Chapter 1

6 4 1
                                    

"Oh, san tayo ngayon nyan?" Inis na tanong ng kaibigan kong si Jaxz matapos kaming palabasin sa arcade room nitong mall. Sunday kasi ngayon kaya nakapaglagalag kaming magkakaibigan.

Pano ba naman hindi kami palalabasin? eh halos lahat ng naglalaro dun eh nakatikim ng kamao namin at ang dahilan?! KAMI na lang daw ang naglaro dun sa shooting area! Samantalang ilang oras pa lang kami dun! Kaya ayun nakipagmatigasan kami tapos nainis yung mga tao dun hanggang yun nainis na rin kami at nagkagulo na.Tsk! Kala mo naman kanila yung arcade room na yun kung makaasta, kung hindi lang ako inawat ng mga kaibigan ko baka nabugbog ko na yung mga yun eh! Lakas makabadtrip idagdag pa na kami yung napalabas dahil sabi ng mga tao dun eh nanggugulo daw kami kaya yun ang ending napalabas kami ng wala sa oras.

"Tsk! Edi saan pa ba? Kumain na lang muna tayo para mawala ang init ng ulo nyo." sagot ni Hanz ang tahimik na taga-awat at taga-pakalma saming magkakaibigan.

"Ano pa nga ba? Tara na! baka hindi ako makapigil bumalik ako dun at pagbabarilin ko yung mga yun gamit ang baril dun sa shooting area na yun!" Naiinis na sabi ko at nauna ng maglakad papunta sa kung saan.

"Uy pre! Ano kayang meron dun? Ang daming tao dun! Baka May free taste o di kaya May chicks!" pang-aagaw ng atensyon samin ni Callum,ang pinakausisero at tsismoso saming magkakaibigan.

"Baka naman mga nag-aaway na magsyota o di kaya may nag-pro-propose?" alanganing sabi ni Jaxz.

"Oo nga baka yun lang yun tara na nagugutom na ko!" sigaw ko sa mga ito at akmang aalis na kami ng may marinig na boses,hindi lang basta boses na kung ano! Mala-anghel na boses ang kumakanta!

"🎶But now the day bleeds
Into nightfall
And you're not here
To get me through it all
I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved"

Hindi ko alam kung anong nangyari o kung anong meron sa boses na yun at kusa ko na lamang naigalaw ang mga paa ko papunta sa pinagmulan ng boses na yun at hindi alintana ang pagtawag sakin ng mga kaibigan ko.

"Pre, san ka pupunta?!"

"Akala ko ba gutom kana?"

"Anong nangyari dun?"

Nakarating ako sa kumpulan ng tao kung saan nagmumula ang boses na narinig ko.Pilit akong sumiksik sa mga ito kahit na mahirap pero sadyang makapal ang kumpol ng tao kaya naman nahihirapan akong sumingit para makapunta sa harapan.

"🎶I let my guard down
And then you pulled the rug
I was getting kinda used to being someone you loved."

"Hmm, to the one who makes my day, to the one who listens to my rants and problems in my life,and to the one I l-loved the most.I sing this song for you just so you know.I hope your doing f-fine now, I hope you find your h-happiness in h-her,I hope she loves you the way you l-love her and I hope this time you'll be contented on your g-girl.I sing this song because it fits me perfectly, I'm g-getting used to be someone you l-loved so it's better to let you free same as my feelings.I think this is a g-goodbye...Xian."

Hush! Finally nakapunta rin sa harap! Now, where are you Miss?

Nilibot ko ang paningin ko sa harap at dun ko nakita ang isang videoke pero wala na ang taong kumakanta at nagsasalita dito kani-kanina lang.Crap! Nakaalis na kaya siya?

"Did you see the one who sings here a while ago?" hindi ko na napigilang magtanong sa katabi ko na mukhang naiiyak na natatae na...ewan basta!

"Oo,k-kakaalis lang huhuhu kawawa naman s-siya." bigla na lang ito ngumawa ng ngumawa hanggang sa naglakad na ito paalis habang ngumangawa kasabay ng mga nanonood rito kanina.

IT STARTED WITH A SONG (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon