CHAPTER 3 MEET THE JERK

144 6 0
                                    

----yung jerk po yung nasa gilid XD https://www.facebook.com/pages/Xyrus-Fierce-Chavez/329109570622812 do like his page po! :) t.y.

After 1 week andito kami ngayon sa mall, ngayon lang kasi nagka pera si mama eh sabi ko naman wag ng gumala.

"mama sana tinipon nyo nalang po yang pera nyo  para ng sa ganun may magamit tayo"

"Anak, Zofhia, isipin mo ha? ROYAL ACADEMY yung papasukan mo ayaw kong mapahiya ka dun, tsaka malay mo makaka jockpot ka ng prinsipe dun edi maliit na bagay nalang tung ginastos ko para sayo oh sha maglibot ka na muna dito sa mall ha? itetext nalang kita kung nasaan ako" hayyyy si mama talaga, siguradong sigurado talaga syang prinsipe yung makukuha ko

pumunta ako dun sa bilihan ng libro tamang tama may dala akong pera kahit papano, pumasok ako at nag simulang mag libot sa loob para humanap ng magandang libro binabasa ko yung description  sa likod ng sa ganon alam ko kung interesado itong basahin. Isang maputi, makinis at magandang tingnan ang nagpakinang ng dalawa kong mata (CHARAUUUGHT) OY! libro yung tinutukoy ko hindi tao. Kaso masyadong mataas yung pinaglalagyan nya kaya di ko maabot.  May biglang kumuha ng libro PERO! PEEEERRRRRRRROOOOOO! akala ko ibibigay nya sakin wala tong modo! akala ko anghel! errrrrr! BIG DEVIL!!!!!!!!!  Lumakad na sya papuntang counter tingin ko babayaran nya na. Hindi ako makakapayag hinabol ko sya at hinila ko yung damit nya kaya napaharap sya sakin hindi ako nangangaway pero ngayon gagawin ko alang alang sa libro.

"dammit! what's your problem huh?" aba englishero tung blondeng to, gwapo sana! ay hindi unggoy sana, anong sana! unggoy talaga! suplado na nga wala pang modo.

"yung libro ko akin yan eh!"

"what? your book? miss ako yung unang nakakuha nito panong naging sayo?" akala ko magkaka nosebleed ako buti nalang marunong syang magtagalog.

"hoy! ako ang nauna dyan inaabot ko yan kanina pa kaso di ko lang makuha!"

"sorry ha? di kita nakita ang liit mo kasi eh" He smirk, aba! bastos to ha! ako? maliit? eh hanggang balikat nya lang ako eh. narinig ko pa yung mga nagbubulungang babae

kawawa naman yung gwapong lalake dun oh inaaway nung babae.

oo nga akala mo naman kung sinong maganda

boyfriend nya ba yan? infairness ha? gwapo

mga kabataan nga naman ngayon laging LQ.

hinayaan ko nalang sila at sa kung anong iniisip nila. Isinusumpa ko di ako magkaka boyfriend ng isang walang modo!

"HOY! hindi ako maliit sadyang mataas ka lang" pakiramdam ko talaga nag aalburoto ako sa inis at the same time alam kong maraming nakatingin samin.

Kinuha ko yung libro mula sa kamay nya, kinuha nya rin yung librong nasa kamay ko nagpapalitan na kami ngayon ng matalim na tingin ng may biglang may kumuha ng libro samin at binayaran sa counter. WALA NA YUNG LIBRO KO NAKUHA NA!!!!!!!!!!!!! Hiningi ko pa nga yung libro kay ateng mandurukot. At sabi ko babayaran ko nalang pero ayaw nya talaga

"Just let her, libro lang yan" anong libro lang yan. arg!

"wag mo kong hawakan!" sabay talikod ko sa kanya, babawi ako! humarap ako sa kanya para belatan sya kaso biglang nag flash yung camera nya. Natulala ako dun haggard pa naman ako, anong gagawin nya? ipapa blutter nya ba ako? paano na yung kinabukasan ko mag aaral pa ako sa ROYAL ACADEMY. Bahala na sa korte na kami magkita! AJA.

Hahabulin ko sana sya para ma delete yun kaso wala na sya. Biglang nag vibrate yung phone ko si mama pala kita nalang raw kami sa foodcourt.

*FOODCOURT*

Nakita ko si mama dun sa loob nakaupo, kumakaway, at sinenyasan nya akong umupo dun sa tabi nya

"oh anak nakabusangot ata yang mukha mo?"

"eh kasi mama may kumuha ng libro na gusto kong bilhin" Naku naku! kapag naalala ko talaga yung unggoy na big devil na yun umiinit yung ulo ko gustong gusto kong tastasin at kalbuhin yung blonde nyang buhok tapos ang sarap nya isubsob dun sa dibdib ni ateng mandurukot AH! sa sobrang inis ko di ko namalayang nagkakamay na pala akong kumain.

"anak di mo naman sinabi na kamayan style pala yung gusto mo edi sana naibili kita ng patel"

dineadma ko nalang si mama kasi feel na feel nyang kumain ngayon, Nakita ko yung make up kit sa tabi nya so bumili nga talaga sya. Klase na kasi bukas eh :( paki extend yung summer please.

(A/n: SORRY PO SA MGA WRONG SPELLING, MALIIT LANG PO BA? SORRY NAKIKI NET LANG AKO EH TIPID SA TIME T^T)

My Big Devil.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon