Pamunta muna akong 7-eleven bago umuwi. Nag crave kasi ako bigla sa mogu-mogu. Na-umay ako sa pagkain namin kanina eh.
Bumili na rin ako ng junk foods para mamaya, minu-minuto kasi ako nagugutom eh.
Pagka labas ko, may nakita akong salamin. Binibenta siguro, napatingin ako. Nakita ko yung itsura ko, cold nga. Ewan ko kung bakit ganto mukha ko, Nadala siguro ng mata ko. Medyo mapungay na mataray yung itsura, kaya parang hindi ako tumatawa.
"Bibilhin nyo, te?" natauhan ako bigla nung biglang nag salita yung lalaki sa tabi ko. "Ay-- hindi. Napatingin lang ako." Umalis na 'ko pagka sabi ko non. "bagay sa itsura mo to te!" sigaw niya sakin pero nag lalakad na 'ko. Ugh, I hate consistent people. "te! te! te!" tawag pa rin niya sakin. Tinignan ko lang siya nang normal pero halatang naiirita.
"Ay hindi na! wag na pangit ka, di bagay sayo to!" sigaw niya sakin sabay alis niya hawak-hawak yung salamin. Nag 'tch' lang ako sa hangin. People these days.
Naglalakad na 'ko papunta sa bahay pero parang may sumusunod sakin. Syempre di ko na pinansin yon dahil baka saktong may ka-parehas lang talaga ako ng way.
Naglalakad pa rin ako pero talaga sumusunod siya sakin. Tumingin na 'ko sa likod ko dahil naiirita na ko.
'oh-' nagulat ako sa nakita ko, aso lang pala. Wala hiya naman oh. Akala ko kung sinong tao na eh. Tinuloy ko na lang yung pag lakad ko, medyo malayo pa pero minsan masarap din mag lakad-lakad, Nakakapagisip ka ng mga bagay-bagay.
Isang street na lang at malapit na ko sa bahay. Binilisan ko yung lakad ko dahil pa gabi na. Nung malapit na ko, may nakita akong taong nag kukumpulan. Nagtaka lang ako pero di ako tumingin, dumaretso lang ako ng lakad. Tch, It's not my style.
"Ice!!" tumingin ako dun sa direksyon nang babae na tumatawag sakin. Nakita ko si "Benz?!" bakit siya nandito?! nagulat ako pero balik sa poker face ulit. "Bakit ka nandito?" tanong ko sakanya na walang ka gana-gana.
"Nasagasan ko kasi yung lalaki don! hayyy ice di ko alam gagawin ko!! tulungan mo ko!! Ice please!!" NASAGASAAN? tumingin ako sakanya at tinuro yung lugar kung saan maraming nag kukumpulan na tao. "Doon?!" tanong ko pero gulat.
"oo oo!!" hinila niya ko nung pagkasabi nya non, so nasa gitna na kami ngayon, at nakita ko na nasagasaan nya. Teka, Ito yung lalaki sa kfc ah?! anong ginagawa nya dito?
May malay pa siya pero nakahiga na. Medyo may dugo rin, di ko alam kung saan galing yon. "Kaibigan mo ba tong sumagasa saakin?! Lagot ka sakin!" galit na sabi niya sakin. WOW may gana pa syang mag turo sa kalagayan nyang yan. So, It's my fault now. Huh? Nag 'what-the-fuck' look lang ako sakanya. "Magkakilala kayo?!" tanong sakin ni benz na tarantang-taranta habang tumatawag siya ng ambulance.
"No?! duh Benz, Really?!"sabi ko sakanya habang nakataas yung kamay ko na parang 'really'. Di ako pinansin ni benz kasi nandyan na yung ambulance.
![](https://img.wattpad.com/cover/32127531-288-k10171.jpg)