~RANCE's POV~
Kasalukuyan akong umiinom sa kwarto ng biglang..
•Ding dong(DOORBELL)•
Bumaba ako at inilagay pa muna ang alak ko sa kusina at tumahak na sa pinto walang ganang binuksan ko ito,hindi ko inaasahan na ang makikita ko ay yung taong hinihintay ko na sa matagal na panahon
"Niana?"tanging naiusal
"Babe"nanginginig na boses na tawag nya sakin,at bahagya pa itong nakatungoAgad akong nakaramdam ng inis dahil sa hindi inaasahang pagpunta nya dito
"What are you doing here?"pigil na inis na tanong ko at tumingin sa relos "it's already 12:30am"walang ganang sabi ko
"Babe,i'm sorry"umiiyak na usal nya,yun lang ang sinabi nya pero ramdam ko ang init sa aking mata ko
Hindi dahil sa awa o pagmamahal,kundi dahil sa galit sa kanya dahil sa pang-iiwan niya sakin
Bahagya pa akong napayuko at pinunasan ang luhang alam kung isang salita nya pa ay babagsak na ito,bumuntong hininga pa ako at muling tumingin sa kanya,at dun nagtama ang paningin namin,pilit kung pinapakitang wala akong interes sa kanya,at siya naman tong luhaan na sa harap ko,animo'y babagsak siya sa kinatatayuan nya ng dahil sa sobrang pagkaputla nito
"Anong ginagawa mo dito?"pigil inis na tanong ko
"Babe"usal nya at hinawakan pa ang braso ko,agad ko namang iniwas ang paningin ko at hinigit ang aking braso at kita ko naman sa gilid ng mata ko na napayuko sya dahil sa inasta ko"From now on,don't call me Babe"binalik ko sa kanya ang paningin ko at kitang kita ko naman ang pangingilid ng bagong luhang papatak sa kanya
"Babe,why are you saying this?"tanong nya pero di ko siya kinibo "Bakit kaba nagagalit sakin?------""Ha!!!!"hindi ko na mapigilan ang sumigaw dahil parang nabingi ako sa sinabi nyang yun "Meron bang dahilan para hindi ako magalit sayo?!!!"Inis na talagang sigaw ko sa kanya at natigilan siya,tumingin ako sa mismong mata nya at hindi ko maiwasang ipakita ang saloobin ko
"Umalis ka ng walang paalam,kasabay ng pagkakakulong ni daddy,at dahil sayo kaya nawala sakin si mommy,kakaisip sayo ay nabaliw siya!!!"nanggagalaiting sigaw ko sa kanya,kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha
"What do you mean?"humihikbing tanong nya sakin "rance umalis ako para sayo,pero bakit parang kasalanan ko?"pagdidiin nya
"Dahil kasalanan mo"sigaw ko sa kanya habang nakaduro pa sa mukha nya
"What do you expect me to do?"Mahinahong tanong nya at natigilan naman ako
'Ano nga ba ang kailangan mong gawin,mahal?'gusto kong sabihin ang laman ng utak ko pero parang ang hirap dahil napupuno ako ng galit sa dibdib ko
"Ang hindi lang sana umalis sa tabi ko nung mga araw na kailangan na kailangan kita"nangingilid na luhang sambit ko,yumuko ako at pinunasan ang luha ko
"Bakit parang sa mga sinasabi mo ngayon ay wala kang alam sa nangyari?"tanong nya at doon ako mas natigilan,hindi ko alam kung paano ako mag rereact
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko,at napuno na ng pagtataka ang isip ko
'Bakit parang pakiramdam ko ako ang sinisisi nya?,mahal nasaktan mo na ako dati,please wag mo ng ulitin'Sabi ko sa isip ko kasabay ng pagluha ko
"Wala ka ngang alam"tango tango pang sabi nya at saka lang ako bumalik sa reyalidad "By the way 'Rance'"pagdidiin nya sa pangalan ko "P-Pwede ba akong m-mag stay dito kahit ngayon lang,galing pa kasi ako sa airport at dito na agad ako dumeretso"Mahinahong sabi nya habang pinupunasan ang luha sa pisngi,tumigil na din sya sa paghikbi
YOU ARE READING
Let's Pretend
RomanceThe true lover willing to wait their loves,until this comeback