Chapter 15

8 1 0
                                    

tw: if you can't read heavy scenes, you can skip this part, ty! :)


"Are you guys really sure about this? Hindi na ba magbabago ang isip ninyo?"

Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Parang pumitik lang ako and we're already here. I still can't process everything but I can't do anything about it. Tumigil na ako sa pagtatanong dahil sa pagod. At tumigil na rin muna ang parents ko sa pangungulit sa akin. They know me, alam nilang magmamatigas lamang ako kahit suyuin nang suyuin.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Dad looked at me with frustration. Parang pagod na pagod na siyang magpaliwanag sa akin. "Anak, kahit bigyan mo pa ako ng mga kondisyones ngayon ay hindi. Kaya kunin mo na lang ang mga gamit mo para makaalis na tayo."

I just made a face and grabbed my things. Pinauna akong pumasok ni Daddy bago siya sumunod kay Mommy. The guard welcomed us and gestured to us sa dadaanan namin. Habang papalapit kami ay sumasama lamang lalo ang loob ko.

Wala na akong nagawa nang dumating ang oras para sa flight namin. Kahit napipilitan ay sumusunod lang ako sa kanila. Dahil wala naman talaga akong magagawa. After all, nagtitiwala naman ako.

While on the plane, wala akong ibang inisip kung ano ang magiging takbo ng buhay ko sa France. I just thought na panibagong adjustments na naman ito para sa akin. But then, saka ko lang din naisip na nasanay na rin naman ako.

Katumbas ng tagal ng biyahe ay ang dami ng iniisip ko. Halo-halo at samu't-saring palaisipin. Hindi magiging madali para sa akin na tanggapin ang biglaang pangyayari pero wala akong ibang magagawa kundi tanggapin lahat ng 'yon. I'm not a fighter though, kaya bakit ko lalabanan ang sitwasyon na hindi kayang kontrolin ng mga kamay at isipan ko.

The first week of my life in France was not that good. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa rami ng tao na naiisip ko. Paikot-ikot na palaisipin tungkol sa mga nangyari sa akin sa Pilipinas. It's just, I'm having a so much hard time to accept what just happened.

Sa bilis ng pangyayari ay nagpasukan na. In-enroll ako sa eskwelahan na masusuportahan ang kurso na aking kinuha noong 1st and 2nd year ko sa Pilipinas. Dad is always coming with me every time na may aasikasuhin sa school. On the other hand, mom, she's still working. Nakakapagtaka lang at mas dumalas ang pag-alis-alis niya ngayong nandito na kami.

Nang sumunod na mga buwan, nakakapag-adjust na ako kahit papaano pero still having breakdowns sometimes. Lalo na kapag nami-miss ko ang mga kaibigan ko. Mas dumalang ang pag-uusap namin dahil nagpalit na rin ako ng account, and didn't add them.

"Congratulations, Sziameinika! Let's have dinner later?"

Sa bilis ng panahon ay nakapag-recognition na ulit ako. As usual, I received an award again. Hindi na ganoon ka-big deal sa akin dahil pakiramdam ko ay normal na pagkakataon na lamang siya. But then, hindi ko naman nakakalimutan na batiin ang sarili ko sa t'wing nakakakuha ako ng ganitong klase ng mga bagay.

"I'll wait for you!"

Akala ko ay hindi na ako makakakilala pa ng makakasama. But Anais came and became my partner in anything. She's a Filipina too pero half Japanese because of his Dad. Dito na siya nag-aaral since 1st year dahil malaki rin daw ang suporta ng gobyerno sa ganitong klase ng mga kurso.

Nag-dinner kami sa isang restaurant na kilalang-kilala rito. Siya ang nag-isip ng place since siya naman ang mas danas. By the next day, nag-shopping kami ng kauntian since "bakasyon" na raw naman. Maganda siyang kasama at nakuha niya rin ang kauntiang vibes ni Rheezelle that's why nagkasundo at naging komportable rin kami sa isa't isa.

"Mom, my prom's..." Natigilan ako when I saw her staring at something, nakahawak pa sa dibdib niya. "Are you good?"

"Ha?" Nagugulat siyang napatingin sa akin. "I'm just tired, anak. Itutulog ko lang 'to."

Abide In There Until TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon