Episode 1

0 0 0
                                    

Mala fairytale tlaga yung eksena ng kasal nila Luke Relox at Maureen Dela Cruz. ginanap ito sa isang mamahaling at kilalalang hotel sa pusod nang makati, kung saan nakaayos ang buong paligid na punong puno nang mga bulaklak at makukulay na spot lights.. isa na Ito sa pangarap ng bawat babae,ang makasal sa isang maayos na lalaki na kayang mag provide sa bubuuing pamilya neto. Marami ang bulung bulungan sa loob ng reception nang kasal na apaka swerte daw ni Maureen dahil sa lahat na na linked na babae sa batang negosyante ay siya ang bukod tanging naiharap neto sa altar. ni hindi nga raw silang napabalita na nag date o nagkaroon nang romantic feeling sa isat isa nung lumalaki ang mga ito . May nagsabi pa na Fix marriage ito. Dahil marami ang may alam na mag kasosyo sa maraming negosyo ang pamilya nila.

Si Maureen ay malapit sa pamilya nila Luke dahil ang ama niya ay kanang kamay nang tatay ni luke sa pag papalago ng mga negosyo nila.

Lingid sa kaalaman ng lahat si Maureen ay binili lang ng tumatayong Magulang niya Ngayon na sina Roman Dela Cruz at Remedios Dela Cruz. Sa isang bahay ampunan dahil hindi nga mag kaanak ang mag asawa. At ang pera kuno pinagalaw upang hindi malaman ng mga tao at kakilala nila sa negosyo ang pag ampon at mapadali din ang proseso sa pagkuha sa dalaga ay galing sa ama mismo ni Luke. Kaya sa madaling sabi Ang Buong buhay ng dalaga ay naka plano na talagang ipakasal sa binata sa pag abot nila sa tamang edad. Para sa ikakalago ng negosyo.

Its all about business ika nga..

walang kamalay malay sa lahat nang ito Ang dalaga.

Dahan dahan niyang nilalakad ang mapulang carpet na nakalatag..sabay sa saliw nang kanta.. lahat nang tao ay nakatingin sa maganda at eleganteng puting gown..na napaka haba.

Palapit na nang palapit siya sa altar kung saan nag aantay ang lalaking bubuo sa pagkatao niya.

nakasuot nang itim na tuxedo si luke. ayos na ayos ito at malinis tignan

hinahanap pa din niya ang feelings niya dito , Pero wala siyang maramdaman kundi Ang pagkalito..

Malaking question mark pa din sakanya kung mabuo nga ba ang pagkatao niya o paulit ulit lang itong masasaktan dahil sa wasak wasak na niyang damdamin.

hindi siya binigyan nang pagkakataon na papiliin siya o pakinggan ang boses niya.

Dahil kahit nasa tamang edad na siya sunod sunuran pa din siya sa dikta ng mga tao sa paligid niya. kahit kailan hindi niya sinuway ang mga utos at salita sakanya nang mga magulang niya.

mabigat pa din ang loob niya. wala siyang malapitan o masabihan .. pakiramdam niya mag isa siya, walang kahit na sinong pedeng puntahan kaya heto siya, sa sitwasyon na ito.

Ang pangarap na kasal na dapat ay masaya niyang sine-celebrate ay parang huling araw na niya sa mundo .

Destined Not to Be DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon