YMMLC 1

12 0 0
                                    

HAVIER'S POV

First day of school. As always boring parin. Wala naman pinag bago mas maganda lang ang last day kasi kinabukasan nun wala ng pasok.

Yung mga kaklase kong kunwari nakikinig pero papikit pikit dahil inaantok na. Yung iba namang naglalaro o nakikipag chikahan pag nakatalikod si Sir tapos pagka humarap magkukunwaring nakikinig.

Yung iba namang nakatulala at wala na talagang balak na makinig.

Haay! Paulit ulit naman. First day na first day of school ganto na agad ?

Matagal tagal pa din mag lulunch nakakainis naman. Gusto ko na mag kumain nagugutom na ako.

"Mr. Quirillo pinapatawag po kayo ni Mrs. Villara" sabi ng isang istudyanteng babae.

"Ok sige susunod na ako. Ok Class.. Class Dismiss" sabi ni Sir. Ayos gagala muna ako. Si Sir Quirillo naman na ang last subject ngayon tapos lunch na.

"Cav! Tara lunch na tayo gutom na ako." Sabi saakin ni Greco ng nakahawak sa tyan nya.

"Oo nga ako din" sagot naman ni Tristan.

"Sige ako rin eh pero saglit lang ako punta muna ako kay Kuya" sabi ko. Tumakbo na ako nung pagkatango nila.

Hinanap ko si kuya kasama mga babae. Tss ganyan naman yan eh babaero pero pagka nakahanap din yan titino din yan.

Katulad nalang noon kay Ate Hazel. Napaka caring nya. Napaka bait pero nung nag break sila bumalik nanaman sya sa pagka babaero nya.

"Kuya uwi ka na muna sa bahay mamaya ah" sabi ko kay kuya.

"Bakit ano meron?" Tanong nya.

Nakakainis birthday ni mama di nya matandaan.

"Birthday ni mama ngayon diba ?" Sagot ko ng nakasimangot.

"Ay oo nga pala. Sorry lil bro baka di ako makapunta. Nag invite kasi kaibigan ko. Pero try ko." Sagot nya. So mas inuuna pa nya kaibigan nya?

"Kuya kailangan mo pumunta. Kuya naman eh." Sabi ko ng nakasimangot. Nakakainis kasi puro nalang kaibigan nya inaatupag nya.

"O sige sige. Hahabol nalang ako. Atyaka wag ka nga ngumuso mukha kang pato" sabi nya sinuntok ko nga. Tumakbo na ako para di na ako magantihan.

Ganyan si kuya. Epekto ata ng pagka wala ni ate Hazel. Mahal na mahal nya yun eh.

Papunta na ako sa Cafeteria. Nakita ko naman sila Tristan na nakain. Umorder muna ako bago pumunta sa pwesto nila.

Nag kekwentuhan kami habang kumakain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Make My Life CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon