Kakarating ko lang ng bahay at bilis akong tumakbo paakyat ng hagdanan. Muntik nga ako madapa sa sobrang bilis eh pero wala akong pakialam! Kailangan maabutan ko siya.
Mabilis kong binuksan ang pintuhan ng kwarto ko at binato ang mga dala kong libro at bag sa kama. Dali dali din akong umupo sa sofa ko malapit sa window. Sumakit nga pwet ko sa sobrang lakas ng impact. Tinignan ko ang window na nasa tapat ko baka sakaling makita ko siya.
Naku baka late ako!
Nanghinayang tuloy ako. Napasimangot tuloy ako ng mukha. Huhu! Di ko na siguro siya naabutan. :(
Ngunit may napansin ako na anino at TADA! Si boy pogi nga! Yey, di ako late!
Tinignan ko siya ay no, TINITITIGAN ko siya while my head is resting under my hands na parang batang tuwang tuwa sa nakikita niya. Ang landi ko talaga hihi! Kung nakakatunaw lang ang titig kanina pa siya natunaw!
Anyways, My name is Avana Marcelo. I am sixteen years old who is in nineth grade. And I'm in love with Mr. Boy Pogi! Nakatira lang sila sa tapat ng bahay namin. I mean kapitbahay namin sila. And me, the lucky me, gets to see him everyday dahil katapat ko lang ang bintana ng kwarto niya! Isn't amazing? Isn't wonderful? Isn't isn't? Kyaaah! Kinikilig ako!
"Hoy!"
"Ay putekmokalabawkanamantalaga!"
"Ang haba nun ah! Hahaha!" Sabi ni Kuya Andrew na natatawa.
"Ano ba kuya! Pwede naman kasi kumatok dba? Hindi yung nangugulat ka!" Reklamo ko sabay hampas sa braso niya
"Kanina ko pa po ginawa yun. Nakailang katok nga ako eh. Kaso, busy po kasi kayo kakatitig kay Alvin."
"Tss! Ewan ko sayo, kuya!" At ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Boy pogi a.k.a Alvin
Yes, magkilala ang boyfriend (pero di niya alam na boyfriend slash soulmate slash asawa slash fiance ko siya kaya secret lang natin to okay?) at kuya ko. Actually, magkaklase sila and eventually, naging magkaibigan sila. Tadhana naman talaga! Siguro we are meant to be and this is one of God's way para magtagpo kami! Squeek! Londi laaaang char!
"Ligawan mo na kaya, Ava. Hindi yung titig ka lang ng titig. Nagmumukha kang creepy stalker niya." Asar ni kuya sabay pitik sa noo ko.
"Masakit yun! Atska loko ka ba kuya! Babae ako! Dapat ako yung nililigawan! Amph. Epal mo." I rolled my eyes at him. Nakakainis siya forever!
Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Itinapik ko yung kamay niya sa buhok ko at sinimangutan siya.
"Ayaw mo kasing ipakilala kita sa kanya. Bakit ba?" Gusto kasi ni kuya na ipakilala ako kay Alvin pero ayaw ko. Gusto ko actually pero BAKA DI NIYA AKO MAGUSTUHAN HUHU. Okay alam ko mababaw ang rason ko pero juicecolored! Balita ko kasama siya sa campus crush. Sempre gusto niyan maganda, sexy, matalino at iba pa. Ano laban ko?! Alam ko maganda ako pero hindi yung ka-level ni Megan Fox! Hindi yung mga tulad niya na to the highest level ang kagwapohan! Okay ang OA ko na.
"Ehh! Ayaw ko! Nahihiya ako amppp."
"Hays, bahala ka. Pagnaunahan ka. Tulad ng sabi ko, campus crush yun! May possible na makahanap na siya ng syota ngayon." Epal si kuya! Takotin ba naman ako. :/
"Epal ka! Tinatakot mo pa ako! Umalis ka na nga! Che!" Taboy ko sa kanya. Tinulak ko siya papuntang pintuhan ng kwarto ko. Pagkalabas niya ay nilock ko ang door. Bumalik ako sa sofa at tinignan ulit ang window ng kwarto niya. Nakaclose ito. Siguro ay umalis na.
"Hays, kailan ka kaya magiging akin?"
Pagkatapos ay kinlose ko na ang bintana ko at nagpalit ng damit.
--
Hey hey you you! Yes you! Hahaha!
Thank you for reading the first part of the story. I know OA haha! Oa rin naman kasi ang author lolol.(SHOULD I CONTINUE THIS OR NO? :/)
-Miss B 💕
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door
Teen FictionShort love story about a girl who falls in love with (LITERALLY) the boy next door.