Chapter 7

2.8K 151 17
                                    

Skai's fingers tapped on the table, a habit when he is bored. Palipat-lipat ang tingin niya kay Anna at sa sign pen na hindi pa rin nito ginagalaw. Pati pagpirma ay nag-iisip pa yata ang babaeng ito.

"What now, Lorenzo? Are you scared that I might choose you? Don't be too confident, I have fourteen girls waiting and they're all qualified and more than abled to become my wife." Iritado niyang angil at tumayo. "Be quick and get it done with, I'll go ahead outside." Nabubugnot na lumabas siya ng meeting hall.

Habang naghihintay sa dalaga, tinawagan niya si Ramses. Kailangan niyang unahan ang balita bago sumabog iyon  at uulanin siya ng walang katapusang intriga. He had several attempts before his call was accommodated.

"Skai?"

"Update: Anna Lorenzo is the 15th potential bride in my harem," he reported quickly.

"What?"

"Don't worry, she isn't going to deal with the council. I just had to put her on the list so to keep other guys at bay. Dagdag sa trabaho ko ang bantayan siya kung may aaligid sa kanyang mga lalaki."

"Sira-ulo ka," kastigo ni Ramses. "May lumiligaw ba sa kanya?"

"Isa sa mga technician ko. Hindi ko naman pwedeng basta na lang itaboy. At least ngayon kung lumabas na sa public ang official list, mag-iisip muna ang lalaking iyon bago lapitan si Anna."

"You're a devil."

Ngumisi siya. "Uh, why not make use of the tradition in my favor?"

"Just be sure she isn't going to cry because of this. May kalalagyan ka sa akin," babala ng kapatid.

"She's a crybaby you know," angal niya at tinapos na ang tawag.

Hinulog niya sa bulsa ng pantalon ang cellphone at bumaling kay Anna na lumabas ng pintuan.

"Done with your signature?" tanong niya rito.

Umiling ito. Nanghahaba ang nguso.

"Bakit ko kailangang pirmahan iyon kung hindi naman ako ang pipiliin mo? Ipabura mo na lang kasi iyong name ko," sikmat nitong umiirap at hinaplos ng kamay ang nagusot na jumpsuit.

He literally froze dead on his tracks. Sharp blade of lightning cut through his brain down to his spine. Damn it! He hadn't fucking lost to his temper like this. Sinaklot niya sa braso si Anna at kinaladkad pabalik sa loob ng silid.

"A-aray! Ano ba?" hiyaw ng dalaga.

"Where's the fucking sign pen, Davis!" Marahas niyang hinablot ang librong bitbit ng secretary general na noon ay palabas na rin ng pintuan at ibinagsak iyon sa table.

"Here's the pen, Engineer." Kabadong ibinigay ni Jacob sa kanya ang sign pen.

Sapilitin niyang nilagay iyon sa palad ni Anna. "Fucking sign it!" Tagis ang mga bagang na utos niya sa dalaga.

Takot na tumitig sa kanya ang dalaga at mariing umiling. "Ayaw ko! Isasali mo lang ako sa listahan ng bibigyan mo ng rejection letter balang araw? Ayaw ko nga!" matapang nitong tangging itinulak pabalik sa kanya ang sign pen.

"Gusto mo talaga ang Rovic na iyon?" His face is burning red because of frustration. "Pirmahan mo iyan kung ayaw mong balian ko ng leeg ang lalaking iyon. Huwag kang magkakamaling tumingin sa iba, narinig mo? AKIN KA, ANNA!"

Tigagal itong nakatingala sa kanya at lalo siyang nabwesit nang mamalisbis sa makinis nitong mga pisngi ang luha. Umurong ang galit niya at binitiwan ang dalaga. What the fuck is happening to him?

"Davis," baling niya sa secretary. "Withdraw her name from the list-" his words faded out when she grabbed the pen from him and attached her signature on the box next to her name.

NS 12: PRODIGAL DESIRE ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon