Chapter 19

2.5K 137 15
                                    

Pinipilit ni Anna ang sarili na kumain imbis na magmukmok habang nakakulong siya sa sarili niyang kwarto. Kailangan niya ng lakas para sa pagbabalik ni Skai. Hahanapin pa nila ang kanyang pamilya.

Habang nginunguya ang malaking tipak ng mansanas na kanyang kinagat ay ipinukol ng dalaga ang tingin sa labas ng bintana. Iilang maliliit na ibon ang maya-maya ay dumadapo sa pasano at sumisilip. Minsan kinaiinggitan niya ang kalayaan ng mga itong liparin ang malawak na papawirin. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kabila ng lungkot at lumbay na patuloy na umuukit sa kanyang puso.

Nagsisimula pa lamang siya sa kanyang buhay. Itatama pa niya lahat ng kasinungalingang itinanim ni Cornelios sa kanyang pagkatao. Hindi siya pwedeng sumuko. Isa pa, may Langit dito sa lupa na nangako sa kanya ng pagmamahal at magandang buhay. Panghahawakan niya iyon at hindi sasayangin. Maghihintay siya.

Kakaiba ang atmosphere ng kastilyo sa umagang iyon. Lahat ay abalang-abala. Ang bulwagan ay nakagayak at walang tigil sa pagkalimbang ang kampana ng Cathedral. May mga bandiritas na tumatawid mula sa simbahan hanggang sa kastilyo. Ang mga upuan ay nakabihis. May mga bulaklak at lobo. Tumutugtog ang mga musikero ng Castile. Bawat sulok ng estado hanggang sa Regnum ay dama ang kasiyahan.

Pumasok si Allacia sa silid ni Anna kasama ang limang kasambahay. Kabadong tumayo ang dalaga matapos punasan ang bibig ng table napkin.

"Are you finished with your meal?" tanong ng babae.

Tumango lamang siya. Nagtatakang pumasada ang mga mata sa mga kasama nito.

"Have you taken your bath earlier?" isa pang tanong na sinagot lamang din niya ng tango.

"It's time to prepare for your wedding," pahayag nito.

"My wedding?" bulalas niya.

"Your wedding with Duke Thories," hinablot nito ang kanyang braso at kinaladkad siya patungo sa harap ng malaking salamin na may upuan.

Hindi siya sumubok na umalma pa. Wala rin siyang mapapala. Mabilis na pumalibot sa kanya ang mga kasambahay at kanya-kanya ng tuka sa kanyang katawan. Sa kamay at paa. Sa kanyang buhok. Sa kanyang mukha. Tahimik siyang nagpaubaya kahit nagpupuyos ang kalooban.

Pero may Langit pa siya. Gagawa iyon ng himala para sa kanya. Hindi siya dapat mag-alala. Hindi siya matatakot. Hinamig niya ang sarili at huminga ng malalim.

"The King and Queen of Ragenei arrived last night and they had a discussion with your father. I'm impressed you were able to gain sympathy from them. Still, they're request was all in vain."

Napatingin siya kay Allacia na nagsasalita. Dumating sina King Rheeva at Queen Anne Marie para sa kanya? Malamang para iyon kay Skai.

"Those monarch couple, are they trying to intimidate the duke by bringing a massive retinue from Ragenei?"

Hindi siya sumagot. Isinama ni King Rheeva ang pwersa nito mula sa Ragenei?

Mahigit dalawang oras siyang inaayusan, hanggang sa isuot niya ang wedding gown na sadyang pinagawa ng duke sa royal couturier ng Castile. It was a silk-taffeta fairytale gown with puff sleeves and a 20-foot train. Embellished with almost 20,000 mother of pearl sequins and pearls, costing an estimated billions. Attached to its lining is a 24-carat gold trinket studded with white diamonds. Het tiara is a heart set delicate flower crown with brilliant cut baguette diamonds and in the middle is a pure gold Goldfinch bird.

Anim ba kasambahay ang kailangang magbuhat ng laylayan ng kanyang gown habang nakabuntot sa kanya at dalawang royal guards ang umaalalay sa kanya pababa ng hagdanan. Sinalubong siya ng masigabong palakpakan sa bulwagan. Mga kaibigan ng matandang duke at mga mamamayan ng Regnum ang naroon at nag-aabang.

NS 12: PRODIGAL DESIRE ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon