Ilang linggo na din ang nakakalipas mula ng unang pumasok ako sa eskwelahang ito. Natutuwa naman ako Kasi meron na siguro akong bagong kaibigan. Hindi ko alam kung kaibigan ko nga bang matatawag ang isang yun. Si Mr. Psh ...eh kasi naman..sa tuwing kakausapin ko siya eh "Psh" Lang ang tanging isinasagot niya. Saya di ba? Ngayon nga eh break time na naman at pupuntahan ko na siya sa aming tagpuan kuno. Hindi ako assuming noh.
Dala dala ko ang dalawang burger at dalawang coke,Hindi ko alam kung namumulubi na ba siya o hindi pero ang alam ko lang ay masaya ako sa ginagawa ko. Hindi din ako nagsasawa sa coke at burgers so bumili siya Ng pagkain niya Kung ayaw niya tanggapin. Habang naglalakad ako ay may biglang bumangga sakin na hindi ko alam kung sino,nabitawan ko yung mga hawak ko pero ayokong matapon yung mga pagkain kayat kahit na masakit yung pagkakabangga sakin ay hindi ko na Yun pinansin. Pinilit kong saluhin yung mga pagkain. Nasalo ko naman siya pero sumakit naman yung katawan ko ...nadapa lang naman ako sa sahig.
"Miss? are you okay?"
Napangiwi ako sa tanong na Yun. Kuya,mukha ba akong okay? Teka,eto Yung isa sa mga nakita ko sa canteen ah. Oo nga siya Yun.
Dahan dahan akong tumayo at nagcheck ng time. Naku kanina pa Yun naghihintay sakin!!
Hindi ko na pinansin yung kumakausap sakin pero tinalikuran ko na siya agad..nagmadali na akong tumakbo papuntang mini park bitbit yung mga pagkain.
Hingal na hingal akong dumating doon at agad ko din siyang nakitang nakahiga sa may damuhan sa may ilalim ng puno. Agad akong lumapit.
Nakatakip ng libro yung mukha niya. Tumapat ako sa mukha niya at dahan dahan kong tinanggal yung libro. Pinagmasdan ko yung mukha niya habang unti unti siyang dumidilat ng mga mata.
"Hi" bati ko sa kanya habang nakangiti. Kumunot yung noo niya na parang pinag aaralan yung mukha ko.
Dahan dahan siyang bumangon,umupo at humarap sakin.
"What happened?"
Well,I was really surprised I heard his two words.
"Oh my God! Nagsasalita ka na Mr. Psh? I'm so proud!!" Dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi naman siya pumapalag. Huminga lang siya ng malalim.
"I'm asking you okay?" Marahan niyang salita
Humiwalay naman ako sa kanya at kinuha ko yung mga pagkain at inihanda Yun sa pagitan namin upang pagsaluhan.
"Kanina kasi habang naglalakad ako papunta dito,may lalaking bumangga sakin..muntik ko ng mabitawan Yung pagkain pero ayoko Yung matapon kayat pinilit ko yang saluhin kahit nagkanda dapa- dapa na ako sa sahig." Masaya kong kwento sa kanya. Yumuko ako para kunin yung plastik na ibinalot doon sa burger Ng bigla akong matigilan.
"Be careful next time okay.... don't be late..and don't get hurt.." like seriously? Saying that while putting my hair behind my ears gives me chills..
I smiled widely unconsciously..
"Aye,Sir!" I answered him happily with a salute.
"Psh.."
Napasimangot ako ..
"And now your back to normal."
"Stop pouting silly, your cute."he said smiling and that made me off guard...
BINABASA MO ANG
Hopeless
RomanceShe's just a girl... He's just a boy.. She is a girl full of mystery... He is a boy who don't do anything stupid...not until he met her Paano mo mamahalin ang isang taong ayaw sayo magpakilala kung sino siya Paano mo mamahalin ang isang taong kung h...