Episode 3

0 0 0
                                    

Habang tumutulo ang luha niya sa tugtog ng musika inabot ni luke ang kamay nya at yumakap sa ama niya na naghatid sakanya. Mahigpit ang kapit niya kay luke dahil kumukuha siya ng simpatya dito. Gusto niyang maramdaman na magiging maayos lang ang lahat.

Maayos ang pagkakakilala niya kay luke.anak ito ng matalik na kaibigan ng ama niya na c Don lucas Rolex at Doña Cristina Rolex mag asawang negosyante na kilala sa larangan ng mga malls at malalaking groceries store.madami na silang branches sa loob at labas ng bansa. Kaya naman sunod sunuran lang ang ama niya sa kung anong sibihin nang mga ito. Dahil malaki nga ang utang na loob neto saknila kung anu man ang naabot nang ama niya ay dahil din ito sa tulong ng ama ni Luke.Magkababata ang Ama niya at si don Lucas kaya pangarap tlaga nila na mging magkasosyo sa mga negosyo. Lumaki na tlgang mayaman sila don lucas. matalino lang ang ama niya kaya nagtagal din ang samahan ng mga ito. kumbaga Si don lucas ang financer at Si don Ramon nman ang utak sa pagpapalago ng negosyo.kaya pakiramdam niya ay kasama din siya sa business venture ng mga ito. Hinayaan niyang diktahan siya ng mga ito upang mapatunayan lng na mabuti siyang anak. At deserve niya ang lahat ng luho at ginhawa sa buhay.

Madalas naman silang magkita at magkasama ni luke pag my mga party at gatherings ang pamilya nila pero hindi niya alam ang tunay na background neto.sa pagkakakilala niya dito ay mabait,magalang,palangiti at napaka gentleman ni luke sa tuwing mgkakasama sila.

Kaya kahit di pa niya ganoon kakilala ito.

Nagbakasakali nadin siya na mabuting tao ito at hindi siya papabayaan kapag nakasal sila. Wala na din naman siyang choice dahil both parties ang nag desisyun neto . Alang alang sa negosyo. Gagalangin nalang niya ang hiling ng ama niya na matututunan din daw niyang mahalin si luke.

Ngayon ay parang nakikita niya ang sarili sa mga napapanuod lang niya na drama na fix marriage din ang tema.

"ganito pala ang feeling nung mga babae na nakikita ko lang sa movies" bulong ng isip niya.

"sana katulad din sa movies mababait at mapagmahal si luke, sana kagaya siya ng iba na mabilis kong mamahalin, at sana hindi niya ako saktan at wag na wag pag samantalahan yung pagkababae ko" usal niya sa sarili.

Destined Not to Be DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon