Chapter 3

4 0 0
                                    

Hindi agad ako nakatayo dahil sa salit ng pagkabagsak ko. Napapikit ako sa sakit.

" Hey! Ayos ka lang? " tinulungan nya ako sa pagtayo pero masakit talaga sa pwetan ko kaya nahirapan ako tumayo. Hindi naman malakas yung impact ah? Pero bat ang sakit ng pagkakabagsak ko.

" Oo-ouch! " daing ko ng maramdaman ko yung kirot ng pwetan ko.

" Tara! Upo ka muna miss. " Inalalayan nya ako makaupo. Nasa bandang likuran pala kami ng fountain at sa harap namin ay si Ian pero hindi nya kami nakikita.

Nung nakaupo na ako ay saka ko napagmasdan ang nakabangga ko. And he's wearing white polo. So meaning sya na yun right? Sya na yung pang 8.

Tinignan ko sya at nasabi ko sa isip ko na gwapo sya. Pero hindi ganun kalakas yung appeal nya sa akin hindi katulad ni Ian na kahit ngiti palang ay mapapa I do kana.

" Okay ka na? Gusto mo bang dalhin kita sa Ospital? There's a hospital near here. Gusto mo bang dalhin kita don? " tanong nya. Sa totoo lang masakit pa sya pero parang ang OA naman kung ioospital pa ako.

" No need. Hindi naman na masakit! " sabi ko pero masakit talaga. Pero mukhang hindi sya naniniwla.

" Kaya mo bang maglakad? Baka mahirapan kang tumayo. " nagaalalang sabi nya. In all fairness ah? Gentleman si Kuya!

" Kaya ko naman na siguro mamaya. Uupo muna ako dito. " paliwanag ko. Magsasalita pa sana sya ng may tumawag sa kanya.

" Gab! " we both turned our head at nakita ko si Ian sa hindi kalayuan sa amin. Gulat pa ang ekspresyon nya ng makitang magkasama kami. " Magkakilala kayo? " dugtong nya habang papalapit sa amin. Nagkatinginan kami ni Gab. Taray! First name basis. Feeling close amp!

" Actually no. Nagkabungguan lang kami. Ngayon ngayon lang! " paliwanag ko. Tumango tango naman sya.

" Magkakilala kayo? " singit naman ni Gab.

" Ngayon lang din. " sabay tawa ni Ian. Ayan na naman sya! " Sa kanya ako nakitawag kanina. "

" Di rin pala masyadong makapal yung mukha mo Ian. " sabi ni Gab sa kanya.

" Don't have a choice dude! Naiwan ko ang phone ko. Alangan naman maghanapan tayo dito para tayong gago nun. " okay. Hi guys! I'm still here. And my butt is still freakin hurt. Geez.

Naramdaman ata ni Gab na may iba silang kasama at buti nalang dahil masakit talaga. Parang magkakapasa o mamamaga ito panigurado.

" Pare, ikaw nalang muna ang pumunta. I can't go. Ihahatid ko pa sya dahil mali ang pagkabagsak nya kanina. " sabi ni Gab kay Ian. Naalarma naman ako.

" No! Hindi na. No need. Ano kaba!? Okay lang ako nuh! Tsaka may kasama ako. She's there! " sabay turo ko sa pwesto ni Cheska pero halos mapamura ako ng makita kong wala na sya dun. " S-she's everywhere. " tignan nyo yung babaeng yun. Mangiiwan sa ere! Taksil!

" See? Wala kang kasama kaya ihahatid na kita. Pare? " baling nya kay Ian.

" Oh sure! Sasabihin ko nalang sa kanila. Ingat kayo! I gotta go. Uuwi muna siguro ako para kunin phone ko tas deretso na ako dun. Sige pare, and nice to meet you again Piper. "

" Nice to meet you too! " nakangiti kong sabi. Umalis na si Ian kaya kami nalang ni Gab ang nandito.

" So Piper pala ang pangalan mo. " tumango ako. " My name is Gab by the way. " nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay. At ngayon lang napansin na mas gwapo pala sya kay Ian. Hmm

" Masyadong pormal. " sabay tawa ko pero tinanggap padin naman ang kamay nya.

" So, saan ang bahay mo? "

" Ha? "

" Para mahatid na kita. "

" Wag na! Kaya ko naman. " pagpupumilit ko.

" Kulet. Hatid na kita! Tignan mo nga, kunin galaw mo lang dumadaing ka na agad. C'mon let me help you. " Sabay hawak nya sa braso ko at lagay sa batok nya para alalayan ako maglakad.

" Ikaw ang makulet eh hahahaha! " sabi ko. " Hatid mo nalang ako sa sakayan. Magtataxi nalang ako. " Tinignan nya ako ng masama. " What? " nakangiting sabi ko. " Alam mo? Parang ang tagal na nating magkakilala. Feel na feel natin yun isa't isa. Ramdam mo? " tanong ko. Diba? Kakilala palang namin pero parang ilang taon na kami magkakilala. Hahaha angas lang XD

" Oo nga eh. Pero wag mong ibahin yung usapan. Ihahatid na kita! " pilit pa din nya.

" Ano ba to! Wag na nga sabi. Ilang beses kaba inire ng nanay mo bakit ang kulet mo? " sabi ko ng matawa tawa.

" Dami mong alam. " at tawa rin nya. Ang sarap sa feeling na kahit kakakilala lang namin walang awkward. Walang hiyaan haha! Feeling ko magiging close kami. Lol parang magkikita pa eh nuh?

Nakarating na kami sa sakayan ng taxi habang nagpipilitan padin tungkol sa paghatid sa akin.

" Ayan na yung taxi oh! Psh. Sige na! Salamat ulit Gab. " nakangiti kong sabi sabay alis ng kamay ko sa batok nya.

" O sge na. Pero kunin ko number mo para matext kita kung nakauwi kana. " sabay labas nya ng s5 nya.

" Yan tayo eh! Kunwari concern pero may hidden agenda. Galawang breezy boy! " tukso ko.

" Loko! Ibigay mo na ng makaalis kana. Kanina ka pa hinihintay ni manong oh! " tinignan ko naman si manong na parang hindi naman naiinip.

" Dinahilan mo pa si manong. " kinuha ko naman ang phone nya.

" Baka itakbo mo yan ah? " sabi nya.

" Lul. May cellphone ako. Kala mo sakin! " tawa tawa naman sya. Binalik ko sa kanya yung cellphone nya at pasok sa taxi kahit nahihirapan akong umupo.

Kumatok sya sa bintana kaya binuksan ni manong yung bintana.

" Itetext kita after 30 minutes to make sure na nakauwi kana. Magreply ka. "

" Aba demanding! " tawa ko. " Talaga bang ngayon lang tayo nagkakilala? Bat ang close close na natin? Haha. "

" Ewan ko din. O sya! Sige na manong alis na po kayo. " sinara na ni manong ang bintana at nagwave naman ako kah Gab. Nagwave din sya sa akin at umandar na ang sasakyan.

Di pa nakakalayo ng mag beep ang phone ko.

Pagtingin ko number lang ang nagtext.

+63970583****
Ingat Paminta :) -Gab

Natawa naman ako. Pauso! Paminta. Really? Hahaha.

Nakakatawa talaga. Imagine kakakilala lang namin pero kung magusap kami parang ang tagal na naming magkakilala.

Atsaka mabait sya ah? Hindi ko alam kung pakitang tao lang yun dahil nga ngayon palang kami nagkakilala pero feeling ko naman mabait sya kasi ang gaan ng loob ko sa kanya. O kaya ang gaan ng loob ko sa kanya dahil gwapo sya? Hahaha. Ay ako na ang maharot. Pero teka, sino ba sa dalawa? Pwedeng both nalang? :D

After all Gab is not that bad para sa 8th Guy dabaaa.

8th GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon