Chapter 1

8 2 0
                                    

July 8, 2021
-

"May k'wento ako. Deretso tayo sa cafeteria?"

Nakasunod lang ako sa kanya habang nag-iisip ng maaari kong maidugsong doon sa naputol na kabanata kanina. Well, I already thought some scenes na. But I am not satisfied. So now, even I'm already at school, hindi school works ang iniisip ko kun'di 'yong mga magagandang scenes.

Hindi ko namalayan ang paglapag niya ng pagkain sa mesa namin, also drinks, syempre. Naagaw lang niya ang atensyon ko nang mapansin ko na sobrang lawak ng ngiti niya. As in! Winasiwas ko ang iniisip ko at seryosong tumingin sa kanya. Kumuha ako ng slice ng pizza at mapanuring kinagat 'yon.

I shook my head when I realized something. Well, naisip ko lang naman na kaya bakit siya masaya ngayon ay tungkol doon sa girl niya. If ever, gusto ko nang marinig 'yon.

"So, what is it?" Nangingiti kong tanong. Kumagat ako sa pizza at ibinalik iyon sa pwesto nito. "You're so happy, huh?! What is it?"

"Sinagot na niya 'ko!"

Nanlaki ang mga mata ko at sandaling natulala sa kanya. Maya-maya lang ay dahan-dahan na akong ngumiti. Lumagok ako ng drink ko at sinenyasan siya na mag-kwento.

That's why he's so happy! I knew it. Napansin ko na 'yon kahapon no'ng pumunta siya sa bahay. Napansin ko na rin na madalas matuon ang atensyon niya sa phone. Okay, that's why naman pala. I am happy for him! It's been 2 or 3 months, I think? Simula nang ligawan niya 'yong babaeng 'yon, his crush for short. And I didn't expect na dadating pala sa ganito.

"You're so lucky, huh?" I smirked. "Ano'ng gayuma ang ginamit mo?"

"Grabe ka naman sa 'kin." Nag-akma siyang nasaktan. Kalaunan ay nangiti rin. "Hindi ko rin alam. Baka naisip niya na sayang kung hindi niya 'ko sasagutin."

"Ang kapal ng mukha mo!" Lumagapak ako ng tawa. "Eat this, eat this. Padaan nang padaan ang araw, pakapal nang pakapal ang mukha mo."

"Naiinggit ka lang, eh." Ngumuso siya. "Sabihin mo na kasi sa 'kin 'yong crush mo para matulungan kita."

"What? I'm choosy! Wala rito 'yong gusto ko." Inismingan ko siya. "To be honest, wala pa akong nakikita. Masyadong mataas ang standards ko sa lalaki..." Bulong ko na siyang ikinatawa niya.

"Choice mo naman... Pero crush pa lang naman, eh... Ayos na 'yon!" Sagot niya. Kinuha niya 'yong isang slice pa ng pizza at kumagat doon. "Paghanga lang, gano'n."

"Better na kahit crush pa lang may standard ka na sa isang tao!" Sagot ko sa kanya na siyang ikinaisip niya saglit. "Sabi nga, 'di ba? Sa crush nagsisimula ang lahat? So kung sa crush pa lang wala ka nang standard, paano pa kapag gusto-gusto na? Gano'n? 'Di ba?"

"Sabagay."

I don't care kung choosy ako. Para naman sa 'kin 'yon. Maayos ang buhay ko. May kaibigan akong lalaki na sobrang maalaga sa akin. Lamang din naman ang ayos ng mindset ko. So kung pipiliin kong bumagsak sa maling tao, sayang lahat kung ano ang meron ako.

And also like what I said, that's for myself. Sabi nga kuno, nakadepende sa tao ang magiging takbo ng buhay nila. So... kung ano ang pipiliin ko ngayon, iyon ang labas ng buhay ko bukas.

High standards on person, man, woman is not a problem. Minsan nga, kapag wala ka talagang makitang matino at tamang tao, pinipili mo na lang maging mag-isa sa buhay, 'di ba? Life is a choice. And if you want a better life, then choose the best decision. 'Yun lang.

"Dorrence! Ebeb mo nandito!"

Napatingin ako sa may entrance at nakita na nando'n nga siya. Ang paningin niya ay gumagala sa kalooban ng cafeteria. Medyo matamlay siya. Pero nang magtama ang tingin namin ay gano'n na lang ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Nang kumaway ako ay ngumiti siya pabalik.

Abide In There Until TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon