C h a p t e r T h r e e

3 0 0
                                    

A M B E R

"Oh, nalate ka ata." Tanong ni Michael sa akin 'nung nakita niyang kakatapos ko lang maglagay ng apron.

Umiling ako. "Sorry Kuya Michael, may kinuha pa kasi ako sa palawan express kanina, padala nila mama. Hindi pa kasi sila marunong gumamit ng gcash."

"Wow, nagkuya. Ganyan talaga kayo ni Gab pagmay kailangan e, sige na, magsimula ka na."

Agad na ako pumunta ng counter para tulungan si Gab na magserve ng orders sa mga customer. Cashier kasi siya, at ako naman ang waiter, si Michael naman ang barista at cook na nagpeprepare ng mga mahihirap na recipe dito sa coffee shop. Pwede naman kami magpalitan, kaso dahil late ako, ito na lang muna ang kinuha kong trabaho, kasi wala pa 'yung dalawa pa naming kasama dito sa trabaho.

 Pwede naman kami magpalitan, kaso dahil late ako, ito na lang muna ang kinuha kong trabaho, kasi wala pa 'yung dalawa pa naming kasama dito sa trabaho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Amber." Pagtawag ni Gab sabay abot ng isang tray na may lamang ice coffee at ice choco. "Paserve naman 'dun sa dalawang magboyfriend 'dun sa tabi ng entrance."

Tumango ako. "Sige Gab."

"Thank you."

Kinuha ko na ang order at sinerve na nga sa customers na nagorder.

"Good Morning sir, welcome to Anchor's Coffee Shop!" Narinig kong bumati si Gab sa dalawang binatang kasing edad lang din ata namin na pumasok dito sa coffee shop.

"What do you want, Cloud?"

"Ice coffee na lang, dalawang orders Ray, at gusto kong baunin 'yun para ibigay kay Bien."

"Kay Bien, or ipangdedesign mo na naman sa uniform ni Eduardo."

"Tsk, no bro, coffee na mainit-init sa 711 ang ibibigay ko sa kaniya, if I want to make a canvas made of coffee."

"You're really childish aren't you? Pagraduate na ang isang 'yun, pakawalan mo na kaya."

"No bro, after that incident where he directly humiliated me?" Umiling siya. "No, no, not a chance."

Napa-buntong hininga ang kasama niya.

Hindi ko pinakinggan pa ang usapan ng dalawang binata. Hindi ko na lang pinansin at dumeretso na ako sa paglalakad papunta sa customers na nagaantay habang 'yung dalawang bagong dating na customers ay papunta na rin ng counter.

Dederetso na sana ako ng biglang..

"What the hell?!" Nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong makasanggi ng isang binata mula doon sa mga bagong dating na customer.

Napagtanto ko tumapon pala ang dalawang ice drinks sa damit niya na ngayon ko lang napansin na naka-tuxedong itim pala siya pati na ang kasama niya.

"Hala sir! Sorry po!" Ano ba naman kasing iniisip ko, ugh first day na first sa trabaho pumapalpak agad!

Agad kong hinila ang paniyo na nasa bulsa ng damit ko para punasan sana damit niya.

Kaso bago pa ko pa man maidikit ang paniyo ko sa damit niya, bigla niyang tinapik ng malakas ang kamay ko.

"Like, Miss, okay ka lang ba?! Alam mo bang mas mahal pa ang damit na ito sa renta ng bahay mo? You just ruined a 300, 000 pesos worth of tuxedo."

Napalunok ako sa sinabi niya at agad akong napatitingin sa customer na nasanggi ko. "So-sorry sir?"

"Miss, really? May pambayad ka ba, kasi kung mayroon, ihanda mo na, if none paki inform sa manager na magpack-up na kayong lahat, at itong coffee shop na lang na 'to ang kukunin ko as payment sa ginawa mo sa damit ko."

Lumapit na si Michael sa amin at halatang kabado din siya. Kasi naman, ano ba naman kasi 'tong pinasok ko. "Ay sir, pasensiya na po sir." Paghingi ng pasensiya ni Michael. "Baguhan lang po kasi siya dito."

"Baguhan?" At nakita ko namang tumaas ang kilay nitong lalaki. "Why would you hire such incompetent waitress? Like really? Magbabayad kami ng 140 pesos para sa kape at tsokolate tapos, ang waitress ganyan kawalang kwenta?"

Nakaramdam ako bigla ng inis sa sinabi niya. Ayos, para sa damit, talagang mangiinsulto siya ng taong hindi naman niya kilala?

Kulang ata 'tong mokong na 'to sa aruga ah.

"Sir pasensiya na po talaga." Paghingi ulit ni Michael ng sorry.

"Sorry? Lahat ba kayang mabayaran ng sorry? Ganyan ang iooffer mo sa customer mo kapag naka-abala kayo?"

"Cloud tama na." Nakita ko 'yung kasama niyang hinawakan siya sa balikat. "Palagpasin mo na lang 'to. Hindi naman sadya. Bibilhan na lang kita sa mall nila Derrick ng same brand na tuxedo."

"No, Ray." At humarap siya sa akin at kay Michael. "Look how incompetent this manager is, hindi ka ba nahihiya na ibang tao pa ang magbabayad para sa gulong pinasok ng waitress niyo? Siguro wala ka ring silbi kaya ganyan ang mga trabahador mo----"

"Blaaaag!!"

Nagulat na lang ang mga tao sa loob ng coffee shop ng biglang tumumba ang lalaking kausap namin ni Michael ngayon.

"Amber!!!!!" Narinig kong sigaw ni Gab.

Gusto ko pa sana magtimpi kaso, hindi ko na napigilan. Sinuntok ko 'yung lalaking nangiinsulto sa amin ngayon ni Michael, kaya siya bumagsak sa sahig.

Teka, malakas ba 'yung suntok ko? Hala?! Wait, hinga malalim..

Bakit ko ginawa 'yun?!!!

"Cloud ayos ka lang ba?!" Tanong 'nung kasama niya.

Nakita ko naman ang galit 'nung lalaki sa akin. He smiled, sarcastically habang hinahawakan niya ang labi na napuruhan ng kamao ko.

"You sure about this?" Tanong niya na para bang nagbabanta sa akin

Ano ba baman 'to Amber, dinaan mo na naman sa init ng ulo at dahas 'to. Hay nako!!!

Kahit na ba kabado ako dahil parang mali na naman ang nagawa ko, I stood firm in front of him. Tsk, palag na kung palag. Aba, kahit natapunan ko siya ng kape, wala siyang karapatan para mangmata ng iba.

"Excuse me sir, kahit natapunan ko ang tuxedo mo ng kape, wala kang lisensiyang magmaliit ng ibang tao." Matigas kong sagot sa kaniya. "Kung wala kaming silbi, sa tingin mo sa ugali mong 'yan may silbi ka?"

"Anong sinabi mo?"

Napatingin na lang ako bigla sa gilid ko at napansin kong naka-agaw na pala kami ng atensiyon..

"Hala, sinuntok niya si Cloud Davis?"

"Hindi ata niya kilala kung sino 'yung binangga niya."

"Good luck sa kaniya."

Bulong-bulong ng mga tao sa paligid. Teka, legit sino ba itong lalaking 'to at bakit vinivideohan kami ng mga tao?!

Teka, don't tell me... magiging viral ako dahil dito?!

Nooooo!!

Teka Cloud ba kamo? Wait, parang narinig ko na 'yun?

Boys over Flower (Philippines Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon