I couldn't help but smile as I looked outside the house I grew up in.
It's only been months since my last visit but it felt like forever. Marami nang nagbago sa lugar na 'to pero tuwing tumatapak ang mga paa ko rito, parang lagi akong bumabalik sa pagkabata—iyong mga panahong ang pino-problema ko lang ay kung paano ko sasabihin kay mama na nadapa ako at may malaking sugat ako sa tuhod o 'di kaya kung paano ako magkukunwaring tulog sa tanghali para palabasin ako sa hapon.
Isa lang iyong simpleng two-story house na dati'y kulay brown at ngayo'y pininturahan na ng puti. Ang dark brown namang gate ay ni-repaint sa parehong kulay para magmukhang bago. Malinis at maaliwalas na rin ang garahe na dating pinaglalagyan ng sira naming sasakyan at naging tambakan na rin namin ng kung anu-ano.
I am glad that mama decided to have it renovated. Alam kong matagal na niya itong gusto ipaayos kaya lang ay wala naman kaming budget. Pero dahil kahit papaano'y stable na ang pamumuhay namin, nabigyan na namin 'to ng atensyon.
Pero noon, kung ako tatanungin, ayoko na may baguhin na kahit ano dito sa bahay na 'to. Para sa'kin kasi, okay na siya na ganun.
And now that time has passed, I came to realize that change might not be a bad thing after all. We all go through it, whether we like it or not.
"'Nak!"
Nilingon ko ang pintuan ng bahay kung saan lumabas si mama. Agad akong lumapit at siya nama'y sinalubong ako ng yakap na parang ilang taon kaming hindi nagkita. Eh three months lang naman.
"Ganda ng bahay natin diyan, ah!" ani ko sa kanya.
Humalukipkip siya. "Aba, siyempre naman! Ang laki-laki ba naman ng ginastos natin diyan!" sagot niya. "Tara, pasok na,"
Hindi ko mapigilang mamangha.
Kung sa labas pa lang ay kitang-kita na ang pagbabago nito, siyempre hindi magpapatalo ang loob. Mas naging malawak dahil iilan na lang ang mga furnitures pati na rin ang naka-display na figurines na dati'y ingat na ingat pa kami ni ate na hindi masanggi, lalo na 'pag nagsasabunutan kami.
"Wow! Ang gara na talaga ni aling Christie!" Kinabig ko siya nang bahagya sa balikat.
Napa-daing naman ako nang kurutin niya ako sa tagiliran. "Aling Christie ka diyan! Ang bata-bata ko pa, 'no!"
"Oo, may asim pa siya!" Biglang pasok sa eksena ng ate ko galing sa kusina at may dala pang sandok.
"Asim?" Intrigang tanong ko sabay tawa.
Umirap si mama. "Ako nga'y tigil-tigilan niyo!"
"'Eto namang si mama, joke lang 'yon" si ate. "Baka mamaya magsumbong ka pa kay kuya Jerry—ay!" agad na umiwas ang ate nang ihagis ni mama ang throw pillow sa direksyon nito.
Nagpaalam muna siya na bibili ng softdrinks sa kapitbahay namin. Nag-offer ako na ako na lang ang bibili pero ayaw niya kaya hinayaan ko na lang.
Pumunta na lang ako sa kusina kung saan amoy na amoy ang adobong niluluto ng ate. Sobrang ganda rin ng pagkakagawa ng kusina; malinis at organized ito mula sa mga kasangkapan hanggang sa mga lalagyan ng asin at paminta. Teritoryo 'to ng ate ko, kaya hindi na nakakagulat.
"Malapit nang matapos 'to. Kung gusto mo, mag-house tour ka muna diyan mag-isa," anito habang tutok sa niluluto.
"Sige, akyat muna 'ko sa taas," sabi ko. "Siguraduhin mo lang na masarap 'yan, ah."
"Aba, simulan mo nang kabisaduhin pangalan mo ngayon!" aniya na tinawanan ko na lang. Alam ko naman na kahit anong iluto niya'y masarap. Of course, she didn't finish culinary for nothing.
Sa bawat paghakbang ko sa bagong ayos na hagdan ay 'di ko maiwasang mapatingin sa mga retrato na nasa dingding. Naka-display roon ang diploma namin ng ate at ilang pictures naming tatlo nila mama.
Nang marating ko na ang second floor ay agad hinanap ng mga mata ko ang baby pink na pinto. Bago rin ang pagkakapintura nito at nakasabit pa rin doon ang letter S at J. Ang kabilang kwarto naman na kulay dark brown ang pinto ay ang kay mama.
Pumasok na ako sa loob ng dati naming kwarto ni ate at hindi ako makapaniwala sa bumungad sakin. Bukod sa malinis at magandang pagkakaayos nito ay halos wala itong pinagkaiba sa itsura nito noon.
Napatingala ako nang maramdaman ko ang mga luha kong nagbabadya. Ugh, nagiging iyakin na talaga ako. Nakakainis.
Bigla kong naalala ang photo album ko noong baby pa ako. May ideyang pumasok sa isip ko kaya naman hinanap ko iyon. Inumpisahan kong maghanap sa cabinet ko. Halata na ang pagka-luma nito pero maayos pa rin naman. Wala nang mga damit doon pero may ilan akong mga gamit at hindi kasama roon ang hinahanap ko. Sunod ko iyong hinanap sa study desk ko, wala rin.
Malapit ko nang mahalughog ang buong kwarto pero wala pa rin ang hinahanap ko. I almost gave up but then I remembered I haven't checked under the bed, so I did. Bahagya akong yumuko para tumingin sa ilalim at napahinto sa nakita ko. Lalo pa akong yumuko at dahan-dahang iyong kinuha. Nakakunot ang kilay ko habang tinitignan ang box na hawak ko.
Umupo ako sa kama at inilapag ko rin iyon doon, hindi nawawala ang pagkakunot ng noo ko. Alam ko, 'tinapon ko na 'to. Matagal na. Kaya anong ginagawa nitong kahon na 'to rito?
Pinagmasdan ko pa iyon ng sandali bago ko iyon tuluyang buksan.
Waves of nostalgia swept over me the moment I saw what's inside the box. Isa-isa kong tinignan ang mga gamit sa loob: may corsage, tags ng damit, resibo, ampao, invitation at ilang mga retrato na ang karamihan ay kuha mula sa graduation ko.
I couldn't help but smile as I looked through them. It's just funny how sometimes we look for something but end up finding something else.
I paused when a cold metal touched my skin. I took it and in my hand was a familiar keychain. The keychain that I have treasured for a long time. One of the first memories I kept in this box.
Isinara ko iyon sa palad ko at napapikit.
And then suddenly, I found myself back to where it all began: my first day as a high school freshman.

BINABASA MO ANG
A Walk Down Memory Lane
General FictionDiscovering her memory box from years ago, Sienna couldn't help but relive the part of her life she would never forget: high school.