Andy's POV............
Habang inihahanda ko ang sarili ay may dumating na dalawang katulong sa kwarto at sinabing gusto daw akong makita ng Seniorito.Akala ko si Zedd lang ang makikita ko pero dalawa pala sila. Yung lalaki kanina.Nang papasok na ako sa kwartong itinuro sakin ay naririnig ko silang dalawa na nag tatalo.
"Saan mo naman pinulot yang babaeng yan at dito mo pa dinala sa bahay ko?"
"Sorry kuya,kailangan lang talaga niya ng tulong at wala akong ibang mapagdalhan sa kanya..Alam mo namang sobrang layo dito ng bayan."
"Eh bakit ndi mo agad sinabi sakin? Saka alam mong mahigpit kong pinagbabawal ang magdala ng kahit na sino dito lalo na at walang pahintulot sakin!!!"
Nabalot ng katahimikan ang buong silid.
"I'm sorry kuya,maghahanap nalang ako ng ibang tutuluyan niya"
"Ano? At saan mo naman siya patutuluyin?"
"Sa condo ko nalang siguro"..nag- aalangang sagot nito
Mukhang mag aaway pa ang dalawang to dahil sakin.Hindi na ko tumuloy ng kwarto Kung saan sila nag uusap.Sa halip na magpakita sa kanila ay nagpasya nalang akong bumalik ng silid at nagsulat.Isa pang dahilan ay Hindi pa ko handang harapin ang lalaking Yun.Mas mabuti ng ganito.Mabilis akong nakaalis ng bahay ng walang nakakapansin.Medyo nahirapan akong lumabas kasi andaming mga guwardiya sa paligid tas dagdagan pa ng mga cctv's.
Ngayon ay binabaybay ko ang daan.Hindi ko alam kung saang lugar na naman ako mapapadpad pero ayokong makaabala sa tao.Yun ang pinakayaw ko sa lahat. Makalipas ang ilang oras ay nakarating din ako sa bayan.Well,parang nagjogging Lang Naman ako pero hindi biro..ang layo pala talaga ng bahay na yun.
Ang problema ko naman ngayon ay kung saan ako tutuloy.Hays,ang hirap mapunta sa kawalan pero mas okay na to.May nakabukas na isang malaking bahay tas nakalagay dun yung karatulang may nakaprint na WANTED MAID.
Napaisip ako bigla.Pwede naman akong mamasukan bilang katulong eh.Susubukan ko na dahil wala na kong ibang pagpipilian.
Nagdoorbell ako .Hindi naman natagalan at may isang matanda na nagbukas ng gate.
Ngumiti siya sakin.
"Anong kailangan mo iha?"
Gumanti ako ng ngiti sa kanya.
"Ahmn,magandang araw po..ano po kasi,may nakalagay po kasi dito sa gate na naghahanap po dito ng katulong,may bakante pa po ba? Mag aapply po sana ako."
Sabi ko sabay ngiti sa kanya.Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Sigurado ka ba iha? Marunong ka gumawa ng gawaing bahay? Para kasing wala sa itsura mo eh"
Naku po,sinasabi ko na nga ba.Nagdalawang isip pa tuloy.
"Naku opo! Marunong po ako ng lahat ng klase ng gawaing bahay"
Kailangan ko siyang kumbinsihin dahil papalubog na din yung araw.Ilang minuto din kaming nag usap bago ko siya mapapayag.Hay,sa wakas ....nahirapan ako kasi nga walang akong dalang kahit na anong pagkakakilanlan.Mabuti nalang naawa siya sakin.
Inihatid niya ako sa kwartong tutuluyan ko.Pwedeng pwede na daw ako magsimula ora mismo.
Napakalaki ng bahay na to. Akala ko noong una Yung bahay Lang na nakita ko yung pagtatrabahuan ko....Yun pala bahay Lang ng security yun...yung pinakabahay pala eh malayo pa,sasakay ka pa ng owner para makapasok sa pinakaloob.Mabuti na Lang kanina nagkataon na may hinatid si Aling Brenda sa anak niyang security guard,nakita niya akong nandun sa may tapat ng gate.Mukha Naman daw akong Hindi masamang tao kayat siya na mismo ang humarap sakin.
BINABASA MO ANG
Hopeless
RomanceShe's just a girl... He's just a boy.. She is a girl full of mystery... He is a boy who don't do anything stupid...not until he met her Paano mo mamahalin ang isang taong ayaw sayo magpakilala kung sino siya Paano mo mamahalin ang isang taong kung h...