Chapter 14 Gusto Kita

34 4 0
                                    

Hanie's POV

Nang magising ako nagpatuloy na rin ang buhay nila pumasok na sila sa school at nagsiuwi na ang lahat sa kanya-kanyang bahay maliban sakin naiwan ako dito sa pamamahay nila Sejun simula kanina ng magising ako. Sila mama at papa iwan ko kung paano napapayag ni Sejun na dito muna ako manatili sa kanila.



Nagising akong mag-isa na lang sa kwarto kanina kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto. Ngunit nasa hall way pa lang ako ay nagpasya na akong bumalik na lang sa kwarto feeling ko kasi sasakit ang ulo ko bigla kakaisip saan ang daan palabas ng bahay na ito nalulula ako sa sobrang laki..



Maya-maya lang ay dumating na si Sejun bitbit ang isang tray ng pagkain ngumiti siya bago nagtanong

Kanina ka pa ba gising?

Hindi naman kagigising ko lang din sagot ko ano kayang nakain nito at biglang bumait. Nong mga nakaraang araw lang halos isumpa na niya ako sa sobrang galit niya ngayon naman biglang naging anghel.

Ayaw mo ba sa pagkain? Gusto mo palitan natin? Anong gusto mo? Magpapaluto ako.. Sunod-sunod na tanong niya


Huwag na! Okay na ako sa mga pagkain.

May problema ba? May masakit ba sayo Nag-aalalang tanong niya

Umiling lang ako


Ahhhhh.... Lalo akong nagulat nong akmang susubuan niya ako.. Kaya naman lalo siyang nagtaka nong nakatingin lang ako sa kanya


Okay na ba tayo? Natigil siya bigla dahil sa tanong ko

Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hanie, I'm sorry! Sorry kung nagpadala ako agad sa galit ko, sorry sa mga actions ko at sorry dahil nasaktan ka dahil sakin"

So okay na nga talaga kami

"Alam mo bang sobrang takot ko nong nalaman kong nawawala ka at kinuha ka nila Mia. Natakot ako sa pwedi niyang gawin sayo. Higit sa lahat natakot ako na baka mawala ka sakin"

dug! dug!




dug! dug!




dug! dug!


dug! dug!


My gosh yong puso ko! Di ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap.



Salamat tanging nasambit ko.



Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni Sejun ay nagsimula na akong kumain


Kumain ka ng marami nakangiting sabi niya napatingin naman ako sa kanya


Eh ba't nakatingin ka lang? Lalong lumapad yong mga ngiti niya



Wala lang, busog na ako pag nakikita kang kumakain. Napahinto ako sa pagkain at tinitigan siya


Kumain ka na sabayan mo na ako yaya ko sa kanya alam niya ba yong pakiramdam ng kumakain na may nakatingin sayo at take note parang timang na nakangiti at sasabihing busog na siya habang tinitingnan kang kumakain anong akala niya lahat ng kinakain ko sa tiyan niya napupunta


Okay na talaga ako makita lang kitang kumakain okay na ako sinamaan ko siya ng tingin


Kakain ka ba Sejun o dalawa tayong hindi kakain inis na sabi ko na ikinabigla niya at agad siyang kumuha ng kutsara at tinidor

Eto na ooh kakain na napangiti na lang ako nong nakanguso pa talaga siya habang kumakain. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na rin siya at maliligo na daw siya at mamaya daw pagbalik niya ay manonod daw kami ng movie

tok!


tok!



tok!

Ma'am Hanie pinapapunta po ako ni sir Sejun dito para ihanda ang pampaligo niyo po at ito po pala mga damit na pwedi niyo pong masuot.


Salamat, pero okay lang naman na ako na ang maghahanda ng pampaligo ko. Kaya pala siguro isip bata tong si Sejun kasi lahat dito sa bahay nila konting galaw maid na ang gumagawa


Ayy! Naku ma'am okay lang po trabaho ko po yan kaya ako na ang mag-----

I insist ako na, ako na rin ang magpapaliwanag kay Sejun nakangiti kong turan sa katulong


Sana po ma'am kayo yong makatuluyan ni sir Sejun


huuhh??? Pagkaklaro ko sa sinabi niya baka kasi nabingi lang ako


Sabi ko po ma'am ay sana kayo yong makatuluyan ni sir Sejun. Kayo po kasi yong kauna-unahang babae ang dinala niya rito



tiningna ko lang siya ng mukhang nagsasabing tapos?


Ngayon lang po namin siya nakitang ganito kasaya lumaki po kasi siyang mag-isa busy ang mama at papa nila sa pagpapalago ng negosyo nila buti na nga lang at bumalik na dito sa Pinas si ma'am Mitch para naman ay may makakasama na siya.


Nakaalis na yong katulong pero naiisip ko pa rin yong mga sinabi niya ibig sabihin lumaking malungkot si Sejun. Nakukuha  at nabibili niya nga lahat ng gusto niya pero hindi niya naman kasama lagi yong mama at papa niya. Minsan dito rin nagkakamali ang ibang mga magulang eh, yong akala nila na pag nabibigay nila ang kailangan ng mga anak nila ay okay na which is hindi nila alam na yong kalinga at presensya nila ang mas mahalaga.



Hanie!

Huh, bakit?

Anong bakit? kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako napapansin nakanguso niyang sabi habang bitbit yong laptop niya at mga junkfoods at drinks

Nginitian ko siya pasensiya na may iniisip lang ako


Sino? utak talaga ng lalaking to may iniisip lang sino na kaagad ang tanong


Iniisip ko kung




ANONG MAGANDANG MOVIE ANG PAPANOORIN NATIN! pag-iiba ko ng topic


So ayon nga pinapili niya na ako ng papanoorin namin pinili ko yong Bahu Bali The Beginning At Conclusion Indian Movie Siya

Bakit yan? react niya kaya tiningnan ko siya ng may pagtataka pinapili niya pagkatapos ngayong nakapili na ako tatanungin niya ako kung bakit ito ang napili ko utak natin boy asan? Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula ng manood ng movie


Sinamaan ko siya ng tingin hinarangan ba naman ng unan ang mukha ko agad niya namang ibinaba ang unan

Hanie sabay hablot nong kinakain kong junkfood di ko na lang pinansin at patuloy na pinapanood yong movie na excite na rin kasi ako dahil araw-araw umaakyat yong bata don sa falls ngunit di niya naaabot yong taas lagi siyang nahuhulog

Sejun ano ba? Angal ko sabay tanggal nong kamay niya. Bigla niya kasing hinarang yong kamay niya sa mukha ko

Pero bigla na lang nawala yong attention ko sa pinapanood ko at nalipat pati yong paningin ko sa kanya nong mapansin kong yong kamay kong nakahawak sa kamay niya ay ginantihan niya ng hawak at saka niya inintertwined yong mga kamay namin


Sejun mahina kong sambit at tuluyan na ngang nawala ang buong attention ko sa pinapanood namin dahil sa sinabi niya







Gusto kita Hanie!

----------++++++++++----------

Vote and Comment is Highly Appreciated ;)

Update ako this Friday :)

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon