Chapter 4

4 0 0
                                    

Author's note: Enjoy reading, readers! 📖 Ihanda ang kape dahil nandito na si Tope!  ☕ hahahaha charowt charowt!

CHRIS'S POV


Kasalukuyan kong hinahanap ngayon ang bff kong si Ian.



Nasaan na ba ang mokong na 'yon?!




Paano ba naman kasi, bigla na lang nawala. As in nawala na parang bula, parang siya. Bibigyan ka ng pag-asa, tapos pinapaasa ka lang pala.





Oh natamaan ka no? Syempre tanga ka e! Hahahahaha!





Pero nasaan na ba talaga ang mokong na 'yon? Ilang kanto na nalagpasan ko, ilang shops na pinasukan ko pero wala pa rin siya!





"Iniwan na ata ako ng matalik kong kaibigan. Oras na ba para maghanap ng bagong kaibigan?" Bulong-bulong ko sa sarili.






"Ahihihi, ang pogi 'no? Buti na lang at lumabas tayo bessy!" Rinig ko namang sabi ng kung sino mang nadaanan ko.





"Oo nga bessy e! Iiiiiiiih!! Ang sarap naman niyaaa! Pahawak nga ng panty ko bessy, baka nalaglag na e!" Kinikilig na sabi naman nu'ng isa.





"Umayos ka nga bessy! Ang landi mo sa part na 'yan!"





Pagkatapos marinig ang usapan ng dalawa ay taas noo akong naglakad sa harap nila at nilabas ang aking killer smile sabay kindat sa kanila. Pero nahinto ako sa ginagawa dahil sa hiya.







Hindi naman pala ako yung pinagkakaguluhan!






Ang hilig mo talagang ipahiya sarili mo 'no Tope?!




Iba pala ang pinagkakaguluhan nila. At kung sinuswerte ka nga naman ay si bespren pala ang sinisipat ng mga lovely girls.





Nilapitan ko na agad siya at baka mawala pa ulit sa paningin ko. Pagkalapit sa kaniya ay 'saka ko siya inakbayan at sinakal ang leeg.





"Huli ka tukmol! Kanina pa kita hinahanap! Saan ka ba kasi pumunta?" Sabi ko sa kaniya sabay sakal ulit sa leeg niya. Dapat lang sa kaniya 'yan 'no! Napahiya kaya ako kanina sa dalawang lovely girls.






"Aray! Aray! Ano ka ba Tope! Awat na! Hahahaha!" Natatawa naman nitong sabi sabay tapik sa braso kong nakasakal sa kaniya. Tinanggal ko naman ito at baka mapatay ko pa.






Kapag namatay 'tong mokong na 'to, for sure maraming iiyak. Sa pogi ba namang 'to? Pero syempre wala pa ring tatalo sa gwapong si Tope. *wink*





"Saan ka ba galing tukmol? Kanina pa kita hinahanap! Daig ko pa ang Nanay na naghahanap nang nawawala niyang anak." Pagmamaktol ko sa kaniya sabay irap. Napailing naman ito at tumawa na lang.







"May nakabanggaan kasi akong babae tapos nalaglag yung panyo niya kaya hinabol ko pero hindi ko na nakita." Napahawak naman ako sa bibig ko at shock na tumingin sa kaniya.






"Bakit?" Tanong niya sa'kin. Shock pa rin akong nakatingin sa kaniya. "Huy! Anong nangyari sa'yo? Mamamatay ka na ba?"






"Diyan nagsimula ang Lolo at Lola ko bespren!" sigaw ko sa kaniya. Gulat naman siyang nakatingin sa'kin sabay yuko.





Nakatingin pala lahat ng tao sa'kin. Huh! Nakakita na naman kayo ng gwapo 'no?






"Umayos ka nga Tope! Nakakahiya mga pinaggagagawa mo!" Nagpipigil na tawang sabi nito.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say I Love YouWhere stories live. Discover now