Day One: First Stage

107 7 4
                                    

FLASHBLACK

Humihikab pa ako ng bumangon ako sa kama "GOOD MORNING SUNSHINE!" sabi ko sa sarili ko. Gaya ng dati, sinisimulan ko ang araw ng masaya at nakangiti para good vibes agad, kaya nag patugtog ako nga pang sayaw, tutal umaga naman isabay na natin ang exercise

Tinawagan ko na si Ice dahil nag papasama sya sa school niya. At dahil bestfriend ko sya syempre pumayag na ko. At para makagala naman ako hehe Nag-ayos na ako at nag mamadaling umalis dahil hindi ko namalayan ang oras, tanghali na naman. Lagot na naman ko dun. Pagkalipas ng 30 mins narating ko din ang bahay nila Ice, hindi ko talaga mapag kakaila ang kagandahan ng babaeng 'to.

Suot namin ang pants na sabay namin binili noon, nag silbi na din itong friendship pants, hindi din naman kasi kami ganun ka-kikay. Simple lang kameng babae. Umalis na kame at tumungo na sa school ni Ice. "Bakit ang daming tao dito?" tanong ko kay ice habang inililibot ko ang paningin sa paligid. "Hindi ko ba nasabi sayo? May School Fair kami ngayon. Pwede ang ibang schools dito kaya maraming tao, sabi nga nila "The more the merrier!" sabay tawa niya.

Kaya pala yung iba dito hindi pamilyar ang mukha Naglibot libot kami ni Ice, naghahanap ng mga kaibigan namin, pero sa kasamaang palad wala. "Ice, kain na muna tayo, gutom na gutom na ko ee" hindi pa sya nag sasalita pero hinila ko na sya. "Ano ba naman Lyra! Makahila ka naman ee!" inis na sabi nya sa akin. "Ee gutom na gutom na kasi ako ee, G na G ka naman. Meron ka ngayon?!" sabi ko sa kanya ng natatawa.

Tinawanan nya lang ako, "Kasi may nakita akong booth", nag tataka ako sa kanya, ee ano namana kung may booth? Lahat naman ng sulok may booth "Eh tapos?" tanong ko sa kanya. "Interesting kasi yung pangalan ng booth, 'Red Booth' sa tingin mo ano yun?" napaisip din ako. Sabagay may point sya. "Oh ee di mamaya na lang tayo pumunta. Parang gusto ko din masubukan dun". Napag desisyunan namin na pupuntahan namin ang nasabing booth.

Hindi namin na malayan na nadito na pala kami sa food section ng nasabing fair, ang bilis talaga ng oras kapag nag e-enjoy ka. At syempre pag dating sa pag bli ng pagkain KKB kami, ganto tlaga kami mag turingan laging fair, Walang labis at walang kulang.

Bumili na kami ng makakain at nag usap tungkol sa mga bagay bagay. "Lyra? Gusto mo na ba mag ka Boyfriend?" Tanong nya sa akin out of nowhere.

Napaisip naman ako dun "Gusto ko na pero hindi pa ata ako handa sa bagay na yan. Pero alam ko naman na dadating din tayo sa stage na yan, pero sa tamang panahon nga lang" sagot ko sa kanya, na sinuklian nya lang ng ngiti.

"ikaw gusto mo na?" walang pag alinlangan nyan sinagot yon "Oo, kaso hindi ko pa ata sya nahahanap" pagkatapos nyang sabahin yon ay sakto namang dating ng na or naming pagkain. Saglit kaming tumahik habang kumakain, siguro dala na din ng gutom kami pareho. Mabilis namin natapos ang pagkain dahil gusto na ma-try ni Ice ang yung booth na sinasabi nya.

"atat na atat ka naman jan Ice ha." agad nya akong hinila sa booth na yon, sa sobrang takbo namin, ay naiwan o pa ang sapatos ko sa daan, buti na lang at may magandang loob na nag abot sa akin ng sapatos ko, "Miss! ang baho ng paa mo!" sabay tawa niya. WOW "Thanks!" hindi ko na lang pinansin ang komentong ginawa ni kuya at sumunod na kay Ice sa nasabing booth.

**RED BOOTH**

"Puro red talaga Ice ah" pero hindi na nya ata napansin ang sinabi ko. "Welcome sa Red Booth....... Ladies!" dahil sa gulat ko, naihi ata ako sa pantalon ko. Pano ba naman sobrang dilim dito sa loob, tapos biglang may sisigaw ng ganon, kamusta naman di ba?

bigla namang bumukas ang ilaw, at boom! puro salamin. Isang table lang ang nandito, tapos may dalawang lalaki na nakaitim, pero naka cover ang mga mukha nila.

"Anong pakulo 'to?" tanong ko sa isang lalaki doon. "parang hunted house lang ah?" pero hindi pa din sila sumasagot. Napansin ko naman si Ice na manghang mangha sa kanyang nakikita, parang bata tch. Ganito kasi trip nito ee, baliw ata tong kaibigan ko.

"hindi nyo ba nabasa yung nakasulat sa labas?" tanong sa amin ng isang lalaki. "Magtatanong ba kami ngayon kung nabasa namin" nainis ako bigla, si Ice naman hindi nakiki-cooperate sa akin. Baka mamaya kung ano pa gawin sa'amin nito.

"Kung ganun, ang nakasulat doon ay ito" may inabot sya na papel sa akin, binasa ko ng tahimik yung nakasulat dun 'Ang booth na ito ay para sa mga taong gusto mag bago.' bigla naman ako nag taka. "Anong pagbabago?" sabi ko sa kanila. Kinabahan ako bigla dahil baka kidnappers 'tong mga ito, mahirap na pareho kaming babae

"Ano na an gagawin namin?" sa wakas nag salita rin si Ice, "pumili lang kayo sa tatlong box na nandyan" nagtaka kami at nagka tinginan. "wala naman mawawala kung i-try natin". Sumangayon ako sa sinabi ni Ice. Curious din kasi ako kaya pumayag ako.

Magkaiba kami ng pinili ni Ice, para malaman din namin kung ano ang laman ng naturing na box. Binuksan namin sabay ang box....

"Red Syringe?" "Green Syringe?" sabay naming sabi ni Ice. "ano ibig sabihin ng mga 'to?

Tumingin ako kay Ice pero nakita kong may lumapit na lalaki sa likod nya at tinakpan ang bibig nya. Pupuntahan ko sana si Ice kaso nakaramdam ako ng parang may tinusok sa leeg ko at nag dilim ang lahat.

-----

first entry done! let me know your opinions hehe highly appreciated .. Thank you!

RED [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon