Chapter 2

17 0 0
                                    

" What? Are you out of your freakin mind? Sino namang tanga ang gagawa nun sige nga?! Mga kalokohan mo Ches! Tigilan mo nga ako ha! " sigaw ko sa kanya.

" Hep hep! Hindi ko kailangan ng opinyon mo kasi you already agreed. No backing out kundi alam mo na ang mangyayari. "

" Ano ba tong kalokohan mo iska!? Nakakaloko! Sakit mo sa bangs shete ka! " gigil na sabi ko. Kung hindi ko lang siguro kaibigan to matagal ko na sanang nabigwasan to eh.

" Oh game na! " gulat na napatingin ako sa kanya.

" Tangina! Ngayon na!? " gulat na sabi ko at hindi ko na napigilang magmura.

" Yas! " nakangiting sabi nya. Napakuyom at napapikit mata ako dahil sa gigil sa babaeng kaharap ko ngayon.

Utang na labas! Ilayo nyo sa akin ang babaeng yan. Makakapatay ako!!!

" Oh ano girl? Uupo ka lang dyan? Gora na. Simulan mo nang hanapin ang future boyfie mo hihi! " kinikilig na sabi nya. Walang duda. Baliw nga sya!

" Ano bang gagawin ko aber? "

" Uhmm, yung pang 8th ng lalaking nakawhite na makakaharap. Take.note, makakaharap! Not side, not at back is yun ang gagawin mong boyfriend. Pero may makakaharap ka pang 7 na lalaking nakaputi bago mo makita ang future boyfie mo. " paliwanag nya.

" Yung totoo? Saan mo napulot itong idea na to? Wala ka bang magawa sa buhay at ako ang naisipan mong pagtripan? "

" Ang dami mo mga sayings dyan eh. Kung sinisimulan mo na kaya dba? " pataray na sabi.

" Impakta ka talaga. "

" Whatever. C'mon Pipes You can do it! " cheer nya sa akin ng tumayo ako. " And girl i forgot, hindi ikaw ang lalapit ah? Hmm, dun ka lang sa may fountain nakatayo tas hintayin mo lang na may lumapit sayong nakawhite. Don't break the rules. I'm watching. " tas nag sign pa sya ng im watching look.

" Naku! Pag ito talaga natapos humanda ka talaga sakin. " litanya ko habang nagmamartsa papuntang fountain.

" You go girl! " narinig ko pang cheer sa akin ni Cheska. I rolled my eyes kahit hindi naman nya nakita.

Medyo malayo ang pwesto ko sa kinaroroonan ni Cheska pero nakikita ko padin naman ang malaki nyang ngiti na ang sarap tanggalin. Nakita kong nagthumbs up pa sya bago tumawa.

Pinagtritripan talaga ako ng babaeng yun!

May mahabang upuan malapit sa fountain kaya umupo muna ako dun. Duh! As if naman maghihintay ako ng nobody knows what time para lang makita ang kung sinong poncio pilatong yun.

5 minutes had passed pero wala parin lumalapit or nakakaharap ko na nakawhite na suot. Tinignan ko si Cheska na nakaharap sa phone nya. Tignan mo tong babaeng to!

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya.

" Wala namang lumalapit sa akin na nakawhite eh. " Inis na sabi ko.

" Wag ka ngang excited. Hindi ka pa nga nagtatagal dyan eh. Just wait. " cheska

" You know what? I think i am just wasting my ti-- "

" Ate! Ate! Bili po kayo.? " may biglang sumulpot sa harap ko.

Pagharap ko may teenager na.lumapit sa akin at may dala dalang mga bulaklak. Month of February kaya maraming nagkalat na mga vendor ng roses.

Sasabihin ko na sana sa bata na hindi ako bibili ng bulaklak ng mapansin ko yung damit nya.

" Counted to dba? " sabi ko kay Cheska na nasa telepono.

8th GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon