"Torpe" Chapter 1: Ang Pag-uusap

177 2 1
                                    

Minsan hindi natin aakalaing nasa paligid lang yung para sa atin.

Yung kumbaga matatawag nating akin.

Sa bawat sandali at bawat oras na nasayang noong magkasama kayo.

Wala ka kasing alam na siya ay para sayo.

May ibabahagi akong kwento,

Tungkol ito sa kaibigan kong tatawagin ko sa pangalang “Elmo”.

Ito ay kwento tungkol sa kanyang napupusuang babae.

Napapangalanan ko naring “Marlene”. (hindi nila yan mga tunay na pangalan)

Si Elmo, isang simpleng lalake na walang ibang gusto kundi maging simple lang.

Yung hindi napapansin, oo may itsura pero hindi marunong pumorma.

Bago ko lang siya nakilala, sayang nga lang dahil torpe siya.

Hindi niya man maamin pero oo para sa akin torpe siya.

Kase noong araw na nagkasama sama kami ni Sonny at Elmo pagkatapos mag laro ng DOTA.

Pinag-uusapan namin yung mga nagugustuhan namin.

Nakatayo kami noon sa harap ng Mama Maria Pizzeria bandang 9:20pm noong 12-20-12

Naghihintay ng masasakyan ko pauwi hanggang umabot nalang sa 10:30pm

Kinukwento ni Sonny kung ano ang nangyayari kay Elmo kapag nakikita niya si Marlene sa school.

Ang sabi pa ni Sonny “Sasakit ang tiyan mo kakatawa kapag makita mong kiligin si Elmo.”

“Tulad noong sa calculator, (patawang sinabi ni Sonny) si Marlene yung kumuha, biglang tumalon si Elmo sa box at mangiyak ngiyak sa tuwa sa giliran ng classroom na parang nakakita ng multo na parang ewan tapos umiiyak.”

Tapos ako tawa ako ng tawa sa reaksyon dahil hindi tumutol si Elmo.

Noong nakatayo kami ng mahigit isang oras sa labas ng gusali ng MMP.

Biglang dumaan ang isang binibini na nakilala ko dahil isa siyang medic.

At biglang nag salita si Sonny “Hi Marlene!” biglang na tuliro si Elmo.

At sinabi ni Sonny na siya si Marlene ang napupusuan ni Elmo.

Nagulat ako dahil ang napupusuan niyang babae,

Ay siya ring nagugustuhan ng kaibigan ko.

Pang MMK na yung kwento nila dalawa eh,

Kaya hindi ko alam anong gagawin ko.

Hindi naman sa tinatawag kong epal,

Nauna lang talaga si Elmo magustuhan si Marlene.

At biglang dumating sa buhay ni Marlene,

Ang tatawagin ko sa pangalang “Migz”.

Sino bang hindi mapapaisip o magugulat,

Na ang matagal nang nasa signature gm ni Migz ay si Marlene.

Si Marlene na matagal nang gusto ni Elmo,

Pero ni isang text hindi man lang magawa.

Si Migz ay kaibigan ko na nagmula rin

Sa aking kinalakihang syudad.

Sa aking pagkakaalam ay,

Napupusuan niya rin si Marlene.

Hindi ko alam anong gagawin ko

Dahil pareho silang may kwento

Kwentong may simula pero

Hindi pa alam ang dulo.

Kaya sinabi ko kay Elmo,

“Mayroon siyang Migz, hindi mo ba alam? Paano na yan?”

At napatanong si Elmo kung sino si Migz.

“Huh? Sino yan? Hindi ko siya kilala o narinig man lang.”

At ang sinagot ko.

“Taga Mechanical Engineering yan,

Matagal na nga yata silang naguusap ni Migz eh”

At tumahimik nalang si Elmo na tameme.

Gusto niya pa sanang magtanong kaso hindi alam anong unang iisipin.

Saan kaya patutungo

Ang ang kanilang mga kwento.

May mabibigo ba?

May masasaktan ba?

Sana wala diba?

Kung kayo may kaibigan diba tutulungan

Niyong lumakas ang loob tulad ni Elmo?

Ang problema lang, paano kung

Sila dalawa ay kaibigan mo. :/

“Torpe” Chapter 2: Ang Mensahe

"Torpe" Chapter 1: Ang Pag-uusapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon