Chapter 8

1 1 0
                                    

~Demmira Vein Emerson~

Nasa parking lot na ako ng mall at nagmamadaling  tinatahak ang daan kung nasan nakapark ang motor ko. Yep, may motor ako pero wala pa akong lisensya kaya hindi ko ito madalas gamitin at nakatambak lang sa garahe. Feel ko lang gamitin ngayon, ba't ba?

"D-demi! Wait lang sabi!" Sigaw nung Dandreb ba yun? Ewan.

At isa siya sa dahilan kung bakit nagmamadali ako, kanina pa siya buntot ng buntot sakin mula sa arcade room palabas ng mall.

"Hoy! Demmira Vein Emerson!" Sigaw muli nito na siyang ikinalaki ng mata ko at ikinatigil ng paa ko. At dahil dito agad siyang nakalapit sakin at hinablot ang braso ko at dahil sa gulat ay napilipit ko ang braso niya.

"Aaahh! Ouch! Tama na! Tama na!" Daing niya at natauhan naman ako bago ko siya pabalyang binitawan.

"Grabe ka ang brutal mo, para kang hindi babae..." Narinig kong bulong niya.

"Wag mo na ulit, uulitin ang mga ginawa mo kung hindi, hindi lang yan ang makukuha mo." Malamig na saad ko at lalampasan na sana ulit siya ng magsalita siya na ikinatigil ko.

"Ano bang ginawa ko?"

"Isipin mong mabuti."

"Dahil ba hinawakan kita?"

"Hindi lang yun..."

"Eh ano pa?"

"Hindi ko alam, ikaw ang gumawa kaya ikaw ang mag-isip."

"Ano nga?"

"..."

"Tang*na naman oh! Pano ko malalaman kung hindi mo sasabihin?!" Napamaang na lang ako ng makita ko ang galit at frustation sa mata niya.

"Bakit ba masyado kang interesado sakin? Pwede mo namang balewalain yung sinabi ko, o baka naman masyado kang natatakot sakin?" Napangisi ako ng tipid at nakita ko ang panlalaki ng mata niya kaya agad kong binago ang ekspresyon ko.

"N-ngumiti ka ba?! Ngumiti ka diba! Ngumiti ka! HAHAHA nakita ko ang ngiti mo!" Parang baliw na aniya at tumawa ng tumawa kaya sinamantala ko ang pagkakataon at tinulak siya paalis ng motor ko at sumampa na dun.

"Sayo yan?" Mukhang nakabawi na siya at nakapagtanong pa.

"Sasakyan ko ba 'to kung hindi akin?" Sarkastikong saad ko.

"Psh! Wala kang kwenta kausap."

Binalewala ko na siya at inistart ang motor ko. Pinaharurot ko na yun paalis ng may maalala ako. Agad akong pumreno at nagdrift paliko at humarurot pabalik sakanya. Napansin kong nandun pa din siya sa pwesto niya kanina at nakatanga lang.

Inangat ko ang shield ng helmet ko pagkahinto ko sa harap niya.

"Nakalimutan ko sabihin, wag mo na sanang ulitin yung mga ginawa mo kanina."

"A-ano ba kasi yung--"

"Una, wag na wag mong isisigaw ang pangalan ko sa pampublikong lugar... Pangalawa, wag na wag mo akong tatawagin sa kumpleto kong pangalan o kahit ang second name ko, hindi ko alam kung pano mo nalaman pero sana wag mo ng ipagsabi pa sa iba. Pangatlo, wag na wag mo akong hahawakan...Sige una na ako." Matapos kong bitiwan ang mga salitang iyon ay pinaharurot ko na ulit paalis ang motor ko.

IT STARTED WITH A SONG (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon