" PEEEEEP PEEEEEEEP ?! ""WAAAAAAH?! "
"HOY ! kung magpapakamatay ka wag kang mandamay ng ibang tao ! "
"che !" hmp.. kala mo naman kung sino eh siya naman tong may sapak na pinaandar ang kotse niya kahit red pa yung nasa stoplight !
Anyways... wag na ngang problemahin yun at maiistress lang ang beauty ko ! *chooos!*. At bago ang lahat , magpapakilala muna ako para hindi kayo clueless , okay ?! game !
Ang aking napakaganda ngunit subalit datapwat napakahabang pangalan ay Marsha Marijoy Villa ,but my super duper oh so close friends calls me MM like em-em. And some of the FC oveer the bakod .. calls me mars ,na akala ata nila chocolate .. anyways I am 18 years young and happy with my single life as a student *kitams!may natutunan din sa school!*.
At nakadating na nga ako sa school. Buti na lang nakadating ako on time ! kung hindi ,patay ang naglason !
"okay , good morning class ! so our lesson for today is --- " haay eto na naman po tayo , mag hapong nakatunganga sa teacher naming nakakaantok namang mag turo ...
~~~
"hoy MM ! anong drama mo at tulaley ka dyan ? " bulong ni christine ,isa sa mga bhestie ko ..
" wala ! naboboringan lang ako ngayong araw nato.."
"suuus ! kulang ka lang sa lovelife ! " bulong naman ni vanessa , napailing na lang ako sa mga pinag sasasabi nila kasi alam nilang ayoko nang mainvolve sa mga ganung bagay at ako na lang ngayon ang wala pang boyfriend
" okay class , that's all for today. goodbye class !" at nagsitayuan naman kami agad at nag retouch..
" bhestie's tara gumala ! ,friday naman ngayon ehh ! " sabi ni joyce, ano pa nga ba ! lagi naman kaming ganito eh ..
"pass muna ako ngayon.. wala akong pera eh,next time na lang siguro" hayst nagsinungaling na naman ako ,wala lang talaga ako sa mood ngayon, hindi ko alam kung bakit.
"nakuuu ! yan ka na naman ahh ! hindi ako papayag , sasama ka samin sa gusto at sa gusto mo !" sabi ni vans ,tss.. ang hirap ng may bestfriend na bossy ..
"haaay ,ano pa nga ba magagawa ko ? nagsalita ka na eh, tara na nga !" at nag sisigaw na sila ng yes.
~~~
Andito na kami sa mall , at naglalakad na kami papunta sa Mcdo para kumain *ano bang ginagawa sa mcdo ? tumutunganga?!*. At syempre hindi mawawala ang kanilang mga pa-charming sa mga nkakasalubong nilang lalaki ,tss di na nagbago.
"Hoy ! Tama na yan ,andito na tayo oh ?! Pumila na nga kayo at hahanap na ako ng mauupuan natin ! Tine ,alam mo na yung sakin !" at tumango na lang sya ,ako naman ay dumiretso na sa paghahanap ng mauupuan namin. Nang makahanap ako ng upuan ay agad akong umupo at kinuha ang cellphone ko para mag-net ... nang may biglang lumapit sakin.
"Ahmm.. hi ? ,pwede bang umupo ? " sabi nya habang nakangiti sakin. Hmm.. masasabi ko nang gwapo pero hindi ako interesado.(rhyme yon! Haha xP)
"Hindi." diretsong sagot ko. At lalo pa syang ngumiti sa sagot ko, Sabay upo sa upuan sa may harap ko.
"Haha. Ako nga pala si John Patrick Villaruel, but you can call me john or Patrick , or anything you want to call me.*smiles*" siraulo din pala to eh ? Nagtanong kung pwedeng umupo nung sinagot kong hindi umupo din naman ! Nagtanong pa sya diba?!
"I don't care who you are , So can you just leave me alone?" Tapos tumawa sya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa? tss.. weirdo.
"Hahaha .. ehem .. sorry. I just find you, interesting. So, pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo? "
"Sorry,but I don't--" at bago pa ako makasagot ay dumating na ang aking mga kaibigan. Na akala mo natabunan na ng inorder nilang pagkain sa katagalan nila.
"Uy bhestie ! Sino yang kasama mo ha ?! Ikaw ha ? Hindi ka na nagsasabi samin ? Pakilala mo naman kami !" sabi ni joyce. At bago pa man ako makasagot sa kaniya ay nagsalita naman kaagad ang isa ko pang bhestie.
"Oo nga ! Ikaw ha ? Naglilihim ka na samin ! Samantalang dati kahit pag eb--" sabi naman ni vans, bago pa man nya ituloy ang nakakadiri nyang sasabihin ay pinigilan ko na agad sya at nagsalita na dahil alam kong walang katapusang sermon ang abot ko sa mga ito. Daig pa nila nanay ko.
"Hep ! Time out ! Paliwanag muna ko pwede ?" Tumango naman sila ,kaya nag simula na kong mag paliwanag.
"Ganito kasi yan eh , hindi ko sya kilala. At ang ibig sabihin nun isa syang total stranger,okay? Kaya wala akong dapat ikwento at ipakilala sa inyo, gets ? At vans kadiri yung sasabihin mo kanina ah ? Tandaan nasa kainan tayo, mag-isip bago magsalita" grabe naman kasi tong mga to kung maka react , palibhasa gusto na nila akong magka boyfriend ,kaya sila ganyan.
"Sorry naman diba ?! Masamang mag assume ?! Anyways, hi kuya ! Anong name mo ? Bakit ka nga pala nasa harapan ni sultera-- I mean ni MM ?" sabi ni tine habang nag pipeace sign sakin. Bwisit na to ,porket walang boyfriend sultera agad ?! At nandito pa pala tong weirdo na to ? Tsk.
"Haha. Hi, ako nga pala si John Patrick Villaruel. Ahm, gusto ko lang sana makipag kilala sa kanya. But, I think ayaw nya so aalis na lang siguro ako. Sige see you next time na lang, bye *smiles* " sabay tayo at alis. Tss, at may next time pa syang nalalaman ? Wag naman sana, ayoko nang makita pa yung weirdo na yun no ?! Hmp !
-----------------
Sooo .. What do you think ? Pasensorry sa mga wrong spelling/ grammars ah ?? Perstaym eh.. kaya pabayaan nyo na lang muna. Tsaka ko na po ieedit.
So I hope you like the first chapter. Leave a comment po para malaman ko kung ok lang sa inyo. Goodbye for now. (^_^)/
"See you when I see you...
I mean always..."
BINABASA MO ANG
A Sudden Love
Teen Fiction"FOREVER is just a WORD, but when you BELIEVE in it; it will give you the TRUE MEANING of HAPPINESS and LOVE" ~~~~~ Isa lang akong ordinaryong babae na kuntento na sa kung anong meron ako , pero mayroon talagang mga pangyayari sa buhay mo na hindi t...