Episode 7

0 0 0
                                    

Nagising c luke na wala c Maureen sa kwarto. Parang baliwala lang naman sakanya kung saan ito nagpunta at nagpalipas nang magdamag, tumayo na ito sa kama at Nagumpisa nang mag asikaso ng sarili para pumasok sa kompanya. pagkakuha ng mga isusuot na damit ay agad nang pumasok sa banyo para maligo,

Pagbaba niya ay dumiretso na siya sa dinning Area,

Nakahain na ang masaganang pagkain sa mesa. Ngunit wala doon c Maureen. "Manang asan c Maureen? " Umopo na ito at nag umpisa nang kumuha ng bacon at itlog .

"Ahh sir , baka po andyan lang sa paligid kanina po kase ay tinulungan pa ako ni Mam Maureen na mag luto" ani matanda habang nag sasalin ng juice sa baso maedyo tense na paliwanag,

"Ahh ok. Good looks like shes enjoying being a house wife, Anyways wag na wag munang papalabasin at baka kung saan pumunta "tipid lang itong sumubo ng pagkain.. "mike " pukaw neto sa lalaki na kanina pa nakatayo at nakamasid sa labas

Lumapit ito kay luke " yes sir,.." tuwid pa din ito na parang istatwa sa pagkakatayo,

"Kung lalabas man si Maureen pede pakisamahan.. ayaw na ayaw kong aalis siyang mag isa!, maliwanag" Utos neto habang kumakain

"Areglado po boss.. "nakatayo pa din ito sa likod ni luke at malayo ang tingin.

Maya maya pa ay natapos na sa pagkain si Luke at Agad na tumayo, nagpunas pa ito nang puting tissue sa labi at

hinagis sa mesa ang tela, saka matigas na tinapik ang balikat ni mike.. hudyat nang pag papaalam neto at Nag patuloy nang lumakad na walang lingon lingon palabas ng Mansyon,

Nagtataka naman si mike sa sagot nang matanda dahil kanina pa siya gising ay wala naman ang anino nang magandang babae sa kabahayan.

"Bakit kaya ganun mag turingan ang bagong kasal na iyun" Wala sa sarili na turan ng matanda habang nagliligpit ng pinagkainan ni luke..

Di naman umimik c mike pero di niya mapigilan magpalingon lingon sa paligid na parang may hinahanap.

at di natiis na tanungin ang matanda,

"Asan napo ba manang c maureen akala ko po katulong niyo magluto " ani mike

Tumawa lang ang matanda..

"Di ko nga rin alam, kung nasan yung batang yun.. pinagtakpan ko lng kay Luke dahil alam kung lasing yan kagabi. Para indi lang humaba ang usapan. Alam naman natin ang ugali nun saka napansin ko rin na mukhang ilag si mam Maureen kay sir luke parang hindi sila magkakilala.pero bagung kasal sila ahh .. iba na talaga ang kabataan ngayon noh, Ginagawang laro ang pag ibig" may pailing iling pa ito at dumiretso na sa kusina si manang..

Nang malaman na wala pa pala ang dalaga ay dali dali naman niyang tinungo ang ng bahay at kinatok ang maids room,

Mukang nag aantay naman talaga na may kakatok doon ang dalaga.

dahil agad na binuksan ang pinto kahit maliit lang ang bukas nito,

"Mam kumain na po kayo.. " may sinseridad sa boses ni mike

"Andyan pa ba si Luke?"mahinang tanong nito.

"Nagpaalam na pong umalis, hinahanap nga po kayo.. "silip nito sa muka ni maureen na parang nagtatago roon.

Niluwagan na rin sa wakas ni Maureen ang pinto ng malaman na wala na si luke.

Sinalubong nito ang kanina pa na nakatingin na mga mata nang binata,

"Salamat mag papalit lang ako ng damit at kakain nadin, paki sabi nalang kay manang.."

Tumango lang ang kausap..

Aalis na sana si mike nang mag salita ulit si maureen.

"Mike ,salamat .. "ani maureen

Walang lingon lingon na lumakad na paalis ang binata.

Ayaw nang lumingon ni mike dahil may kung anong awa ang nakikita niya sa mga mata ng dalaga.

At ayun ang ayaw niyang maramdaman. Dahil boss niya ang asawa nito na kinatatakutan ng dalaga.

May kaba man siyang naramdaman dahil alam na naman niya ang kasunod na ipapagawa ng boss niya sakanya,

kaya tiim bagang pinigil na lingunin ang dalaga.

Nakapag almusal at bihis na din si Maureen.. Nang mga oras na yun

kinakabisado niya ang bawat kilos nang mga tao roon,

Balak sana niyang magtungo sa papa niya para linawin ang mga nangyayari.

Pinili niyang palihim na umalis ng Mansyon,

Naka black sleeveless top siya. At fitted Jean's na pinartneran din nya ng black sneakers. Nag cap dn siya, Para di siya mapansin ng mga bantay.. maliit na sling bag lang ang dala niya. Laman ay Cellphone at wallet.

Palinga linga pa sya. Mabilis ang takbo lakad niya para makarating sa maliit na gate. Tinyempuhan niya talaga na kumakain ang mga guard.

Pabukas na sana sya ng seradura ng gate ng may mabilis na humablot ng kamay niya.

Si mike.

Nakasimangot ito at nakatingen sa muka niya.

Pilit man niyang agawin ang braso niya di niya magawa dahil sa higpit nang hawak neto sakanya.

"Anu ba,mike bitawan mo ko.. akala ko ba kakampi kita..". Piglas niya.

"At san mo balak pumunta?. Naging mabait lang ako sayo kagabi dahil alam kong kaylangan mo nang tulong.. pero yung ilagay mo lahat sa kapahamakan yung mga ngtatrabaho dito .. ibang usapan na yun." Pagsisinungaling niya.

dahil ayaw niya lang din na mapahamak ito kung piliin nitong umalis mag isa..

Mas hinigpitan pa din nito ang hawak sakanya at matigas ang tingin nito sakanya na alam niya na di magpapatalo itong lalaki nato, kaya nag give up na siya.

"Fine.! I just wanna talk to my papa.. gusto kong malinawan sa lahat nang nangyayari sakin dito, ang pagpapakasal ko ng wala sa oras sa estrangherong lalaki na yun.. ang paghihigpit sakin na para kong bilanggo dito.. hindi ko na alam lahat ng sagot sa mga tanong ko! I need someone to talk to... And we all know na papa ko lang makakasagot nyan." Mangiyakngiyak niyang paliwanag.

Binitawan naman sya ni mike at pinagbuksan ng gate. Nakahinga sya ng maluwag. Buong akala niya ay papaalisin na sya nitong mag isa..

Ngunit nagkamali sya ..mabilis ang pakilos at lumihis lang ang landas neto sa itim na montero. At huminto sa harap niya.

"Sakay na Mam mau.. "at binuksan neto ang pasenger seat.

Wala naman siyang choice kundi sumakay dito.

kaya pinili nalang niyang wag na makipag talo,

Destined Not to Be DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon