Chapter 9

2 1 0
                                    

~Deviana Iggy Emerson~

Isang linggo na ang nakalilipas magmula ng magperform kami sa bahay ng mga Finn. Isang linggo na ring hindi nagpapansinan sila Raquizza at ate Dems, nalulungkot ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila nauwi sa ganto kung hindi lang sana ako inatake ng hika ko edi sana hindi na sila magkakasagutan dun, at sana ay ayos pa ang pagkakaibigan namin, nahati kasi kami ngayong anim. Si Vien at Sidney ang palaging kasama ni Raquizza, sa upuan, comfort room at maging sa mga breaks at practice ng tugtog.

Habang ako at si Kadessa ang pilit na sumasama kay ate Dems pero pansin kong ilag siya samin ngayon at kung dati'y malamig ang pakikitungo ngayon ata'y triple sa lamig, para na nga akong sisipunin eh, daig pa ang mga yelo sa north pole. Gayunpaman ay nag-uusap at maayos pa rin naman ang samahan namin nila Sidney at Vien pero gaya ni Ate Dems, ilag din samin ni Kadessa si Raqui dahil siguro kami ang kasa-kasama paminsan-minsan ni ate Dems.

"Ano ba kasing nangyari kanila Demi at Raqui?" Nakalimutan ko, isang linggo na rin pa lang dito pumapasok itong si Shun and it means isang linggo niya na din akong kinukulit.

"Chismoso ka talaga! Wala lang nga yun, simpleng away kaibigan lang." Pagsisinungaling ko, dahil hindi naman talaga simpleng away yun dahil kung simpleng away magkaibigan lang yun hindi nagtatapos ang araw ng hindi din kami nagkakabating magkakaibigan but in their case now, masasabi kong nasa alanganin na talaga ang friendship nila. But I trust them, time will come they'll understand each other.

"Weh? Bakit simula nung magtransfer ako dito hindi na sila nagpapansinan hanggang ngayon and take note isang linggo na simula ng pumasok ako dito sa school nyo!" Nakangusong aniya, feeling cute hmp!

"Tss, wag mo na silang alalahanin dahil malalaki na sila at kung nag-away sila hayaan na lang muna natin para makapag-isip isip sila at magkaunawaan na!"

"O bakit parang galit ka?" nang-aasar na tanong niya.

"Eh kasi ang kulit mo! Psh!" Singhal ko sakanya at pumasok na ng room. Nakita ko si Sidney kasama si Raqui kaya naman agad akong sumenyas na tumingin siya sa cp niya dahil magtetext ako.

To: Sidney~Kidney

Wala pa si Vien?

From: Sidney~Kidney

Obviously. lol.


To: Sidney~Kidney

Hmp! Tutugtog ba si Raqui mamaya?

Dahil Monday ngayon ay may tugtog na naman kami mamaya sa beerhouse. MWFSu kasi ang schedule namin.

From: Sidney~Kidney

Yep, btw napapansin ko palagi kayo magkasama ni Shun. Is there something going on between you two?? ^O^

Namula ang pisngi ko sa nabasa. Malisyosa talaga toh! Syempre talagang ako ang sasamahan nun ako lang naman ang hindi busy eh!

To: Sidney~Kidney

Of course sakin siya sasama ako lang ang hindi busy sa atin eh. And THERE'S NOTHING GOING ON BETWEEN US!!

From: Sidney~Kidney

Nayss, capslock.

Hindi ko na siya ulit nireply-an dahil napansin kong makikiusyoso na naman si Shun sa cellphone ko. Sakto din ang dating ni Maam at Vien kasama si Kadessa, sa likod nila ay nandoon ang mga lalaki na minsan ng nakitulog sa bahay namin, I think they were Jaxz, Callum, Heinz and Dandreb.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT STARTED WITH A SONG (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon