Chapter 19

6 2 0
                                    

"Una na kami, pre. Magpapahinga na si Shani, eh."

Nakita ko nang hilahin ni Cally si Kier nang kaunti palayo sa amin bago mag-usap nang tahimik. Napatingin ako kina Zairielle pero hindi nila iyon napansin. They look so serious having a conversation with each other. Binaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay at doon nagtuon.

Napatitig ako kay Adi na hanggang ngayon ay hindi kumikibo sa pagkakataob niya sa gilid ng hinihigaan ni Audrey. Tuloy ay napaisip ako kung ano ba ang nangyari nang magkahiwa-hiwalay kami. Kahit nga ang mismong nangyari sa akin ay hindi na ganoon kalinaw. Basta ang alam ko lamang ay nagmulat ako na kasama na si Kier. Bumaling ako kay Zairielle at sandali lamang akong nakatitig sa kanya ay naramdaman na niya iyon at tumingin pabalik.

"Why? Do you feel anything?" Hinawakan niya agad ang kamay ko. Nang umiling ako ay napabuga siya ng hangin at nakahinga nang maluwag. "What is it?"

While listening to her, unti-unti ring nag-sink in sa akin ang mga nangyari. But the fact na kahit sinasabi na niya ay hindi ito nabubuo sa isipan ko. Pilit kong pinapasok at binubuo sa isipan ko pero nahihirapan lamang ako. Sandali akong mapapatitig sa kung saan at mamaya ay hindi ko na namamalayan na lumalayo na ang sinasabi ni Zairielle sa akin. Naliligaw lang ang isipan ko at muling maiiwan sa isang pangyayari.

"Zen zen?"

Nawala ako sa sariling isipan nang marinig ko ang pangalan ko. I looked at Kier and saw him smiling at me. Sa lambing ng ngiti niya ay hindi ko na alam kung maiisip ko pa rin ang mga nangyari sa akin kanina. Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay. I stared at that for a moment before looking at Zai again. Nang tanguan niya ako ay saka ko lang ulit naramdaman na legal pala, na pwede pala. Hindi naman pala mali.

"Tita, Dad's already home. He's been calling me na for an hour." Sabay-sabay kaming napatingin kay Zach na kagagaling lang ng hallway. "Everything is already settled."

"Oh, okay... Did you explain to him? He would be in shock if he knew." Kumapit agad si Zairielle sa braso ni Zach. "I'm sorry, guys. I'm with my baby kasi, her mom would kill me if she knew what happened."

Napatawa kami nang maisip ang magiging reaction ni ate Zairene at tita Zarina. Ate Zairene is literally an OA human being talaga. I still remember nung nandito pa siya sa Philippines and we were just 4th year high school students. Palagi niya kaming pinauuwi nang maaga kapag may galaan kami ni Zairielle. Tita Zarina never been strict to Zairielle, at kung tutuusin ay mas mahigpit pa si ate Zairene. Kung minsan nga ay kapag yayayain namin si Zairielle ay pinatatambay na lang niya kami sa bahay nila para hindi na lumayo si Zai. Kaya buong magba-barkada ang kilala niya hindi lamang kaming dalawa ni Rheezelle.

"Is your car already fixed?" Narinig kong tanong ni Zai habang naglalakad sila palayo. "We are so done."

"Yep, kuya Rei called someone to fix our car--- and kuya Adi and ate Shani's too. I am now thinking about Mom's reaction if she knew I'd go home now." Narinig ko ang tawa niya for the first time. "For sure, Dad is already talking to her."

"Hayaan mo na, ako na lang ang kakausap." Hinele niya ang ulo niya sa balikat ni Zach. "Let's eat muna."

Nagkatinginan kami ni Kier at sabay na natawa. Nagpaalam muna kami kina Rheezelle at Cally bago umalis. Nag-guilty nga ako dahil maiiwan sila rito pero Cally assured us na okay lang naman dahil pupunta mamaya sina kuya Nathan at ate Maddy. Napapaisip pa rin ako sa situation ni Audrey dahil sa pagkakaalam ko ay malalim talaga ang sugat niya because of the knife that used.

"'Wag mo na munang isipin 'yun." Inakbayan ako ni Kier at inilapit nang kaunti sa kanya. "Pupunta naman sila mamaya, eh. Papalitan ang pagbabantay ni Adi. At tsaka magdadala ako ng pagkain nila mamaya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abide In There Until TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon