Chapter 5

3K 159 16
                                    

Nagtagis ng mga bagang si Skai. Duda siya kung naintindihan ni Anna ang mga sinasabi niya at pinasusulat sa notes. Kanina pa ito wala sa sarili. Tumatango pero halatang lumilipad ang isip at kung makatitig kay Vanissa ay kulang na lang kagatin nito ang hipag niya.

Nasa loob sila ng drawing room at katatapos lamang niyang tanungin ng ilang technical na mga katanungan si Vanissa habang si Anna ang nagtatala ng mga importanteng punto sa sagot ng babae.

"Skai," natigil siya sa pagmamasid kay Anna nang tumayo si Vanissa mula sa couch at hinatak ang kamay niya. Nilagay sa bumubukol sa parte ng tiyan nito.

"Ang lakas sumipa," natatawa niyang komento.

"Naglikot na naman siya?" Tinig ni Rajive na lumitaw mula sa may pintuan. Suot nito ang jacket ng headquarters.

"Panay ang sipa, alam niya sigurong nandito ang uncle niya." Nakangiting tugon ni Vanissa.

Tinapik siya ng kapatid sa balikat at bumaling ito kay Anna na tila tuod kung makatayo at natataranta.

"Kumusta, Anna? Nag-enjoy ka ba sa trabaho mo ngayon?"

"Opo," masiglang sagot ng dalaga na biglang umaliwalas ang kanina'y busangot na mukha. "Pero masungit po ang boss ko at laging may dalaw kaya nai-stress po ang beauty ko." Matabil na naman nitong dagdag habang nakangisi.

Humalakhak si Rajive at nagkibit ng balikat sa kanya. His eyebrows knotted in disagreement but he didn't tried to refute Anna's stupid rants. Muli niyang itinuon ang pansin sa hipag.

Vanissa's pregnancy is delicate and she required a close monitoring from a multi-disciplinary team. Isinali siya ni Lyam sa team bilang in-charge sa vitamins intake ng babae.

Sa mga unang buwan nito ay napapansin niyang may harmful reaction dito ang Vitamin K. She developed allergies and her skin was getting dry but she needs to have the vitamin and there's no other alternative to supplement the absence of it in her blood.

Chemically, on reasearch and studies,  the Vitamin K comprises 2-methyl -1, 4-naphthoquinone (3-) derivatives and includes two natural vitamers: Vitamin K1 (phylloquinone) and Vitamin K2(menaquinone).

Pinag-aralan niyang maigi ang structure at formula. Nakagawa siya ng modified Vitamin K. Isang linggo pa lamang mula nang simulan ni Vanissa ang pag-inom niyon.

"Lyam handed me the last record of her check-up," iniabot ni Rajive sa kanya ang medical card ni Vanissa.

Tiningnan niya iyon.

"I don't want to give birth under cesarian section," pahayag ng babae.

"She has Acidemia?" Kunot-noong baling niya sa kapatid.

Tumango si Rajive. Hinapit ang asawa at hinagkan sa sentido.

"Lyam advised her to undergo the cesarian section because of it."

Acidemia is the state of low blood pH which is the presence of Hydrogen ion concentration.

Clinical support says about Acidosis by which the process leading to the state of acidemia. This is the increased acidity in the blood and other tissues, usually measured as arterial pH below 7.35. The normal pH of arterial blood is between 7.35 and 7.45.

"Do you eat spinach and broccoli?" tanong niya sa hipag.

Umiling ito. "No, I don't."

"Then start eating them. They're excellent alkaline sources. Beans as well. You can add raisins too to your diet, they're good in neutralizing body pH." He advised while scanning the remaining pages of the card.

NS 12: PRODIGAL DESIRE ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon