"Good,bye"

1 0 0
                                    

Katok ako ng katok sa pinto habang hinihingal. Kanina pa ko humihingi ng tawad sa kanya pero parang wala siyang naririnig sa loob. Nagsisisi na talaga at umabot na sa punto na naupo na ko sa harap ng pinto habang umiiyak. Alam ko naman na mali yung ginawa ko pero hindi ko naman yun sinasadya. Kanina pa ako inaawat nina Manang sa ginagawa ko pero gusto ko talaga humingi ng tawad sa pagsira ko sa bagay na binigay ng pinakamamahal niyang babae...hindi ko talaga sinasadya.

"Tama na yan Andie...Hindi ka niya kakausapin kahit ano pang gawin mo..." Nag  aalalang may halong pagkaawa na wika ni manang habang itinatayo ako

"Manang,hindi ko po Alam...at hindi ko po sinasadya..."sagot  ko sa kanya na umiiyak padin

Awang awa sakin na tumitingin si manang.

"Andie.."

Nang biglang bumukas yung pintuan at iniluwa nun si Zeus na nakasuot ng pang alis. Tumingin siya kay manang..

"I'm leaving ...kayo na muna po ang bahala dito manang.."

At naglakad na siya papalampas samin ng hindi man lang ako sinulyapan kahit isang segundo lang. Ilang segundo akong stunned sa nangyari. Biglang nag iba yung Zeus na nakilala ko sa isang iglap....ng dahil lang sa bagay na yun..

Isang minuto pa ang lumipas bago ako nagpasyang tumayo para habulin siya...hindi.....hindi pwedeng magkaganito..

Mabilis akong bumaba ng hagdan at naririnig ko na sinisigawan ako ni manang na magdahan dahan...naabutan ko siyang papasok na ng kotse niya.

"Zeus!wait!!!" Tumatakbo ako ng mabilis papalapit sa kanya pero unti unti akong napahinto ng lumingon siya at tinignan ako  ng parang hindi niya ako kilala...

"Shut up, don't talk"

Tumahimik na ako at hindi na nakagalaw dahil sa lamig ng pakikitungo niya sakin. Nanigas akong parang yelo sa mismong kinatatayuan ko.

"Good,bye"

Yun lang at tuluyan na siyang umalis. Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala. Eto na ba yung totoong Zeus na sinasabi sakin ni manang? Kasi Kung yun nga ang totoong siya....sobrang nakakatakot..

Ilang minuto ang nakalipas bago ako nagpasyang bumalik sa loob ng bahay. Nakita ko si manang na may kausap sa telepono. Agad niya akong nakita at napansin kong naaawa niya akong tinitingnan. Si Zeus siguro ang kausap niya. Napayuko na lang ako habang naglalakad papuntang kwarto ko. Habang naglalakad ay napahinto ako sa tapat Ng pintuan ng kwarto ni Zeus. Tahimik akong humihikbi doon. Tahimik kong iniikot ang paningin ko sa loob ng bahay. Marami akong naging masasaya at malulungkot na alaala sa bahay na ito. Dito ko natutunan ang mga bagay na bago para sakin. Siguro nga isang pahina lang ng buhay ko yun. Sa loob ng tatlong buwan kong pananatili sa bahay na to.....umikot lang sa kanya ang mundo ko..

"Andie,iha,.....mawawala daw siya ng ilang linggo...Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta.."Yan ang Sabi sakin ni manang na mahahalata mo ang kalungkutan sa mga mata niya..

Napayuko ulit ako...pero buo na ang desisyon ko..Ayaw niya dito sa bahay kasi iniiwasan niya ko. Ilang linggo na niya itong ginagawa. Hirap na hirap akong hanapin siya dahil wala akong alam tungkol sa kanya kapag sa labas na ng bahay ang usapan. Kinausap ko si Zedd at nagmakaawa ako sa kanya pero humingi lang din siya ng tawad sakin dahil hindi niya ako matutulungan. Wala daw siyang karapatan na makialam dahil hindi niya lubos maisip kung ano man ang gagawin sa kanya ni Zeus kapag nalaman nitong nangingialam siya. Isa pa,sobrang importante daw ng bagay na yun sa kanya na mismong nagawa nitong itaya ang buhay nito para lang doon. Siguro nga,sinira ko din yung buhay niya dahil sa pagsira ko sa bagay na yun.

HopelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon