Chapter 4

2 0 0
                                    

Kakadating ko lang sa bahay at tinawagan ko agad si Cheska.

" Hello? " rinig kong sagot ni Cheska.

" Ohh Hello Cheska. Buhay ka pa pala. Akala ko may dumukot na sayo at pinatay ka kasi bigla kang nawala. " pagtataray ko sa kanya.

" Naman eh! Sorry na. Nakita ko kasi si Julian kaya kinausap ko. Alam mo namang type ko yun dba? Kaya ayun feeling ko it's my time to shine na habang humahanap ka ng jojowain ay humahanap din ako ng magiging ama ng mga magiging anak ko. "

" Ang dami mong sinabi. " I retorded.

" Kaya ayun, niyaya nya akong manuod sine dahil may ticket daw syang dalawa at wala syang kasama kaya ako dahil matulungin eh pumayag naman. Sayang naman yung ticket. " pagpapatuloy nya kahit hindi ko naman kelangan ng paliwanag nya.

" Utut mo. Dinamay mo pa yung ticket sa kalandian mo. "

" Che! Oh ano na girl? Sino yung 8th guy? Gwapo ba? " excite na tanong nya.

" Tinatamad ako magkwento. Kung hindi mo kasi ako iniwan edi sana nakita mo. " pagtataray ko.

" Eto naman hindi makamove on? Hindi naman pwede na habang gumagawa ka ng love life ay ako sitting pretty. Unfair naman yun! "

" Sitting pretty my ass. Etchusera ka! You're just sitting. Hindi ka pretty. Chura mo! " natatawa kong sabi.

" Harsh mo sakin. "

" Quits lang us. Oh bye na! Pahinga na ako. My butt hurts. " reklamo ko.

" Anyare? "

" Natumba ako kanina. Sakit ng pagkakabagsak ko. Ang tanga ng sahig bwisit! " tawa naman sya.

" Okay. Bye na! "

" Bye. " tas binaba ko na pero bigla ulit nagring kaya sinagot ko ulit.

" Bakit Ches? May nakalimutan ka sabihin? " deretsong sabi ko.

" The last time i remember Gab ang pangalan ko at hindi Ches. " napatingin naman agad ako sa caller id at pangalan ni Gab ang nakaregister.

" Sorry na agad. Bat ka tumawag? " tanong ko habang dahan dahan na umupo sa sofa ng sala. Nasan kaya si Mommy?

" Sabi ko tatawag ako diba? "

" Ay oonga pala. Oh ibaba mo na, nakatawag ka na diba? " pangaalaska ko sa kanya.

" Baliw! Nakauwi kana? " he asked.

" Yup. Safe! " pagkasabi ko nun ay nakita ko ang isa sa katulong namin. " Ate! Padala naman ako ng pagkain please! Nahihirapan akong tumayo eh. Thankyou! " at umalis na sya.

" Kanina ka pa nadating? " tanong nya.

" Hindi naman. Mga 8 minutes ago. " sabi ko.

" Ah okay. " tas natahimik kaming pareho. Okay. Anong sasabihin ko?

Bat bigla atang naging awkward.

" Ehem! So.. "

" So?.. "

" Kwentuhan mo ako tungkol sa sarili ko. "

" At bakit? "

" Para makilala kita. Hindi yung feeling close tayo sa isa't isa. " tawa nya.

" Ikaw lang feeling close uy. Ang mahiyain ko kaya! " biro ko.

" Di halata. Hahaha! Dali magkwento ka at pagkatapos mo ako naman ang magkwekwento. "

" Eh kung magtanong ka kaya? Malay ko ba kung anong gusto mong malaman sakin. Baka masabi ko ang kulay ng panty ko dito dahil baka iyon ang gusto mong nalaman. " at narinig ko syang hulakhak ng tawa. Makatawa wagas? pati lalamunan labas?

" You're funny. " natatawang sabi nya.

" No. I'm Piper. " sabi ko. Sakto namang dating ni ateng kanina dala ang pagkain ko. " Salamat ate! " at umalis na sya. Kulit lang ng role ni ate! :D

" Hindi ka ba naiilang? " biglang tanong nya.

" San? " tanong ko habang kumakain ng lasagna.

" Sa akin. Lalaki ako tas nagsasalita ka ng ganun? "

" Hindi. Why would i? Eh ganun na ako eh. I won't change my self just to please people. Kung ayaw nila sa ugali ko well it's not my problem anymore. "

" Edi wow! "

" Loko! " at ayun kwentuhan lang kami like about 2 hours. Tanungan lang tungkol sa sarili. Tas we bid our goodbyes dahil may tumawag sa kanya.

Madami akong nalaman sa kanya. Like, Zachary Gabriel Devista ang full name nya, only child, 2nd year and he's taking up Business Management cause he said na someday daw ay sya ang maghahandle ng business nila. Nalaman ko din na may banda pala sila ni Ian at sya ang vocalist. Pinakanta ko pa nga sya pero ayaw nya dahil nahihiya daw sya. Akalain mo yun, meron pala sya nun.

Madami pa syang kinuwento at ako din syemper. Nagsabi din ako ng tungkol sakin like solong anak din ako at Piper Vien Monteser is my real name and i'm a freshmen taking up tourism. Una nagulat pa sya na tourism ang course ko eh hindi naman daw ako maganda. Kapal ng lalaking yun! Ako hindi maganda? Siguro baliktad ang paniniwala nya sa maganda. Na ang maganda para sa kanya ay panget at ang panget naman sa kanya ay maganda. Chura nya!

Tas marami pa kaming pinagusapan hanggang mapagod kami.

Honestly, ang gaan ng pakiramdam ko kay Gab. Feeling ko nga malayong kamagaanak ko sya kasi parang may lukso ng dugong nararamadaman eh hahahaha! pero walang halong biro. Pwede ko syang maging guy bestfriend.

Kakatapos ko lang mag linis ng katawan kasi maliligo nako ng nag ring ang phone ko.

Gab calling.....

Ako: Oh?

Gab: Hello din Pipes. "

sarcastic na sabi nya.

Ako: What do you want?

Gab: Talagang may kelangan ako? Di ba pwedeng namiss lang kita kaya ako tumawag.

Ako: Wag ka ngang malandi dyan. Anong sasabihin mo at tumawag kapa? Pwede namang itext nalang.

Gab: Tanong ko lang kung pwede ka bukas?

Ako: Pwede san?

Gab: May pupuntahan tayo. Ano? Pede ka?

Ako: W-wait! Are you asking me out?

Gab: Uy ah? Feelingera. Maganda kaba?

Ako: Halika nga dito para makutusan kita.

Gab: Hahaha. Ano na nga? Takte.

Ako: Oo na nga! San ba kasi?

Gab: Bar.

Ako: Ano!? Dadalin moko sa bar para lang panuorin kang lumaklak ng alak?

Gab: Hindi. Diba nabanggit ko sayo na may banda ako? May gig kami bukas. Baka gusto mo lang naman manuod?

Ako: Ay gusto ko yan. Sige sige! What time?

Gab: I'll just text you tomorrow. So it's a date-- i mean, bukas set na ah?

Ako: Oo. Tsaka date ka dyan! Sige na. Inaantok nako.

Gab: Hahahaha. Sige. Goodnight Pipes.

Binaba ko na ang phone at nilapag sa bed side table ko.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

8th GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon