahanan. Siya ang may pinakamabigat na responsibilidad sa loob ng isang tahanan. But for me? nah~ I hate my father! I really do! Bakit? Siya ang dahila...