C h a p t e r O n e

21 0 0
                                    

Ano? Ready na ba kayo makilala ang Jan-di at Jun-pyo ng pinas? Basa na tayo, hihiho 😊😊😊

----

C h a p t e r  O n e : 
D R E A M  C I T Y

A  M  B  E  R

"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!"

Napasigaw na lang ako ng makababa ako mula sa bus, sa summer capital ng Pilipinas.

Ang BAGUIO, BENGUET!!!

Yes, andito na nga ako. Sa tagal-tagal kong pinangarap at pinag-isipan kung baba ba ako mula sa kabundukan ng Benguet, sa kasiyahang palad, pinayagan na ako nila mama at papa para pumarito.

Medyo may kalayuan kasi sa kabihasnan ang bahay namin mula dito sa Baguio City. Nasa taas pa kami ng Benguet kaya hindi ganun ka urban ang lugar namin, pero hindi naman sobrang probinsiya. Ang mahalaga andito na ako, I have taken the first step in achieving my dreams.

Naglakad-lakad ako, habang amaze na amaze sa nakikita ko. Napaka-layo sa lugar namin na tahimik lang. Napaka-raming kotse sa daan at kitang-kita ko sa kinatatayuan ko ang SM Baguio.

 Napaka-raming kotse sa daan at kitang-kita ko sa kinatatayuan ko ang SM Baguio

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ahh, ang lamig pa rin pala dito." Sabi ko sabay pinagrub ko ang dalawa kong kamay sobrang lamig. Kahit na ba kasi nakajacket ako, damang-dama ko ang lamig dinhe!

Sobrang iba na ang pamumuhay dito, kahit 'yung ng pananamit ng mga tao. Para na akong nasa Korea kasi nga malamig kaya, 'yung pormahan dito, kala mo nanonood ka ng shooting ng isang K-drama.

Nagpalinga-linga ako sa paligid habang linalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Kasabay ko ang napaka-raming turistang bumibisita ngayon dito. Kaso nga lang ako, hindi naparito para magbakasiyon kung hindi---

"AMBER DE GUZMAN!!!" Narinig kong may tumawag sa likuran ko bago ako makatawid sa pedestrian lane, papuntang SM. "Hoy Amber! Halika!"

Liningon ko ang tumawag sa akin, at hindi nga ako nagkamali, si Gab nga, ang best friend ko, ang siyang tumatawag sa akin.

"Yaah! Hindi mo talaga ako papansinin?" Lumapit siya sa akin na para bang hingal na hingal. "Kanina pa ako nagaantay sa iyo. Akala ko nawala ka dito."

Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Hindi ah! Paano ba naman ako mawawala dito?! E pangarap kong mapuntahan ang siyudad na'to noh!" Inakbayan ko siya kahit na ba mas matangkad ang babaeng 'to sa akin. Kunti lang naman e. "Alam mo, 'wag ka magalala sa akin, alam mo namang strong 'tong si Amber e."

"Oo na."

At nagtawanan na lang kaming dalawa. Matagal tagal din kaming hindi nagkita nito ni Gab kasi busy kami both sa pagaaral namin.

"Ano pang inaantay natin? Tara na doon sa sinasabi mong part-time job na offer ni Michael." Pag-yaya ko sabay hila sa kaniya patawid sa kabilang dako ng daanan.

Boys over Flower (Philippines Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon