Prologue

43 2 3
                                    

Date: December 30, 2020
Draft: January 15, 2021

Published: January 07, 2022


When I Met Mr. Bad Boy (Completed)

When I Met Mr. C (Completed)

Abide In There Until Tomorrow (Starts Now) 12/01/21 - 12:00 AM

Maginhawa sa pandinig, malinis sa paningin, at masarap sa pakiramdam na makitang nag-uunahan ang mga tao na makapili at makabili ng mga pinaghirapan ko.

Pinaghirapan na inakala ko'y hindi na masusuklian. Na inakala ko'y walang saysay. Na inakala kong hanggang doon na lang. Ngunit totoo nga pala na kapag patuloy ka lang na nagtitiwala, lahat ng paghihirap ay may kapalit.

Totoo nga pala na ayos lang na mawalan ng tiwala ang ibang tao sa 'yo, pero huwag na huwag mong kalilimutan na magtiwala sa sarili mo. Totoo nga pala na kahit ilang tao pa ang mawala sa 'yo, hinding-hindi ka iiwan ng sarili mo. Totoo pala na kahit ilang beses ka nang nadapa, parating may isang tao na pipilitin kang itayo at isama sa pagtaas.

May isang tao na kailanman ay hinding-hindi mababawasan ang tiwala sa iyo. May isang tao na parati kang tutulungan sa lahat. May isang tao na hindi magsasawa na intindihin ang magulo mong pagkatao. Parating may isang tao na kasama mo sa bawat hakbang ng buhay mo. Parating may isang tao na kasama mo sa bawat pahina ng kwento mo. Ngunit paano kung 'yung isang tao na 'yun ay bigla nalang naglaho na parang bula? Paano kung bigla na lang siyang naglakbay patungo sa ibang direksyon kagaya ng hangin?

Paano ka? Paano ako? Mariin akong napapikit at pinigilan ang sarili na maiyak. Pero tila walang pagbabago ang lahat. Tuluyang pumatak ang mga luha ko. Tuluyan na naman akong pinagtaksilan ng sarili ko.

Mabilis ko iyong pinahiran at hindi na hinintay na may makakita sa sitwasyon ko. Sandali akong nanatiling nakatayo sa harap ng isang resto bago tumuloy sa loob.

Ngiti at bati ng mga staff ang bumubungad sa akin habang papalapit ako nang papalapit. Ang iba naman ay may kasama pa na pag-tungo bilang pagpapakita ng respeto.

Nakangiti kong minasdan ang mahabang pila ng mga tao sa hanay ng mga cakes. Sa kabila naman ay ang mga pagkain na pang-almusal.

Maging sa pagpasok ko sa kitchen ay hindi nawawala ang ngiti ko. Pero kahit nakangiti ako, alam kong may mali. Alam kong may kulang. Alam ko na kahit ano pa ang tagumpay na makuha ko ngayon, parati akong bumabalik sa kung ano ang naiwala ko noon. Sa kung ano ang nabitawan at napabayaan ko noon.

Siguro nga ay ganito ang pakiramdam nang may napabayaan. Parating mabigat sa kalooban at hindi ka tinatakasan ng konsensya. Hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ko dadalhin ang ganitong pakiramdam. Galit sa sarili at kasabay niyon ay ang panghihinayang sa lahat.

Panghihinayang sa lahat ng alaala. Sa lahat ng pagsasama. Panghihinayang na sana ay hindi ko nararamdaman. Nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit kailangan kong maramdaman ang ganitong bagay, kung sapul naman na ako ang may pagkakamali. Kung ako naman ang tumapos ng lahat.

Tinapos na sana ay hindi ko nalang ginawa. Alam ko at malinaw sa akin ang lahat noong mga panahon na iyon, pero mas pinili ko na manatiling hindi tumakbo sa karera. Mas pinili kong manatili sa umpisa, na imbes ay tunguin ang finish line.

Naroroon na ako, malinaw ang lahat. Pero mas pinili ko na manatili sa bagay na mayroon ako. Mas pinili ko ang letra A na mali, kesa sa letrang B na tama.

"Ang daming customers, nakakatuwa."

Nakangiti kong tiningnan ang isa kong tauhan nang magsalita siya. Kitang-kita naman sa mata niya, dahil pati iyon ay mababatid ang saya. Ako rin naman ay masaya, pero may parte sa akin na hindi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung kailan dapat magsaya ay doon naman hindi sumasang-ayon ang puso ko.

"Ano po'ng plano mo, Ma'am?"

Napaisip ako dahil sa tanong na iyon. Kung nababasa niya lang ang isip ko, malalaman niya na wala akong plano. Malalaman niya na hindi ako sigurado sa lahat. Lahat naman kasi ng 'to ay wala sa plano. Oo, plano ko at nakasulat na sa pagkatao ko na magiging matagumpay ako, pero lahat ng 'to ay hindi ko naisip. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na magiging matagumpay ako sa buhay dahil wala akong alam pagdating sa paghahawak ng mga ganitong negosyo. Hindi rin kailanman pumasok sa isip ko na matapos ang lahat-lahat ng pagsubok at makuha ko ang para sa akin.

Dahil kilala ko ang sarili ko. Hindi ako marunong mag-desisyon simula pa lang. Kaya nga kahit mayabang ang dating sa iba, aminado ako na proud ako sa sarili ko. Bakit? Sino ba ang hindi magiging proud kapag nakuha mo na ang gusto mo? Hindi ba't wala naman.

Pero kagaya nga ng sinabi ko, kahit ano at ilang tagumpay pa ang makuha ko, parati akong bumabalik sa kung ano ang iniwanan ko. Nakakatanga, pero iyon ang totoo. Sino ang mag-aakala na may narating ka na sa buhay, pero binabalik-balikan mo pa rin ang bagay na ikaw mismo ang nagbitaw.

"Ngayon po ang delivery ng mga books, ma'am."

Nakangiti kong nilingon ang staff ko nang sumulpot siya sa harapan ko nang nakangiti. Tumango lang ako bilang tugon, at minasdan siyang lisanin ang opisina ko.

Pero para na naman akong tanga dahil nang maka-alis siya ay doon lumabas lahat ng lungkot ko. Mabilis na naglaho ang ngiti ko, at maging ang mga mata ko ay sumabay sa lungkot niyon.

Bumuntong-hininga ako bago tinatamad na inabot ang telepono ko. I-o-open ko na sana iyon nang makarinig naman ako ng katok. Muli akong ngumiti nang makita na isa iyon sa mga customer. May sinabi lang siya, at nang maka-alis ay kaagad na naglaho ang ngiti ko.

Kinuha ko na lang ulit 'yung cellphone ko at in-open kaagad ang Facebook account ko. Awtomatiko akong napangiti nang lumabas sa newsfeed ko ang group photo ng batch-mate ko noon. Litrato iyon noong mga highschool students pa lamang kami. Masaya at kumpleto ang magkakaibigan.

Lalo pa akong napangiti nang makita ang dalawa kong matalik na kaibigan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot dahil nami-miss ko na sila.

Nawala lang ang ngiti na iyon nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na mukha. Umalis na ako kaagad sa Facebook dahil aayaw ko na magkanda-iyak lang ako rito.

Pero namalayan ko na lang na nakangiti na ang labi ko nang may lungkot sa mga mata habang nakatingin sa litrato niya. Pormal siyang nakatindig sa litrato, na maging sa suot niyang attire ay napaka-pormal niya. Mapait akong ngumiti, at namalayan ko na lang na pumatak na ang luha ko sa screen ng telepono. Kaagad kong pinunasan ang mata ko at huminga nang malalim.

Masaya ako para sa 'yo.

Ako kaya, kailan ako magiging masaya para sa sarili ko?
-
Date: January 15, 2021; 11:57 PM

Abide In There Until TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon