Chapter 23 Pagtakas

31 3 0
                                    

Sejun's POV

:Sejun, ganito na ba talaga katigas ang ulo mo ngayon?

Ma, listen buong buhay ko sinunod ko kayo! Pati ba naman sa paaralang papasukan ko kailangan ay makialam pa rin kayo!



:How dare you say that Sejun!



Ma, sa SB19 University pa rin naman ako mag-aaral ma.. Mahinahon ko ng sagot na realize ko kasi na medyo bastos na yong pagkakasagot ko sinisigawan ko na kasi ang mama ko. Paaralan natin yon!

: Anak, gusto ko lang namang malayo ka muna sa mga kaibigan mo at sa nobya mo. Gusto kong mag focus ka sa pag-aaral mo.

Ma, hinding-hindi naging hadlang ang mga kaibigan ko at si Hanie sa pag-aaral ko. So if you don't mind I will hang up the phone now! At pinatayan ko na nga ng phone si mama. Di ko siya maintindihan simula ng ma coma si papa ay halos minamadali niya na ang pag-aaral ko para ako na daw ang mamahala sa business namin. Common guys I'm just 18 years old

*****

Hanie's POV

Hanie, andito na si Sejun! Sigaw ni mama mula sa labas kaya naman ay nagmadali na akong lumabas

Hey! Ang aga natin ahh!! Nakangiti kong bati sa kanya

Gusto na kasi kitang makita nakangiti niyang sagot

ayyyiiieee!!! Kinikilig na bulalas ko

Psstt!!! Mga bata pa kayo masiyado atupagin niyo na muna pag-aaral niyo! Panira talaga ng moment tong nanay ko

Si Sarah?

Nasa Car na~ Sejun

Wow Huh! hiyang-hiya ako kay Sarah. Kaya naman ay agad na kaming nagpaalam kay mama

Nakapag decide na ba kayo kung anong kurso ang kukunin niyo? Tanong ni Sejun habang nag b-biyahe kami papuntang school nila. Yes sa SB19 University pa rin kami mag-aaral ni Sarah since scholar pa rin naman kami. Maaga kasi yong Enrollment dito at limited lang kasi ang students na tatanggapin nila.


Teacher! Duet namin ni Sarah

Wow! Seryoso kayo talagang dalawa?

Oo, bata pa lang kasi kami ni Sarah pangarap na talaga naming maging guro. Sagot ko

Ikaw ba? Balik tanong sa kanya ni Sarah

About business! I don't have a choice yon kasi ang choice ng family ko para daw may papalit kay papa someday. Naawa akong bigla kay Sejun

Eh, kung bibigyan ka ng pagkakataon na makuha yong gusto mo na kurso anong kukunin mo?~sarah

Simple lang gusto kong maging performer ngumiti siya simple pero imposibleng mangyari. Hinawakan ko yong mga kamay niya para man lang malaman niyang naiintindihan ko yong nararamdaman niya

Okay lang yan Sejun ang mahalaga may Hanie ka! Singit bigla ni Sarah

Bumaba na kami agad ng sasakyan ni Sejun at sinalubong ang apat


Hey! Dre tumawag si tita tinatanong if magkasama ba tayo~ josh

Hayaan niyo na yon! Tara na sa Registrar's Office yaya niya samin

Let's go!! Sigaw ni jah

Palakad pa lang kami papuntang Registrar's office nong may mga Men in Black bigla ang humarang sa amin

Get out of our way! Utos ni Sejun


I'm sorry po sir Sejun pero utos po ng mama niyo na kunin kayo.. Sabi nong parang leader nila

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon