Chapter 2~RANCE's POV~
Yakap yakap ko parin siya habang umiiyak parin
"Sorry"senserong usal ko habang niyayakap ang kaniyang ulo
Pero tanging paghikbi nya lang ang naririnig ko,umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod sa kanya,pero muli kong pumihit paharap sa kanya
"Babe sorry"kasabay ng paghalik ko sa kanya sa noo,ay ang pagtulo ng luha koTuluyan na akong pumunta sa kwarto ko at doon bumuhos ang naghalo halong emosyon ko,isinalampak ko ang sarili ko sa kama at bahagya ko pang tinakluban ang mukha ko ng unan,sa muling pagkakataon naramdaman ko ang hilo,napasabunot ako sa buhok at nagsisisi talaga ako sa nagawa ko sa taong mahal na mahal ko
'Ano bang nagawa ko?'tanong sa isip ko na hindi ko naman alam kong paano masasagot
Tuluyan na akong nakatulog dahil nadin siguro sa pagod at kalasingan
ZzZZZZZZzzzzzzzzzzZzzzz......
Maya maya pa ay..
Naramdaman ko ang dahang dahang na pagpihit sa door knob ko,pero hindi ko kayang imulat ang mata ko,tanging diwa ko lang ang gising,naramdam ko ang pag-upo nito sa kama,at bumuntong hininga pa ito,at dahan dahang tinanggal ang nakatabon sa mukha ko na unan
Nagsisimula nang maghabulan ang tibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan,natatakot ako pero wala akong magawa
"Babe"animong parang anghel na boses,alam kong si niana ang nag mamay ari nyon
"You're sorry is accepted hihi"alam kong kahit hindi ko nakikita ang mukha nya ay pilit ang ngiti nito,at maya maya pa ay suminghot ito senyales na umiiyak na siyaNaramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko
"Hindi ko alam kung bakit wala kang alam sa mga nangyari,pero alam kong may dahilan si tita kung bakit hindi niya sinabi sayo"pagtutukoy nya sa mommy ko habang hinihimas ang pisngi ko ng kaniyang daliri,patuloy lang ang singhot nya,at alam kong pinipigilan nya ang sarili nya ang humikbi
'Ano bang sinasabi mo?'gusto kong sabihin pero alam kong imposible
"Hindi na ako magpapahatid,wala nadin akong balak na sabihin sayo ang lahat,dahil mismong nanay mo nga hindi sinabi ako pa kaya?Anong karapatan ko?haha"sarkastikong sabi nya pa na lalong nagpagulo ng utak ko
Ang sakit ng ulo ko,dagdag pa ang lahat ng sinasabi nya,natigilan ako sa pagmumuni ng maramdaman ko ang labi nya sa pisngi ko,pero inalis nya din agad yun
"From now on,forget me,okay?"naramdaman ko din ang pag angat ng kama senyales na tumayo siya
"Sorry for everything,i know this is all my fault,kung bakit nasira ang pamilya nyo"Sambit nya pa
Doon ako mas natigilan,gusto kong bumangon pero di ko kaya,ang dami ng tanong sa isip ko
"Uh,yes before i forget,please let's end this realationship i'm n-no l-longer happy with you"naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko,at sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya ay ramdam ko din na nasasaktan siya
bahagya pang lumalabo ang pagsasalita nya dahil parang may nakatakip sa bibig nya "I know this is the best way to end this relationship"muli akong nakaramdam ng paglubog ng kama na senyales na umupo na naman siya
"Siguro di talaga tayo tinadhana,ang daya no kung kelan masaya nako sayo,saka naman naglaro si tadhana"sambit nya pero hindi na siya umiiyak,habang hinihimas pa ang buhok ko
"Hmm,aalis nako,please forget me,kakalimutan na din kita"
Pinakamasakit na narinig ko mula sa kaniya,hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko,pakiramdam ko inosente siya at biktima,at ako naman tong suspek,ang sakit sakit nahihirapan na ako
YOU ARE READING
Let's Pretend
RomanceThe true lover willing to wait their loves,until this comeback