Napaisip ako bigla, Nagtaka ako kung sino sila. Eh sa pag kaka-alam ko eh lahat ng pamilya namin ay nasa ibang bansa. Kami na lang ang natitira sa Pilipinas ni mama.
Nagpasiya na 'kong matulog dahil pagod ako ngayong araw na 'to at sumasakit na naman ang ulo ko. Pero hindi ako makatulog ng mahimbing, Siguro dala na rin ng init ngayong panahon.
-Kinabukasan-
Maaga akong nagising kahit late na ako natulog. Kaya maaga ako naka pasok sa school.
Sa cafeteria ako nag stay total hindi naman ako nag breakfast sa bahay. Pumwesto ako sa upuan namin nila Benz.
Bumili muna ako ng pagkain bago umupo, nagugutom na rin naman ako eh.
"Burger, and minute maid" Ayon lang kakain ko, Nawala ako sa mood may nakita akong pangit.
Umupo na 'ko pero "Yo, Look who's here? The coldest girl in the world!" sigaw nung lalaki. "Sorry. I'm not in the mood, back off." I say it with my poker face. "Sabi ko naman sayo Kit eh, Wag mo na kulitin yan." Sabi naman nung kasama niya.
"Eh bakit naman? Wala kaya magawa." Sabay tawa niya. Hindi ko lang sila pinapansin pero nagulat ako ubos na yung burger ko. "Who ate my fucking burger?" Tumingin ako sa katabi kong lalaki habang sinasabi yon."Oops, Sorry. I'm hungry." Nag peace sign siya na pose, parang tanga akala mo cute, tch
Umalis na lang ako kaysa masira pa araw ko dito. "Oy! San ka pupunta?!" Sabi naman nung 'kit' na yon?! "Sa puso mo ata pre" Sabay tawa nung kasama niya. "Gago" Yun lang yung narinig ko, buti naman hindi na sila sumunod.
Nasa library naman ako ngayon, nakikinig lang ako sa ipod ko. Wala naman kailangang basahin. Tinamad ako sa mga kanta ko kaya napilitan akong humanap ng libro.
"Bakit ba puro nakaka-gagong mukha nakikita ko ngayon." Sabi ko sa sarili ko, Paano ba naman. Nakita ko yung lalaki na nasagasaan ni Benz. Kausap yung librarian doon sa table buti hindi ako nakita kung hindi, nako. Teka bakit nga ba siya nandito?!
"Oy Lyra, Usap tayo." Nakita ko si Benz na nagmamadaling pumunta sakin. "Ano na naman problema mo?" Tanong ko sakanya, Galit ako sakanya ngayon. Wala ako sa mood makipag-usap.
"Kung may sasabihan ka, 'Wag ngayon. At kung i-e-explain mo yung nangyari kahapon, Kahit wag na. Kalimutan mo na yon. Okay?" tumingin muna ako sakanya bago ako umalis. Dumaretso na ako ng room ko, total time na naman na.
Nandito na rin si Cher. "Oh, aga mo ngayon ah? Di ka namin nakita sa labas eh." Tumango lang ako at umupo na sa upuan ko. Nakita ko namang umirap si Cher. Alam ko na yon. Alam ko na naiinis na naman siya sa pagka cold ko.
"May gawa ka na don sa activity natin?" Nagulat ako nasa tabi ko na si Cher. "Wala pa. Hindi ko naman ikamamatay yan" sabi ko sakanya sabay tungo. "Alam mo bang buntis ako, Lyra." Buntis?! Napatingin ako agad sakanya, nanlaki bigla yung mata ko. "Buntis?! Kanino?!" Tanong ko sakanya.
"Joke lang. Sumagot ka naman kasi nang maayos." woho. Napailing na lang akong bigla. "Punyemas." bulong ko sa sarili ko. "Gumawa ka na, Ly. Bago pa dumating si Prof." Umalis na siya at umupo na sa pwesto niya.
