2 - Creepy !

46 2 0
                                    

(MARSHA'S POV)

Pagkatapos nang huli naming pagkikita nung weird guy na yun ay hindi ko na sya nakita pa, na ipinag pasalamat ko naman sa lahat ng mga santo.

Anyways, simula rin nung araw na yon lagi na akong kinukulit ng mga kaibigan ko. Lagi nilang sinasabi na gwapo daw si john patrick ,bakit hindi ko daw ayain mamasyal o kaibiganin , sa ayaw ko nga eh! Ang dami nilang kaek-ekan sa buhay eh. And speaking of the devils. (-_-")

"Hi bhestie ! Kamusta ang weekend mo ? Nakita mo ba ulit siya ? Nakausap ? Ano ? Kwento ka naman dyan ! " sabi ni joyce, na napakaingay. Napailing na lang ako sa mga pinag sasabi nya.

"Wala akong dapat ikwento kasi hindi ko sya nakita at ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi ko sya kilala at wala akong balak na makipagkilala sa kanya !" grrr.. ang kukulit eh ! Ano bang meron dun sa lalaking yun at nagkakaganito itong mga to ?!

"Bhestie, chill ! Gusto lang namin magkaroon ka ng kaibigang lalaki para may mag tatanggol sayo pag wala kami, diba bhestie's ?" sabi naman ni vans, tumango tango naman yung dalawa.

"Ang sabihin nyo, gusto nyo lang ako magkaroon ng 'ka-ibig-an' na lalaki para magka boyfriend na ko.tsss.." totoo naman eh, ayaw lang nila aminin. Gusto nila ako magka boyfriend kasi para nga daw may mag tanggol sakin at ayaw daw nila akong maging sultera. Bwisit na mga to, ginawa pang dahilan yun. (=_=")

"Okay.... relax na bhestie .. hindi ka na namin aasarin .. umupo ka na lang dahil nandyan na si mam." Buti naman at titigilan na ako ng mga ito, nakakairita din no!

~~~

Buong araw na namang boring. Wag na kayong mabigla,ganyan talaga ako katamad mag-aral. Himala na nga lang na may naisasagot pa ko sa mga exam namin eh.(stock knowledge daw)

Naglalakad na ko pauwi ng may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko. As in hindi tawag sigaw talaga, tss nakakahiya naman. Liningon ko na lang kung sino para magtigil na ..

(O_O")

(--_--)

(=_=)

nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad. Kung tinatanong nyo kung bakit hindi ako tumigil at hindi na hinintay yung tumatawag sakin , ay wag nyo ng hilingin kasi wala akong balak makipag usap sa weirdo na to no. Tama, sya nga. Ang feeling close na si john patrick.

"MM, wait! Bakit hindi mo man lang ako hinintay ? Hindi mo ba narinig yung tawag ko sayo?" arrrgh ! Nakakabwisit na talaga tong lalaking to !

"Yun na nga yung dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa paglalakad eh ! Kasi ikaw yung tumatawag ! (=_=")"

"Haha ,you're so cute when you're pissed ! So, pwede ba kitang ihatid sa bahay nyo ? (^-^)" hwaaaat ?! Aba ! Ang bwisit hindi man lang marunong makiramdam ? At nagawa pang matuwa sa halip na mahiya sa sinabi ko ?!

"Manhid ka ba ?! Hindi ka man lang ba makaramdam ng kahit konti ,na hindi kita gustong makita at makausap ?! Nakakainis ka na ahh !" Nawala yung tuwa sa mukha nya , pero ngumiti sya ng malungkot. Ano namang drama ng lalaking to ?

" Ikaw ba Marsha Marijoy Villa? Hindi ka ba manhid katulad ko? Sa pagkakaalam ko, hindi lang ako yung manhid dito. Kaya wag mo ko masyadong husgahan, dahil hindi mo pa ako kilala. Pero ako ? Kilala na kita, hindi mo pa ako nakikita." At tumalikod na sya pag kasabi nya nun. Ang weird talaga nung lalaking yun. Pero naguluhan ako sa mga sinabi nya, haist ! Makauwi na nga lang sa bahay, ang dami na namang assignment. Hindi na sila naawa, buti pa si Mam Phoebe naiintindihan nya na nahihirapan din kami! (dramaness, naisingit pa si mam! Haha xP)

~~~

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng assignments ko, naalala ko yung sinabi nung weird guy na yun.

" Ikaw ba Marsha Marijoy Villa? Hindi ka ba manhid katulad ko? Sa pagkakaalam ko, hindi lang ako yung manhid dito. Kaya wag mo ko masyadong husgahan, dahil hindi mo pa ako kilala. Pero ako ? Kilala na kita, hindi mo pa ako nakikita."

Grabe ano bang pinag sasabi nung lalaking yun ? At bakit nya alam ang buo kong pangalan? Totoo kaya yung sinabi nyang kilala nya na ako bago ko pa man siya makita ? Haaay ! Ewan ! Baka nasasapian lang yung lalaking yun ! Geeez !


Creepy !

--------------------

Guy's sorry kung medyo matagal ang update .. I mean .. matagal talaga , malapit na kasi ang finals. Kaya hapit sa oras, bawi bawi na lang po pag may time. :)

(Sana may nagbabasa,kahit corny) xP

A Sudden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon