Chapter 2

7 2 0
                                    



Today was my first day sa work, sobrang nakakapagod yung ibang interview na pinuntahan ko. But it was all worth it. Friendly yung mga nag iinterview, ih friendly rin ako kaya keri na.



Minulat ko na ang mata ko, naka tulala na ako pag gising ko, ugali ko ang pag tulala sa umaga. Nag iisip kasi ng scenario kung anong mangyayari sa unang araw ko ngayon.



Habang nakatulala ako, nasira ito dahil may tumawag. Sobrang ingay pa naman ng ringtone ko, halos pag nag commute ako. Napapahiya ako pag may tumatawag.



Tumayo na ako at chineck kung sino ang tumawag. Yung boyfriend ko. himala maaga siya nagising ngayon.



{"Good morning babe."} ang lambing ng tono niya.



"Good morning din babe, himala maaga ka ata nagising."



{"Nag jogging lang ako kaya maaga nagising."}



"With?" I think there's something wrong.



{"My best friend. Samantha, remember?}



"Nang aasar ka ba talaga? You know naman na nag seselos ako sa babaeng yan diba?"



{"Come on babe, you know na were just friends diba? You put meaning in everything kasi."}



"So it's my fault now? Ako pa mali because I put meaning in everything, come on joseph. I'll never put meaning kung wala akong nakikitang mali."



{"You know what, I'll call you later. Maganda araw ko, please don't ruin it."} He ends the call.



I will be having a long day. And it starts with a bad mood. Pero hindi ko hahayaan na masira ng bad mood ko ang araw at trabaho ko ngayon. I need to impress my TL.



Night shift naman ako, so I have a lot of time para mag prepare. Meron pa akong 5k sa bag. So pupunta muna ako sa mall para mag hanap ng pwedeng masuot para sa first day.



Tumayo na ako, 7:00 am palang ng morning. So I'll do my routine, mag jogging muna ako para naman maging productive ako sa araw na ito. Saka para iwang sermon kay mama.



Natapos na akong maligo, nag bibihis na ako. I'm going to wear a sports bra color neon green. Jogger pants. And white shoes. Naka ponytail na rin akong tali.

My Love UntoldWhere stories live. Discover now