Chapter 3

1 0 0
                                    

Author's note: Try kong tapusin ang story na 'to. Siguro mga ilang chapter lang para mabilis! Hahahaha! Thank you for reading and enjoying my story! Labyu <3

LEAN'S POV

Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mama'ng naghahanda ng hot chocolate at tinapay.




"Nandito ka na pala anak," nakangiti nitong sabi nang mapansin ang presensya ko.




Nagmano naman ako agad pagkalapit sa kaniya.





"Magbihis ka na sa taas para makapagmeryenda na tayo."





"Sige po, Ma. Akyat lang ako sa taas," mahinang sabi ko sa kaniya sabay tungo na sa kwarto ko.





Pagkapasok ay humiga na agad ako sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to.






Napatingin na lang ako sa kisame at tumitig doon.




"Ikaw ang pumatay sa kaniya!"




"Pinatay mo siya, Lean!"





"Please tama na! Jhake, hindi ako ang pumatay sa kaniya!"






Napapikit na lang ako at napangiti ng mapait sa biglaang sagi ng memorya sa isip ko. 




Hindi ko pa rin pala talaga nakakalimutan 'yon.






"How I wish.... "






Mapakla akong napatawa at tumayo na sa pagkakahiga.




Bago bumaba ay tinanggal ko muna ang salamin at fake bangs ko. 






Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagsuot ako nang gano'n. Basta ko na lang siya naisipang suotin matapos ang nangyari nu'ng araw na 'yon.





Nagpakawala ako ng hininga dahil sa biglang pagsikip ng aking dibdib.





Napatingin ako sa salamin at tinitigan ang sariling repleksyon.




Pantay na kilay. Mahahaba at makakapal na pilik-mata. Mapupulang pisngi. Matangos na ilong. Thin and red lips.




Napangiti ako sa nakikita.





Ang sabi ni Mama ay maganda raw ako. Gano'n naman talaga ang lahat ng Nanay 'diba? Sasabihin talagang maganda ang anak nila.






Noon naniniwala pa ako sa tuwing sasabihan ako ni Mama ng maganda. Pero nawala ang paniniwala kong 'yon ng mangyari ang araw na gusto ko nang kalimutan.






Pinilit ko siyang kalimutan. Pinilit ko silang kalimutan. Pero mukhang hindi na ata talaga mabubura ang pangyayaring iyon sa buhay ko.






"Lean anak? Tapos ka na ba? Bumaba kana dito at lalamig na ang chololate mo!" naalimpungatan ako sa sigaw ni Mama.




"Opo Ma! Bababa na po!" sigaw kong pabalik at nagmadali nang bumaba papunta sa sala.





Ganito kami ni Mama kapag maaga akong makauwi galing school. Ito ang nagsisilbi naming bonding tuwing hapon.





"Ma, bukas ay magsisimula na ako sa pinasukan kong part-time job. Malapit lang naman po siya dito. Mga ilang kanto lang ang layo sa bahay natin." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Nakita ko naman siyang napahinto sa pag-inom ng kape.





Say I Love YouWhere stories live. Discover now