4 - You've got to be kidding me ?!

17 0 0
                                    

( Marsha's POV )

Lunes ngayon at mamaya pang alas-diyes ang pasok ko. Kakauwi ko lang dito sa boarding house ko galing sa Mindoro. Kinailangan ko kasing bantayan si mama, dapat absent ako ngayon pero sabi ni tita na siya na raw muna ang magbabantay kay mama habang pumapasok ako. Sayang daw kasi yung araw na iaabsent ko, baka daw bumaba ang grades ko.

Nung mga 8 o'clock na, nag ayos nako ng mga gamit ko para hindi ako malate sa pag pasok kahit pagod pa ako galing sa biyahe.

~~~

Naglalakad na ako papasok ng gate ng school nang mapansin ko sina bhestie.

"MM !" tawag nila habang papalapit ako sa kanila. Akala mo naman ang layo ko.

"Oh ? Ang aga-aga sumisigaw kayo."

"Ito naman! Namiss ka lang namin eh! Ayy, oo nga pala nabalitaan namin yung nangyari kay tita! Kamusta na sya ?" Nagsimula na ulit akong mag lakad bago ako sumagot sa tanong nya.

"Okay na naman si mama, kailangan na lang nang konting pahinga at pag iingat na rin kasi may sakit pala sya sa puso. Nag aalala nga ako eh, andami naming problema ngayon. Buti na lang andun si tita para alagaan si mama." Malungkot kong sagot.

"Haaay ! Sya, tama na ang drama. Mamaya na natin ituloy yan at baka malate pa tayo sa klase." sabi ni joyce kaya nagmadali na kaming maglakad.

--------------------------------------------------

"MM , tara na sa canteen. Break naman natin eh, bilis !"  -Vans

"Kayo na lang, hindi pa ko nagugutom eh."

"Tingnan mo to, ikaw talaga. Para namang hindi ka namin kilala. Alam naming gutom ka na kaya halika na at ililibre ka na namin." -joyce

"Hayst, sige na tumayo ka na dyan at gutom na rin kami. Sige ka, alam mo naman ang nangyayari kapag gutom kami." -panakot sakin ni tine , kaya tumayo na rin ako kesa kung ano pang gawin ng mga baliw na to.

"Oo na, panalo na kayo. Tara na at baka malate tayo sa susunod na klase natin." At tuwang tuwa sila nung mapapayag nila ako ,mga baliw talaga. Kaya mahal ko tong mga to eh, pag malungkot ang isa gagawa at gagawa ng paraan para mapasaya lang yun.

---------------------------------------------------

Habang kumakain kami, may bigla namang umupo sa tabi ko.

" Hi, long time no see. Siguro naman kilala nyo pa ako diba? Haha" -sabi ni weirdo, oo andito na naman tong weird guy na'to.

"Waaaahh ! John Patriiiicckk !!! Kamusta ka na? Andito ka ba para ayain si bhestie makipag-date?! Hihihi" kilig na tanong ni vans. Sa aming magkakaibigan sya talaga ang hindi ko maintindihan ang ugali. Tss.

"Bhestie tumigil ka nga! Mahiya ka nga sa sinasabi mo ! Tss.. At ikaw !! *pagbaling ko kay patrick* Ano bang kailangan mo at nandito ka na naman? Di ka pa rin ba nagsasawa ??" Inis kong sabi sa kanilang dalawa. Andami ko na ngang iniisip eh, dadagdag pa silang dalawa.

"Bhestie naman, bakit ka ba nagagalit ? Gusto ka lang naman namin sumaya eh." - sabi ni joyce, sa kanilang tatlo, siya yung pinakamatured mag-isip pero medyo nahahawaan na sya nitong dalawa. Hiiisshh

"Hindi naman ako galit eh, ayoko lang naman kasing ipagpilitan ang ayaw ko kasi hindi rin ako magiging masaya. At isa pa, madami akong inaalala na mas importante pa sa bagay na iniisip nyo. At alam nyo naman kung ano yun." Malumanay pero may inis na sagot ko sa kanila.

Marami talaga akong dapat unahing alalahanin bago ang pansarili kong kasiyahan. Pwede naman akong maging masaya pagkatapos ng lahat ng ito, kaya mas mabuti nang isantabi ko na lang muna iyon.

"Haay, hayaan na nga lang muna natin si Marsha, totoo yung sinabi nya kaya suportahan na lang natin sya ngayon na kailangan nya ng tulong natin." - tine , sya talaga pinaka tahimik samin at pinaka masipag na rin . Pero simula nung lagi silang magkasama ni vans , nahawaan na rin sya ng pagiging madaldal at lokaret.

"Salamat tine, nahihirapan lang talaga ako ngayon." Pagpapasalamat ko sa kanya.

*Ehe-ehemm*

Napabaling naman ang atensyon namin kay Patrick.

"Oh? Andito ka pa pala. Ano pa ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya. Pero pasimple akong siniko ni joyce.

"Gusto lang sana kitang maka-usap tungkol sa importanteng bagay." Seryoso ang pagkasabi nya dito. Bigla akong kinabahan sa pagbabago nya ng mood.

"Ahmm, sige, iwan muna namin kayong dalawa para makapag-usap kayo ng maayos. Tara na mga bhestie." Sabi ni vans bago hilahin paalis ang dalawa, ganun talaga siya kapag alam nyang seryoso na ang nangyayari.

Tumango siya sakin bago umalis at naintindihan ko na ang ibig niyang sabihin. Binalingan ko naman si Patrick at tinanong.

"Anong kailangan nating pag-usapan ?" Agad kong tanong.

"Hindi na ko magpapaliguy ligoy pa, I want to ask you a favor."

"Hindi pa nga tayo magkaibigan tapos hihingi ka na agad ng pabor sakin? Tss.." may pagka makapal din mukha nito. Tsk

"I know about what happened to your mother and with exchange to my favor I'll help you with your expenses. Basta pumayag ka lang sa pabor na hinihingi ko." Nagulat ako sa sinabi nya, pano nya nalaman?

"Paano mo nalaman ang tungkol kay mama?!" Gulat kong sabi sa kanya. Bigla naman syang nag smirk.

"I have connections, you know." Yabang. Tss..

"Tss. Ang yabang mo rin no? Ano na ba yung pabor mo ?" Bigla namang sumeryoso ang mukha nya. Moody nito ?!!

"I want you to be my fiance." Seryosong banggit nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Pero hindi agad ako nakaimik at napatitig pa sa kanya. Tinitingnan ko kung nagbibiro sya, pero nang malaman kong di talaga sya nagbibiro ay nagsalita na ako.

"You've got to be kidding me ?! Agad agad ganun ?! Di pa nga kita ganun kakilala eh !!! Tapos-- tapos -- aaargggh !!! " inis kong sigaw sa kanya. Nakakaloko ang pabor na hinihingi nya ahh. Haaaayys.

"Alam kong mahirap intindihin sa ngayon, pero kailangan ko talaga ang tulong mo. At alam kong kailangan mo rin ng---" pinigil ko sya sa pagsasalita.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya kong bayaran ang lahat ng gastusin namin ngayon. Kaya tigilan mo na ako! Aalis na ko." Hindi ko na sya hinintay pang magsalita. Umalis na kaagad ako doon at nagmadaling maglakad, naririnig ko pang tinatawag nya ang pangalan ko pero tuloy- tuloy pa rin ako.

Nasisiraan na yata sya ng ulo! Idadamay pa ako sa mga kalokohan nya, hindi nya ko maloloko. Kahit na anong sabihin nya, hindi ako papayag sa gusto nya. Hindi na tuloy ako nakapasok sa sunod naming klase dahil late na rin naman ako, umuwi na lang ako sa bahay at nagpahinga. This is such a very long day for me.

~~~~~

A/N:
Bumabawi po ako. Hahaha. Comment and vote lang po para malaman ko kung nagustuhan nyo ba ang story na ito.
Smile always. (^-^)/

------------------------------------------------------

SORRY FOR TYPOS, WRONG SPELLING AND GRAMMATICAL ERRORS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sudden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon