Chapter 7 To the Rescue si President

68 6 2
                                    

Hanie's POV

Ngayon na nga yong Nutrition Month namin pagdating ko ng school dumiretso na ako sa SBO Office kasi nga diba magsusuot ako ng mascot ngayon

Oo nga pala lampas isang buwan na ang klase namin at tama nga si Josh lalambot din si Sejun hindi na ako ginugulo ng mga estudyante at hindi niya na rin ako pinapahirapan well aside dito sa mga gagawin ko kasi nakalista na kasi sa minute ng meeting nila na magsusuot ako ng mascot ngayon at magkaka concert ako sa buwan ng wika. Actually sa dami ng gagawin ko grabe ako na yata ang pinaka busy sa lahat ng estudyante sa paaralang to


Miss Hanie itong strawberry na mascot po yong susuotin niyo sabi nong isa sa mga SBO officers

Are you ready? napalingon ako nong marinig ko ang boses ni stell

Yes, Mr. Vice President natatawa kong sabi huhulaan ko ikaw nag suggest nitong strawberry na mascot nuh??

Oo ako nga kasi dapat kahit naka mascot ka maganda ka pa rin.. Nambola pa talaga si stell kahit strawberry ang mukha ng mascot na yan pareho lang yan lahat mainit sa loob

Tinulungan ako ni stell na maisuot yong mascot at inalalayan niya ako palabas ng office madali lang naman yong gagawin ko tatayo lang ako sa harap ng gate at mamimigay ng mga papel kung saan nakasulat doon yong mga benefits kapag kakain ka ng gulay at prutas. Habang yong ibang mga estudyante by year level at section busy sa pagpapaganda nong mga booth nila

Nagulat pa ako nong pagdating namin ni stell sa may gate ay may nauna ng mascot don at nakasuot ng mais.

Sino yon? tanong ko kay Stell

Si Sejun sasamahan ka raw niya mamigay ng mga papel ~ stell

Kita niyo na lumambot na si pinuno nuh.. Napangiti na lang ako habang naiisip ko yong kalagayan niya sa loob ng mascot ang init kaya

Nagbilin lang si stell na babalikan niya lang daw kami mamaya isasama niya yong tatlo para sunduin kami. Nagsimula na rin akong mamigay ng mga papel. Nong naubos na yong mga papel niya ay lumapit siya sakin at hinati yong papel na hawak ko at kinuha niya na yong kalahati

Pareho kaming naupo sa dalawang upuan na nakalaan para sa amin pagkaubos ng lahat ng mga papel na hawak namin

Salamat huh.. umpisa ko

Para saan naman? ~ sejun

sa pagsuot mo ng mais para tulungan ako nakatingin kong sabi sa kanya

Wala yon maiksi niyang sagot

Siya nga pala ba't mais suot mo? Sakin kasi strawberry kasi si stell ang pumili ehh.. Ikaw bakit mais?

Hotdog sana isusuot ko pero bawal yon kasi nutrition month kaya nag suggest si Justin na mais na lang daw at sumuporta naman yong tatlo kaya ito mais ang suot ko natawa ako nong magpaliwanag siya ang cute niya kasi para siyang batang nalulungkot kasi di nasuot yong paborito niyang damit

Ba't ka natatawa? Nakanguso niya pang tanong

Ang cute mo kasi!!! prangka kong sabi

Binola mo pa ako!

Ba't ayaw mong maniwala? tanong ko pero seryoso Sorry sabi ko ng nakatingin talaga sa mga mata niya

Matagal bago siya nakasagot ng Para saan naman?

Sorry kasi gumawa ako ng eksena during first day of school, at dahil sinuntok kita ng dalawang beses.. Medyo nahihiya ko pang sabi

Ngumiti siya sorry din for being immature. I was known as the leader of this school anak ng may-ari then hinayaan ko lang yong mga students na i bully ka kaya sorry din..

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon