Chapter 1

6 0 0
                                    

Lean's POV

*kriiiiiiiiiiing*

Nagising ako bigla sa ingay na nanggagaling sa alarm clock ko. Umaga na naman pala.

Monday...

Pinakaayaw ko na araw sa balat ng lupa. Bakit ba kasi naimbento 'yang Monday na yan? Nakakawala ng mood sa umaga!

Bukod sa may pasok na, ang aga pa dahil sa flag ceremony na 'yan!

"Lean!!! Gising ka na ba? Anong oras na! Magprepare ka na diyan!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa labas.

"Maliligo na!" bagot kong sagot sa kaniya at dumiretso na sa banyo para maligo. 

Nakaraan ng ilang minuto ay natapos ako sa pagligo kaya paglabas ng banyo ay agad na akong nagbihis ng school uniform.

Ang uniform namin ay skirt, pero yung akin ay lagpas ng kaonti hanggang tuhod. Ako nga lang ata ang lagpas hanggang tuhod ang skirt dahil halos lahat ng babae sa school ko ay sobrang iiksi ng mga palda.

Well... hindi ko na problema 'yon kapag nasilipan sila. Ginusto nila 'yon.

Ang sa itaas naman namin ay long sleeves lang na kulay dilaw and may linings na dalawa sa may kwelyo namin. Doon malalaman kung anong year kana. Since second year na ako ngayong araw, dalawa ang line sa kwelyo ko. May necktie rin kaming kulay green.

Ganun din sa lalake, ang pinagkaiba lang syempre ay ang pang-ibaba nila. Nakaslacks kasi silang black.

Pagkatapos magbihis ay bumaba na'ko para pumuntang kusina at mag-almusal.

"Excited ka na ba sa first day mo Lean? Makipagkaibigan ka kaagad ha!" masayang bungad sa'kin ni Mama. Napairap naman ako sa hangin sa sinabi niya.

Alam niya namang hindi ako magaling sa pakikipagkaibigan...

Hindi ko na lang siya sinagot at tinuon na ang atensyon sa pagkain.

Nakita ko naman siyang umupo sa harapan ko at kumuha na rin nang makakain.

"Sana this time anak, magkaroon ka na ng kaibigan kahit isa lang..." malungkot na sabi ni Mama habang naglalagay ng nutella sa tinapay.

Napahinto naman ako sa pagnguya at bumuntong-hininga. Eto ang ayoko sa lahat na pinag-uusapan eh...

"Papasok na po ako Ma. Mag-iingat ka rito, uuwi rin naman ako agad." paalam ko sa kaniya sabay tayo at kuha ng tinapay.

"Hala! Wait lang Lean! Yung baon mo! Anak yung baon mo!!" rinig kong sigaw ni Mama galing sa loob. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang school.

Hindi ko na kailangang humingi ng baon sa kaniya dahil may part-time job naman ako. Kaming dalawa na lang ang magkasama ni Mama dahil sumakabilang-buhay na si Papa. Ayoko namang iatang kay Mama ang lahat ng gastusin kung kaya ko namang pagtrabahuhan ang pangbaon ko.

Ilang lakad pa ang ginawa ko at nasa harapan na ako ng school namin.

Cam High University

Cam High University ang pangalan ng school namin. Isa itong kilalang public school sa buong Pilipinas. Kadalasan sa mga nag-aaral dito ay scholar.

Ayon lang ang alam ko dahil hindi naman talaga ako interesado sa mga ganitong bagay. 

"Jian! Grabe ang glow-up mo ah! Ang ganda mo sobraaaaa!"

"Uy friend! Kumusta???"

"Oh my gosh! Makikita na naman natin si Prince! Kyaaaah!!"

Sari-saring batian at chikahan ang naririnig ko habang naglalakad papasok sa school gymnasium. Doon kasi gaganapin ang ceremony. Every first day of school, may ganito talaga sa Cam High.

Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong halos mapupuno na ang gym. Naghanap na lang ako ng vacant seat sa section namin.

Pagkaupo ay naglagay na agad ako ng earphones at nagpatugtog ng kung ano-ano. Wala rin naman akong makakausap dito at wala rin namang gustong kumausap sa'kin.

Ilang minuto pa kaming naghintay at nag-umpisa na ang programa. Hindi ko pa rin tinatanggal earphones ko dahil hindi naman nila ako makikita.

Nakakabagot lang dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi ng Principal dito every year. Ano na lang kaya ang nararamdaman ng mga nasa higher year? Siguradong bagot na bagot din sila sa nangyayari.

"Again, welcome students! I hope you'll enjoy your college year! Have a nice day!" pagtatapos na anunsyo ng Principal.

Tumayo naman kami para pumalakpak. Pagkatapos ay bumaba na sa stage ang Principal kaya't pumila na rin kami para pumunta na sa kaniya-kaniyang room.

Pagkapasok sa room ay agad na kaming umupo sa kaniya kaniyang upuan dahil nandito na ang Prof namin.

First day means...

"Good morning guys! I'm Christophe Sander, 20 years old. Hope to be friends with you!" masigla at ngiting-ngiting introduce nito sa sarili. May kulay orange itong buhok na bagay naman sa kaniya. Hindi siya nagmukhang orange.

I really hate this day. Introducing yourself  sucks.

"Good morning classmates! I'm Sakura Quinto, 20 years old. Pleasure to meet you all!" introduce ng babaeng mahaba at kulay pink ang buhok. Mahinhin ang pagsasalita niya at mukhang friendly. Cute siya.

Nagpatuloy pa ang iba sa pag-iintroduce ng kanilang sarili. At dahil nasa pinakadulo akong upuan, naglagay na lang muna ako ng earphones at nangalumbaba habang nakatingin sa labas.


"People throw rocks with the things that shine..."


Ilang minuto pa ay napansin kong nakatingin na sa'kin lahat ng classmates ko. Napayuko naman ako sa hiya.

"Miss...? Its your turn, please introduce yourself infront. At sa susunod, bawal ang mag-earphone sa klase ko, understood?" masungit na sabi ng Prof namin sa'kin. Napatango naman ako sa kaniya at tumayo na para pumunta sa harap.

"I'm Lean Haru Sarmiento, pleased to meet you." maiksing sabi ko at naglakad na pabalik sa upuan ko. 

"Okay class, since first day ito, hindi na muna ako maglelecture. This is your time to know each other." anunsyo ng Prof namin tsaka naglakad palabas. Marahil ay babalik na sa faculty nila.

Napabuntong-hininga na naman ako at nakapalumbabang tumingin sa labas ng bintana. Nandito ako sa pinakadulo at tabi ng bintana nakapwesto. Nasa second floor naman ang buong second year classroom.

Ako nga pala si Lean Haru Sarmiento, 20 years old. 5'1 ang height ko at alam kong maliit iyon. H'wag n'yo na lang pansinin. Wala akong kaibigan sa buong buhay kong nag-aaral sa mundo. Hindi naman 'yon kailangan kung pagtataksilan ka lang sa huli. Ganun naman talaga kapag hindi ka na kailangan o hindi kana mapakinabangan, basta ka na lang iiwan at pagtataksilan. Kaya hindi na ako nag-abalang maghanap ng kaibigan dahil para saan pa? Ikakapahamak ko lang 'yon. Magdudulot lang ng kakaibang sakit sa'kin 'yon. Kaya mabuti pang 'wag na lang.

Ayoko nang maulit pa yung dati...

------------------------------------------------------------

Hello! Sana mag-enjoy kayo sa kwentong ito! :)) Thank you so much readers ❤

Say I Love YouWhere stories live. Discover now