Episode 2

0 0 0
                                    

Maureen (Balik tanaw)

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napapalo sa kamay ng isang maliit na stick nung bata pa sya sa tuwing nagkakamali siya ng kilos sa harap ng mga magulang niya. Hindi niya maiintindihan kung bakit sobrang strict ng magulang niya sakanya.

Over protective yan na lang ang iniisip niya habang lumalaki siya. Pero nararamdaman niya na Ang OA nang pagiging Over protective nang mga ito, Madalas pa nga wala siyang kasama sa bahay tanging mga katulong lang ang nakalakihan niyang kasama. lumaki naman siyang naibibigay ang lahat nang materyal na bagay sa kanya, nakatira din siya sa maayos at magandang bahay sa loob nang exclusive na subdivision, nag aral sa mga private school.. naalala pa niya na home school pa siya mula pag graduate nang elementary at high school, ganun ka over protective ang magulang niya.na halos wala na siyang nakikitang ibang tao kundi katulong at minsan ay ang mga magulang .. pero madalas mag isa lang siya.Subsob siya sa pag aaral dahil yun ang paulit ulit na pinapangaral ng ama niya. Na kaylangan niyang makapag tapos ng pag aaral para maging proud sila dito. Nahirapan pa nga siyang maka cope up nung nag college na siya dahil di siya sanay na makihalubilo sa iba, may instances pa nga na may naka close siyang lalaki ay agad na nalaman ito nang papa niya at pinagalitan siya grounded at bantay sarado agad siya at binigyan nang body guard sinabihan din siya na huwag na huwag mg hahanap ng boyfriend o kaibigan dahil masisira lang nito ang mga pangaral nila,mga bad impluence lang daw ito .. madalas na sabi ng Ama niya, Sundin lang daw niya ang utos nila at magkakasundo silang mag ama. Ang Mama naman niya ay parang malayo ang loob sa kanya, madalas nasa abroad kaya di niya ramdam ang may sandalan na ina sa oras nang kalungkutan

Kahit kailan hindi niya maramdaman na mahal siya ng kanyang mga magulang. napaka laki nang Space na yun sa buhay niya.

Dahil pag nakikita niya ang mga ito ay palage nalang siyang tinatalikuran neto. Sa kahit anung achievements niya sa school habang nagkakaisip siya wala siyang naramdaman na may magulang na ngingiti at yayakap sa kung anung nakuha niya.. naalala pa niya nung bata siya ni isang family day ay di niya ito nakita at nakasama.

Ngaun ihahatid na siya sa altar ng kanyang ama luha nang hinagpis ang nararamdaman niya dahil hindi pa rin niya maintindihan kung bakit parang tupa lang siya na sunod sunudan sa anu mang iutos ng mga ito sa kanya kahit kapalit na neto ay ang sarili niyang kaligayahan at kalayaan.

Destined Not to Be DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon