Prologue :)

110 8 0
                                    

Ang daming nagbago, may nawala, may pinagpala at may umiiyak pa rin hanggang ngayon.

Lahat nang iyan nararanasan ko.

Hindi ko alam kung paano pa ba ako nakapagsimula pa ulit nito?

*I will always remember the day you kissed my lips...* Nagising Na Naman ako Sa alarm ko, sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko na matandaan kung paano ba ako nakauwi kagabi? Ah basta! ang alam ko nag katuwaan na naman kami ng mga friends ko!

Dinner lang ang usapan namin pero palaging nadidiretso sa inuman.

Napapaginipan ko Na Naman Ata lahat Ng napagdaanan ko noon pa.

Nagbabakasali na sana'y may bumalik pa kahit isa. Na kahit tunay na kasiyahan ko Na Lang ang bumalik..

Haay! Eto Na Naman ako nag iisip imbes Na... "shet! late na naman ako nito." paniguradong sermon na naman abot ko nito kay Ms. Ayuzawa. Pinagsisihan ko tuloy na bakit nag inom pa ako kagabi, kahit na alam kong may pasok kinabukasan!

Mabilis naman akong nakapag-ayos pero bakit parang sobrang bilis nang oras? uhh kairita. Habang naglalakad ako papuntang parking lot. Hindi ko alam kung saan ko na park yung sasakyan ko, hindi ko rin alam kung paano ba ako nakauwi. Hay nako hindi ko muna iisipin yan at kailangan ko nang mahanap ang sasakyan ko at makapasok! Kailangan ko din makasiguro na wala pa si Ms. Ayuzawa sa office at ayokong masermonan na naman nasasaktan 'yung tenga ko 'no.

Finally!! Nahanap ko rin yung sasakyan ko pero bakit ang layo naman masyado sa usual na parking ko? Weird, Sa sobrang kalasingan ko na din Ata.

"Hello Lance? Oo Otw na ako" Eto na naman si Lance na palagi akong tinatawagan kapag hindi pa ako dumadating alam nya kasing sa kanya lang ako hahanapin kapag galit na si Ms. Ayuzawa kung wala pa ako doon sa office ko. Mahirap din maging isang taga-pagmana kung ang alam ko lang naman gawin eh mag shopping at mag bar hopping kasama ang friends ko. Hindi parin talaga ako natututo.

Nakarating na rin ko ng office at eto na nanaman Si Ms. Ayuzawa panay ang bigay sa aking papers na dapat daw ay mapag aralan at maintindihan kong mabuti habang nasa leave ang aking parents. Ako pa nga ang natatakot kapag nasesermonan ni Ayuzawa eh

ako dapat ang gumagawa noon sa kanya kasi sinesermonan nya ako! Kung mapapaki-usapan ko lang yung mom ko na palitan si Ms. Ayuzawa eh. Hindi rin siya papayag at alam niyang doon lang din ako takot!

"Good Morning Ma'am Josie here's the papers para sa ididiscuss mamaya ng architect for our new branch" eto na naman si Ms. Ayuzawa na lumalaki ang mata kapag nagsasalita sa akin.

"okay, just leave it here I'll check that later" Wala 'kong gana na sabi sa kanya at sumasakit pa ang aking ulo dahil sa hangover.

"And ma'am I need that papers in the afternoon, at isa pa afternoon din ang meeting mo for the architect of our new branch, Para mapag-usapan na po."

"what?? this afternoon na?" Hindi ko akalaing ngayong araw ito lahat gagawin, Ah sobrang sakit ng ulo ko! Nagsisi talaga akong nag party pa kami kagabi.

"Ah yes ma'am! Excuse me ma'am at may aayusin pa po ako" Nilakihan pa ako ng mata ni Ms. Ayuzawa bago lumabas at umalis ng office ko. Ah wala naman akong magagawa kung 'di gawin na lang lahat ng pinapagawa 'di ba?

She's Amie Ayuzawa secretary siya ng mom ko dati, Sa akin siya inilipat at para maging disiplina daw ako sa trabaho dahil alam nilang bata pa lang ako eh takot na ako kay Ms. Ayuzawa, Grabe ba naman kung manlaki ang mga mata niya kapag nagsasalita eh. Nasanay na rin ako palagi sa sermon niya, minsan nga napapatanong ako Sa mom ko na bakit palaging parang galit si ms. Ayuzawa, eh ganoon daw talaga magsalita ion at matandang dalaga na dawn. At tsaka siya ang pinagkakatiwalaan ni mom na magbantay na rin sa akin. Mabait naman siya kapag good mood, eh ang problema palaging bad mood dahil sa stress... Napapaisip na lang ako kung nag asawa pa sana ito si Ms. Ayuzawa eh hindi na din siya stress sa akin hahaha! just kidding.

High School Love OnWhere stories live. Discover now