Aria was feeling miserable, which was what she expected. Eto nanaman kasi yung araw na yun. Yung anniversary.
Lagi niya sinasabi sa sarili niya na move on na siya. Na hindi niya kakalimutan, pero di na rin niya dadamdamin yung nangyari. Pero every time na nandiyan nanaman yung araw na yun, nalulungkot talaga siya.
So medyo bago, at refreshing sa kanya na this year nandiyan na si Jaron.
Oo, malungkot pa rin siya, kani-kanina lang naluluha na siya. Pero ewan ba niya, nung nakita niya si Jaron, parang gusto niya tumawa.
Para lang kasi na kahit nasan man siya, kahit anong oras man, basta kumanta siya, susulpot si Jaron. She'd only sang a few lines of her favorite song, at 'di naman kalakasan yung boses niya, and then there he was, palapit na sa kanya.
"Ria." Sabi naman niya nung nasa tapat na siya ni Aria.
Di na talaga maintindihan ni Aria kung ano ba nararamdaman niya. Parang gusto niyang tumawa, pero parang gusto niya rin umiyak. Dahil na rin sa nangyari earlier with Chyna... long story cut short, yung usual na ginagawa lang naman niya, yung pinag-iinitan siya... but still, since it's the anniversary, sobrang naglaho lang talaga lahat ng happy thoughts niya.
And it really hurts Aria, na makita na ganun na sila ni Chyna ngayon. Na ganun na siya makatingin sa kanya ngayon. Hindi ito yung first time na napag-initan or inaway siya, pero yung tingin ni Chyna sa kanya kanina... It just made her realize again how much Chyna really hated her now. And to think, they used to be the best of friends.
"Okay ka lang?" Jaron suddenly asked. Aria realized she hadn't replied to him.
"Yeah." Sinabi na lang niya. "Anong ginagawa mo dito? Wala kang klase during Wednesdays, right?" Nasa may botanical garden sila. Dun usually pumupunta si Aria since wala masyadong tao, at medyo tago yung lugar. Di lang alam ni Aria kung pano napadpad dun si Jaron.
"Yeah... well..." He said, looking sheepish. Pero di siya nag-explain.
Dun napansin ni Aria yung suot-suot niya. Elysium tee.
"Fan ka ba ng Elysium??" She asked him excitedly. Yun yung pinakafavorite niyang band. Ever. Though kung magiging honest talaga siya, she was also trying to distract herself from other thoughts.
"Hm?"
"You're wearing an Elysium shirt!" Sabi naman ni Aria.
"Oh... Yeah, I guess you could say that. Gusto ko yung songs nila." He said, smiling at her.
"I'm a big fan, too!" Sabi naman ni Aria.
"You're going to fangirl, aren't you?" Jaron suddenly asked.
"May I?" Tanong naman ni Aria habang tumatawa.
"Yeah sure." Sabi ni Jaron. Umupo siya sa tabi ni Aria, habang umiiling-iling pero nakangiti siya. He was happy he cheered her somehow. He wished he knew what happened, though. It was a good thing nakipagkita sa kanya yung tropa niya at napadaan siya dun.
Tumambay lang sila dun sa garden hanggang sa naghapon na. And all the while, napansin ni Jaron na distracted si Aria. Even nung nagfafangirl siya, or kahit pa nung nalipat na yung discussion sa iba't-iba pang bagay, pakiramdam ni Jaron medyo detached si Aria sa pag-uusap nila.
Iba rin kasi yung ring ng boses niya ngayon. Kung ikukumpara sa singing, para bang may falsetto.
Nung sinabi niya na bumalik na sila sa dorm, para ring nag-hesitate si Ria. He really wanted to ask what's the problem, but he doesn't know how. Ni hindi naman sa kanya sinabi ni Ria na meron ngang problema, naramdaman lang niya.
BINABASA MO ANG
Music Lovers (AU)
أدب الهواةGenre: Friendship, Romance, Slice of Life Rating: PG? AN: - inspired by Quest for Camelot. ^^ -Para maiba naman, serious JaDine story kung saan introvert si Nadine Lustre (as Aria Charisse Castro) na may tinatagong nakaraan at mas introvert pa si J...