Chapter 11: Paubaya

107 15 13
                                    

Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya

Pumayag akong makipagkita dahil sinabi ni Pierre. Hindi man niya sinabi kung sino pero may malaki akong hinala kung sino iyon. May kaunti akong naramdamang kaba kasi alam kong may atraso ako sa taong 'yon.

Inagahan ko ng kaunti para lang may allowance kaso nagulat ako kasi nandun na pala siya. Naghihintay sa isang table sa may gilid. Pagka-order ko ay agad ko siyang nilapitan. "Hello, sorry! Kanina ka pa ba nandito?" I asked Amy.

She waved her hand. "No, it's okay. Ninenerbyos kasi ako kaya napaaga ako," umamin siya. "Sorry. Napapadaldal na naman yata ako." Halata ko ang nerbyos niya dahil sa paghinga niya. If we were very close friends, tatawanan ko 'to.

"Sabi ni Pugs, gusto mo raw ako makausap?" Ahhh, it felt so good to call him that again!

Tumango naman siya. She sips a bit of her drink before she started talking. "First of all, I want to say sorry for coming in between your friendship with Pierre. Alam kong wala ako sa lugar nung ginawa ko yun. I was just so. . . insecure of others. You know? I know it's not an excuse but know that I really regret hurting the both of you. I figured that I was so insecure of you because I saw how you and Pierre were so close. Pero nung nakukwento ka niya sa akin, it really seemed like you are a good friend. If you happen to forgive me for the pain I caused you in the past, I would really love to get to know the best friend of the love of my life."

Hindi ako nagsalita for a while. Wala lang. Trip ko lang siya pakabahin.

"Is that all?" I briefly asked her with a poker face. I didn't want her to read any emotions on my face yet.

"And uhm, sobrang nagselos kasi talaga ako sa closeness niyong dalawa ni Pierre dati. Babae sa babae, alam ko namang nagustuhan mo siya dati so you can't blame me for feeling that way. Siguro natakot lang din akong mawala si Pierre sa akin kasi hindi ako naniniwalang pwedeng hanggang best friends lang ang babae at lalaki," she confessed. "Jinowa ko kasi yung best friend ko dati. It turns out that I didn't really loved him. I was just comfortable with him kaya ko siya sinagot dati. I'm really sorry for judging you before," Amy apologized again.

I flashed a small smile on my face to lighten up her mood. "Gusto ko lang din humingi ng tawad. I should've backed off already when you and Pierre were together before. Siguro nasanay lang din talaga akong siya lang ang kasama ko dati kaya natakot akong mawala siya sa tabi ko. Alam kong nasaktan din kita dati kaya patawarin mo rin sana ako."

Hindi ko ma-explain kung ano yung pinapakita ng mukha niya pagkatapos ko humingi ng tawad. Doon ko napansin na may tumutulong luha sa mga mata niya. "Wag mong sabihing iyakin ka rin?" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya nagmukha siyang ewan na umiiyak habang tumatawa.

Pumunta naman ako sa tabi niya para yakapin siya. Wala akong panyong pwedeng ibigay eh. Niyakap niya rin naman ako kaya bumulong ako sa kanya. "Forgiven. Friends?"

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Friends."

_____

Pagkatapos ng encounter ko na yun with Amy, ang daming nangyari sa isang taon na yun. Bukod sa nagkapatawaran na kaming tatlo ay naka-graduate na rin ako ng BS Microbiology kasama ng mga kaklase ko. Sabay-sabay kaming nag-celebrate ng lab groupmates ko pati na rin sina Kino, Chona, at Pierre. Sinama na rin namin si Amy kasi kailangan na naming tanggapin na magiging permanente na siya sa buhay namin.

Naluha ako ng slight habang pinapanood ko ang mga kaibigan ko. Lahat ng mga kaibigan kong naging parte ng buhay kolehiyo ko ay nandito. Sina Kino at Chona na naging constants ko simula nung SHS. Ang bawat karaoke night namin ay isa sa mga dahilan kung bakit ko nakayanan lahat ng napagdaanan ko.

Huling Panyo (Karaoke Nights, #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon