ABBIE

1 0 0
                                    


Andito na akooooooo! Andito na akooooo! Sigaw ni Abbie mula sa kanyang kinatatayuan na tanaw ang buhay na buhay na mga ilaw mula sa city ng Seoul ng gabing iyon. Malamig ang hangin ng humahampas sa kanyang buong katawan pero hindi niya ito iniinda. Andito na akoooooo! Isa pang sigaw ni Abbie. Unti-unting tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Andito na akoo mahina niyang sabi. Lalong lumakas ang daloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Napaupo si Abbie sa pagkakatayo habang umiiyak. Mag limang taon na din simula ng magtrabaho siya sa Korea. Matapos na maexpire ang kanyang visa ay nag-tago na si Abbie sa kagustuhan niyang patuloy matulungan ang pamilya sa Pilipinas. Kung ano-anong trabaho pinasukan niya para lang masustentuhan ang pamilya. Kung noon ay pangarap niya manirahan dito ang gusto na lang niya ngayon ay makauwi sa Pilipinas. At ngayong araw ay kaarawan niya na pagdesisyunan niyang pumunta sa World Cup park. Bago pa ito dumating sa park ay naubos na niya ang dalang beer sa daan. Nahihilo man ay narating niya ang park sa kagustuhan na din makita ang overlooking view nito ng Seoul sa gabi.

Napatigil ito sa pagiyak ng maramdaman ang pagvibrate ng phone. Malabo man ang paningin dahil sa mga luha nabasa niya ang pangalan rumehistro sa kanyang telepono.

Hello Ma, aniya. "Opo, nagcelebrate ako dito kasama ang mga kaibigan ko. Nakainom lang po ako ng konti pero okay po ako. Pauwi na po kami. Sige Ma, message ko na lang kayo. Bye!" Sabay pindot ng end call button sa telepono.

Binaba na niya ang kanyang telepono at kinuha ang panyo mula sa bulsa ng kanyang pantalon upang punasan ang mga luha. Tinanaw niya ulit ang nag-gagandahang ilaw sa Seoul.

Napabuntong hininga siya at tumayo na sa pagkakaupo. Naalala niya may pasok pa siya bukas ng maaga.

Kahit hilo sa kalasingan ay pilit niyang tumayo at maglakad. Naalala niyang naka limang in can din siya ng beer bago makarating sa Park na mabilis din niyang pinagsisihan dahil alam niyang madali siya malasing.

Dahil sa sobrang hilo ay nabangga nito ang lalake sa kanyang unahan. Meron itong sinasabi pero hindi niya ito maintindihan dahil sa sobrang kalasingan pero sigurado siya korean ito at sa tono ng boses nito ay hindi ito natuwa sa kanyang nagawa.

I'm sorry sir I didn't mean to aniya.

Wala siya sa kondisyon para isipin ang sasabihin sa salitang Hangeul. Sana lang marunong umintindi ng ingles ang Korean ng kaharap niya.

Napayuko si Abbie sa kanyang kinatatayuan dahil sa sobrang hilo. Nakatingin siya sa sapatos ng lalaki sa harapan niya.

Nang bigla siya nitong kinuwelyuhan pero bigla din itong napahinto sa pagsasalita.

May narinig siyang boses ng lalaki korean din ito pero dahil sa sinabi nito napahinto ang lalaki sa kanyang harapan at bumitaw sa pagkakakwelyo sa kanya.

Napangiti siya sa pagkakaisip na baka pulis ang lalaki na nagsasalita pero unti-unti din nawala ang ngiti sa kanyang labi ng maalala ang kanyang visa. Mabilis niyang sabi "I'm okay there's nothing to worry about sir. Thank you, I should be on my way." Biglang tumalikod at lumakad ng mabilis masama man ang pakiramdam ay hindi ito tumigil sa paglalakad hanggang makalayo sa dalawang lalaki.

Nang matanaw na niya ang bus stop ay unti-unti na niyang binagalan ang paglalakad. Masakit na ang kanyang ulo at ng makaramdam na masusuka siya ay dali-dali itong lumapit sa trash can at sumuka.

Iniangat niya ang kanyang mukha mula sa trash can at kinuha ang panyo mula sa kanyang bulsa para punasan ang bibig. Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa bus stop. Nang marating niya ito ay umupo siya sa upuan at ipinikit ang mga mata. Nararamdaman niya ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mukha na bahagyang nag-paganda ng kanyang pakiramdam.

My Korean Love StoryWhere stories live. Discover now