"Ria?"
Medyo napatalon naman si Aria. Narealize niya na nakatayo pa rin siya sa hallway--barely clothed-- at nakatingin sa hagdan. Medyo shocked pa rin siya sa mga pangyayari.
"Anong ginagawa mo diyan at bakit basa ka?"
Tumingin naman si Aria sa Tita niya at naramdaman naman niya na nagblush ka. Kakahiya lang.
"Ah, wala po Tita Mavis. Sige po, see you na lang po sa dinner." Sinabi na lang niya ng madalian at pumasok na sa kwarto niya.
Medyo lito pa rin siya, pero tinapos na lang niya yung pagligo niya.
---
Nasara ni James yung pintuan ng kwarto niya ng medyo malakas at nagcringe siya sa tunog. Medyo sensitive kasi ang pandinig niya. But he just ignored it, and proceeded to his bed. Dumapa na lang siya at inumpog-umpog yung ulo niya dun sa unan.
"Ugh, ano bang pinaggagagawa mo, Jaron?!"
That was, hands down, his most embarrassing moment.
---
Kinatok si Aria ng Tita niya nung ready na yung dinner nila. Pagdating niya sa cafeteria, medyo marami-rami na rin pala yung tao na nandun. From what she can tell, yung mga galing sa province, mukhang maaga nang lumuwas para makapag-ayos-ayos. Tulad niya.
Umupo siya sa tabi ng Tita niya, instead of makipagkilala sa mga magiging kadorm-mates niya. Hindi naman sa ayaw niya ng bagong kaibigan, pero hindi kasi siya magaling sa forte na yun. Masyado siyang awkward.
Isa pa, namiss niya rin talaga yung tita niya. Simula pagkabata niya, iniispoil na sya nito dahil gusto niya magkaroon ng anak na babae, kaso ang binigay sa kanya, dalawang lalake.
Ngumiti naman sa kanya yung tita niya.
"Nako, Aria, dalaga ka na talaga." Sabi naman nito. "Ang ganda-ganda talaga ng pamangkin ko."
Napangiti rin si Aria. "Maganda po lahi eh." Sinabi na lang niya. Natawa naman ang Tita niya.
Kumain na sila after nun. Halfway through their dinner, napatingin naman si Aria dahil may late na dumating.
Medyo iba yung naging pakiramdam niya nung nakita niyang it was the same guy na napagkamalan niyang binobosohan siya. Nahihiya pa rin kasi siya sa whole ordeal na nangyari kanina.
Tumayo naman yung tita niya nun at sinalubong yung guy.
Hinatid nung tita niya yung guy sa isang table, tapos hinandaan na rin ng food.
Pagbalik nung tita niya, ngumiti naman ito kay Aria.
Siguro halata sa mukha niya na nagtataka siya, kasi nag-explain na lang yung Tita niya,
"Isa sa tenant dito. Bulag kasi siya, so binilin siya sa'min ng Daddy niya. Sabi naman niya 'wag na masyado mag-abala at kaylangan lang niya kabisaduhin yung building, pero medyo nag-aalala pa rin kasi ako."
Nag-nod lang si Aria tapos lumingon dun sa guy. Sa unang tingin talaga, hindi halata na bulag siya. Normal siya gumalaw, except na mukhang vacant yung mata niya---which is probably the case since wala nga siyang nakikita.
Nagulat naman si Aria nung nag-meet yung mata nila. Logically, alam niyang hindi siya nakikita nung guy, pero in a way parang biglang pakiramdam niya, bare naked siya.
Umiwas nalang siya ng tingin, kahit na sinasabi sa kanya ng utak niya na di naman niya kaylangan gawin yun.
Pero nung sumilip uli siya, naka-focus pa rin yung 'tingin'--yung mukha nung guy sa direksyon niya.

BINABASA MO ANG
Music Lovers (AU)
FanfictionGenre: Friendship, Romance, Slice of Life Rating: PG? AN: - inspired by Quest for Camelot. ^^ -Para maiba naman, serious JaDine story kung saan introvert si Nadine Lustre (as Aria Charisse Castro) na may tinatagong nakaraan at mas introvert pa si J...