Chapter 3

4 2 0
                                    



1 week na akong nag ta-trabaho sa call center, hindi na ako nag papahatid kay Brylle kasi nag seselos si, Joseph. Ayaw ko naman na si Brylle ang maging cause ng pag aaway namin, Brylle is my best friend since elementary.



Umaga na, syempre my daily routine. Mag jogging muna ako, before akong tumayo I check my schedule notebook para Makita ko ang mga gagawin ko today.



Nakalagay dito ay dadalawin namin ang puntod ni papa, at dalawin ang step sister ko. Yes, I have a step-sister. Kapatid ko siya kay mama, nasa hospital siya for so many months kasi may sakit siya Kleine-Levin Syndrome. Kung saan nakakatulog siya ng more than 24 hours.



She wants to stay here. But the doctor said kailangan mag stay siya sa hospital. Para mabantay siya kasi hindi namin siya mababantayan, so kailangan nasa hospital siya.



Rare disease ang dumapo sa kanya, si mama ang nakakaalam kung saan niya ito nakuha. Hindi nila sinasabi sa akin, and ayaw ko naman din malaman kung anong sakit niya.



Tumayo na ako at naligo na para sa workout ko at jogging, need to maintain ih. Hindi ako makakapunta ngayon sa mall kasi may lakad nga kami ni mama.



Tapos na ako maligo ang suot ko ay dark grey and in black An athletic knit tank top featuring a scoop neck and a cut-out back. Instead na mag jogging dumiretso ako sa gym na malapit dito sa village namin.



Kinuha ko na ang sports bag ko at umalis na ako, kinuha ko na din ang susi ng car ayaw ko mag lakad. Nakakatamad. Bumaba na ako at nasa kusina si mama nag luluto siya para sa step sister ko.



"Ma, mag gym lang ako ha." Pag papaalam ko kay mama.



"Sige, balik ka dito before mag 9:00, pupunta pa tayo sa puntod ng tatay mo." Pagsasalita nito nang hindi tumitingin sa akin.



"Okay." Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko.



Papunta na ako sa gym, dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng pagkain, diet meal naman bibili ko para hindi ako mag gain ng fats haha.



Nang papasok na ako ng store. Biglang may sumigaw ng pangalan ko. naka white tshirt siya. Shorts and rubber shoes. Hindi ko masyado maaninag ang muka niya dahil sa labo ng mata ko. kaya habang sumisigaw siya at naka singkit lang ang mata ko at pinipilit siyang tidnan.



Nang tumakbo na ito ng papunta sakin, doon ko na naaninag ang muka niya. Nanlaki ang mata ko ng Makita ko siya, si Brylle.

My Love UntoldWhere stories live. Discover now